Janine at JM MMK team-up, natalo sa ratings ng Ai-Ai at Snooky MPK replay

by PEP Troika
May 10, 2021
Replay episode man, pumatok pa rin sa ratings ang Mother's Day tribute ng Magpakailanman na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas at Snooky Serna (kaliwa). Kilig naman ang tambalan nina Janine Gutierrez at JM De Guzman (kanan) sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman / Maalaala Mo Kaya

GORGY RULA

Maaring nagsipaglabasan ang karamihan ng mga tao noong Linggo, Mayo 9, para ipagdiwang ang Mother’s Day.

Ang dami na rin kasing restaurants na nagbukas, kahit al fresco lang, kaya pinili ng ibang sa labas i-celebrate ang Araw ng mga Ina.

Kaya kapansin-pansing mababa ang viewership noong Linggo.

Bahagyang bumaba ang All-Out Sundays na nakakuha ng 4.7%. Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To—na bukod sa A2Z ay napapanood din sa TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV—ay naka-2.4% naman.

ASAP Natin To

Continue reading below ↓

Ang FPJ Da King ay 4% ang combined rating kaya lumabas na natalo nito ang 3.4% ng Dear Uge na sa GMA-7 lang napapanood.

Ang GMA Blockbuster, kung saan ang pelikulang Instant Mommy ni Eugene Domingo ang palabas, ay naka-3.2%.

Kailangan na rin yatang mag-tape ng mga bagong episodes ang Dear Uge.

Tumaas naman pagdating sa Biyahe ni Drew na naka-4.4%, at 6.5% naman ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes.

Medyo bumaba ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-19.1%, na napakalayo sa katapat na Almost Paradise na 1.2%.

Ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show ay 5.6%. Babalik na raw sila ng taping ngayong linggong ito para mga bago na ang mapapanood sa naturang show.

Samantala, kahit noong Enero 2016 pa unang ipinalabas ang Mother’s Day episode ng Magpakailanman na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas at Snooky Snooky Serna, wagi sa rating nang ini-replay ito noong Sabado, Mayo 9.

Continue reading below ↓

Naka-17.3% ang Magpakailanman, at 2.8% ang Your Face Sounds Familiar, at 2.4% naman ang bagong episode ng Maalaala Mo Kaya na “Love in Lockdown.”

Okay ang viewership noong nakaraang Sabado, dahil mataas pa rin ang Pepito Manaloto na 11.8%, at bahagyang tumaas ang Agimat ng Agila na naka-16.7%.

Pagkatapos ng Magpakailanman ay okay rin ang rating ng Daddy’s Gurl na 8.7%, at 4.8% naman ang sumusunod na I Witness.

Daddy's Gurl

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Huwat??? Natalo ang bagong MMK episode nina Janine Gutierrez at JM de Guzman ng replay episode ng Magpakailanman?

Pinanood ko ang “Love in Lockdown” nina Janine at JM. Dahil sa episode na yun, ginusto kong makaakyat ulit ng Baguio!

Tapos, medyo bumaba ang ratings ng replay ng Dear Uge? Ano ba talaga ang gusto ng audience, new episodes na? Hindi ko na rin alam.

Sa tapatang ASAP at AOS, aside from the difference in terms of reach (dahil ang isa ay may franchise, at ang isa ay wala), mas interesting yatang malaman ang comparative reach at ratings nila online. I hope there is data available.

SB19 at AOS

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Noong Marso ay tatlo ang brand new episodes ng Magpakailanman.

Pero dahil sa pagdami ng COVID-19 cases sa bansa, pawang replay na ang hatid ng Magpakailanman mula noong Abril.

Swak sa Mother’s Day ang episode ng Magpakailanman noong Sabado na “Anak, Saan Kami Nagkamali?” kung saan bida sina Snooky Serna at Ai-Ai de las Alas, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Siyempre pa, magandang pre-program ng Magpakailanman ang action-fantasy series ni Senator Bong Revilla na Agimat ng Agila.

Sa Mayo 15, Sabado, pa lamang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ang kanilang Mother’s Day presentation titled “A Mother’s Sacrifice” kung saan bida sina Meryll Soriano at Aljon Mendoza. Ang director ay si Raz de la Torre.

Samantala, nakamit ni Christian Bables ang kanyang unang panalo sa Your Face Sounds Familiar Season 3 sa kanyang paglabas bilang Mike Hanopol noong Mayo 9, Linggo, sa Kapamilya Channel at A2Z.

Your Face Sounds Familiar

Continue reading below ↓

Sa 10th weekend din ng competition, nagbalik na si Geneva Cruz. Last month ay inihayag ni Geneva sa KaFamiliars na hindi muna siya makakalahok sa show upang asikasuhin ang kanyang ama at anak matapos magkasakit ang ina.

Geneva Cruz returns in YFSF

Noong Abril 19, Lunes, ibinahagi ng Pop Royalty sa social media na pumanaw na ang kaniyang ina. Desidido si Geneva na ipagpatuloy ang journey niya sa Your Face Sounds Familiar dahil iyon ang bilin ng kanyang Mama.

Continue reading below ↓

“Inaalay ko ito para sa aking Mama, kasi, siya yung number one fan ko talaga simula nung bata ako. So para sa kanya ‘to and fan siya ng Your Face Sounds Familiar,” wika ni Geneva bago lumabas bilang Toni Braxton.

Sa susunod na weekend, gagayahin naman ni Geneva si Selena. Kay CJ Navato naman si John Legend, kay Lie Reposposa si Sampaguita, at kay Vivoree Esclito napunta si Miley Cyrus.

Kaabang-abang din ang transformation ni Klarisse de Guzman bilang Aretha Franklin, ang iDolls bilang Ben and Ben at Moira de la Torre, at si Christian bilang Alice Cooper.

Napapanood ang Your Face Sounds Familiar Season 3 tuwing Sabado ng 8:00 p.m., at Linggo ng 7:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Replay episode man, pumatok pa rin sa ratings ang Mother's Day tribute ng Magpakailanman na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas at Snooky Serna (kaliwa). Kilig naman ang tambalan nina Janine Gutierrez at JM De Guzman (kanan) sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman / Maalaala Mo Kaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results