Ang Probinsyano, umaariba sa YouTube; First Yaya, umaarangkada sa ratings

by PEP Troika
May 11, 2021
Nagtala ang Ang Probinsyano (itaas) ng all-time high concurrent users sa YouTube sa May 10 episode nito; habang patuloy namang namamayagpag sa rating ang First Yaya (ibaba).
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network

JERRY OLEA

Umaarangkada sa ratings ng AGB Nielsen ang Kapuso primetime series na First Yaya.

Ang katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano, nagtala naman ng all-time high na 114,777 peak concurrent viewers sa episode nitong Mayo 10, Lunes.

Nilagpasan ng FPJ’s Ang Probinsyano ang sariling live viewership record sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Wala pa mang isang araw, nakapagtala na ang episode ng higit sa 3.3 milyong views sa YouTube.

Sa istorya, nauubusan na ng lugar na matatakasan si Cardo Dalisay (Coco Martin) sa patuloy na paghahanap sa kanya ng batas at kamatayan habang bitbit niya ang hostage na si Lia (Jane de Leon).

Patuloy na nagiging mailap si Cardo sa kanyang mga kalaban matapos siyang sugurin muli ng buong batalyon ng Black Ops, na inatake ang tinutuluyan nilang rest house ni Lia. Kaya naman doble-higpit na ang pagbabantay sa bawat checkpoint para matagpuan ang dalawa.

Pansamantalang naging magkasangga sina Cardo at Lia sa pakikipaglaban sa mga armadong lalaki na pinaulanan sila ng bala.

Continue reading below ↓

Saan kaya dadalhin ni Cardo si Lia sa paghahanap niya ng matataguan? Kaninong buhay ang susunod na maibubuwis sa ngalan ng katarungan?

Huwag palampasin ang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

GORGY RULA

Mukhang nakikini-kinita na ang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang narinig ko, sa pagtatapos ng 7th cycle ng taping ay may isang mahalagang karakter na magpapaalam na. Papatayin ba siya o mawawala na lang, at biglang babalik sa ending nito?

Totoo kayang 2 cycles na lang ay ending na ito? Aabot kaya ang teleserye sa filing of candidacy kung may balak man si Coco Martin?

Samantala, namamayagpag na nang bonggang-bongga ang First Yaya, na hindi bumababa sa 20% ang rating nito.

Continue reading below ↓

Ramdam ko nang isa sa hot celebrities ngayon si Sanya Lopez dahil ilan na ang nag-i-inquire sa akin kung paano siya ma-contact para sa endorsement.

Kaya inaabangan na rin ang paglabas ni Sanya sa Agimat ng Agila sa darating na Sabado, Mayo 15. Siya si Maya sa weekly series na yun.

NOEL FERRER

Oh, grabe ang Presidente sa FPJ’s Ang Probinsyano, invalid pa rin! Forever tulog na lang?

Tapos, si Cardo Dalisay naman, ang dami nang nakakaengkuwentrong kalaban — laksa-laksa! At kahit mag-isa lang siya, siya lagi ang nagwawagi!

Magagaling pa rin ang mga eksena nina Lorna Tolentino at John Arcilla. I want to see more of Angel Aquino and Tirso Cruz III, too.

Hanggang kailan ang FPJ’s Ang Probinsyano? Balita ko, hanggang September na lang.

Alam natin ang buwan, pero not sure tayo sa year. (Iyan ang biruan ng mga tao sa set.)

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtala ang Ang Probinsyano (itaas) ng all-time high concurrent users sa YouTube sa May 10 episode nito; habang patuloy namang namamayagpag sa rating ang First Yaya (ibaba).
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results