Zoom birthday party ni Judy Ann Santos, naging impromptu concert nina Regine at Ogie

by PEP Troika
May 12, 2021
Ipinagdiwang ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang 43rd birthday sa pamamagitan ng isang simple ngunit masayang virtual celebration kasama ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Simpleng masaya lang ang naging celebration ng 43rd birthday ng young Superstar na si Judy Ann Santos.

Usually, she is referred to as the "Last of the Movie Queens." Sa puntong ito ng kanyang buhay at career ay ginagawa na lang ni Judy Ann ang gusto niya at nagiging matapang sa pagpili ng projects, na napaparangalan hindi lang dito kundi sa iba’t ibang international film festivals.

Now on her second year na birthday celebration in quarantine, isang espesyal na Zoom gathering ng pamilya at malalapit na kaibigan ang mga dumalo mula sa Santos at Agoncillo family.

Nandoon sina Jane at Kuki Buencamino, Tippy Fernandez, Ralph Mercado, Mader Biboy Arboleda, Pam Quiñones, Maita Baello, Juan Sarte, Trina Dayrit, at Rommel Gonzales.

Sa mga celebrity, dumalo ang inaanak ni Juday sa kasal na sina Iza Calzado at Ben Wintle, at ang mag-asawang Ogie ar Regine Velasquez-Alcasid.

Judy Ann Santos zoom party

Continue reading below ↓

Nagmistulang impromptu concert din ang virtual party nang magpaunlak si Regjne ng mga kanta ni Ryan Cayabyab na "Tuwing Umuulan At Kapiling Ka," "Tunay Na Ligaya at Araw Gabi," pati na "Bluer Than Blue." Si Ogie naman with "Just The Way You Are."

Napakasaya ng lahat sa pakikipag-celebrate sa mag-anak na Juday, Ryan, Yohan, Lucho, at Luna na nakabakasyon.

This sums up their lives now—happy, content and really loving—apart from yung mga naglalabasang fake news sa kanila.

Well, the Agoncillos are simply rooted in their love and faith and are further blessed by the spiritual guidance of Fr. Tito Caluag.

Judy Ann Santos birthday party in zoom

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Lubhang maingat sa pagtatrabaho si Juday.

Naunang napabalita noong ikinokonsidera si Juday para magbida sa Pinoy version ng K-drama na The World of the Married—the Tagalized version of which is titled The World of A Married Couple—na halaw sa British drama series na Doctor Foster.

Kaya nang i-announce noong Abril 13 na nagkasundo ang ABS-CBN at BBC Studios para sa Philippine remake ng Doctor Foster, may fans na umasam o nag-request na si Juday ang magbida rito.

Kaso, hindi kaya ni Juday na mapahiwalay nang matagal sa pamilya kapag nasa lock-in taping.

Ratsada naman si Juday sa endorsements at online engagements.

Nagho-host siya ng Paano Kita Mapasasalamatan. Meron pa siyang YouTube vlog na Judy Ann’s Kitchen, plus AngryDobo Sunday Market. Naka-commit pa si Juday na gawin ang pelikulang Mother tungkol sa life story ng Regal producer na si Mother Lily Monteverde.rd

At any rate, kuwelang-kuwela ang mag-asawang OgRe (Ogie + Regine) sa virtual party ni Juday.

Continue reading below ↓

Sabi nina Ogie at Regine, OK sila sa online booking for Birthday, Kasal, Binyag, at Libing!

GORGY RULA

Ayaw pa ring tumigil ang ibang fans. Ipinagpipilitan pa rin nilang si Juday dapat ang bida sa series na The Broken Marriage Vow (Philippine remake ng Doctor Foster) at hindi si Jodi Sta. Maria.

May iba namang nagkalat ng fake news na hiwalay na raw sina Juday at Ryan.

Tama lang na nag-iingat muna ngayon si Juday sa pagtanggap ng project dahil mas iniisip niya ang proteksiyon sa kanyang pamilya. Pero sana, dumating din ang araw na mapanood natin siyang umarte.

Ang isa pang gusto kong abangan ay kung tatanggap ba si Juday ng endorsement ng pulitikong tatakbo sa darating na eleksyon. May nagtanong na kasi sa akin na isang party-list kung posible ba nilang kunin ang serbisyo ng aktres para i-endorse sila.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdiwang ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang 43rd birthday sa pamamagitan ng isang simple ngunit masayang virtual celebration kasama ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results