Opinyon ni Catriona Gray sa Miss Universe 2020 national costumes, nag-trend dahil sa mixed reactions ng netizens

by PEP Troika
May 14, 2021
Ilan sa mga napili ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang top picks sa Miss Universe 2020 national costumes ay ang outfit nina Miss Indonesia, Miss Nepal, at Miss Peru. Hindi niya nabanggit si Miss Philippines Rabiya Mateo, pero bilib daw si Catriona sa performance nito.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram / Lazada YouTube (Miss Universe 2020)

JERRY OLEA:

Nabulabog ang mga Pinoy pageant aficionados dahil sa tweet ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay sa mga bet niyang National Costume sa 69th Miss Universe.

Sunud-sunod na tweet ni Miss Universe 2018 nitong Mayo 14, Biyernes ng umaga:

"Watching one of my favorite aspects of the show, because it showcases diverse and rich cultures.

"So many beautifully detailed National Costumes @MissUniverse.

"Will always wonder...how did they fit these huge, larger than life costumes in their luggage?!

"Head over to missuniverse.com/vote to vote for your favorite National Costume! Our queen Gazini from the Philippines took the title last year!"

Pagkatapos mapanood ang National Costume event ay ibinahagi ni Catriona ang Top 6 costumes na nagustuhan niya.

"Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes Who were yours?" tweet ni Catriona.

Waley ang kinatawan ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Top 6 na choices ni Cat sa NatCos! Beastmode ang avid fans ni Rabiya!

Continue reading below ↓

Agad na nag-trend ang pangalan ni Catriona dahil sa iba-ibang reaksyon ng netizens.

Nag-tweet si Cat ng paglilinaw makalipas ang isang oras at 46 minuto, "My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance.

"I love the celebration of culture and a country's expression of identity which is why its one of my favorite segments! @MissUniverse."

Sumunod na inihayag ni Catriona na bilib siya sa "level of performance" ni Rabiya kaya excited siyang mapanood ito sa prelims ng Miss Universe 2020.

NOEL FERRER:

Tama naman, those are Catriona’s views! Let us learn to respect them!

Alam mong volatile ang situation ngayon kaya medyo maiksi ang pasensya ng mga fans.

Pero let’s have a survey among our PEPsters and mga Ka-Troika, okay na okay ang effort ng kandidata nating si Rabiya (flying a pagkabigat-bigat na national costume sa venue).

Is it worth it? Did you like it? Or it needs improvement?

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Kahit ako rin naman ay hindi ko bet ang National Costume na suot ni Rabiya.

Porke’t inspired sa ating national flag ay national costume na ba iyun? Kahit sa pagrampa ni Rabiya ay nakikita ring hindi siya kumportable sa suot niya.

May nangyari pala noong isinuot niya iyun, lalo na ang headdress na hindi na lang ginamit. Nahuhulog daw nang isinuot niya iyun at nasugatan pa siya sa paa.

Pero keri na iyun. Cheer pa rin tayo kay Rabiya. Karapatan naman ni Catriona na magpahayag ng gusto niya sa segment na iyun, at kaya niyang panindigan iyun.

Pero nagkaisyu na dahil sa nakikita ng iba na tila kulang sa suporta si Catriona sa ating kandidata. Sana, hindi na lang niya itinweet para walang isyu.

Naungkat tuloy ang laban niya sa Miss Universe na hirap na hirap din siya sa parol-inspired niyang costume.

Pero nakuha niya ang korona, kaya sana ay ganoon din ang mangyari kay Rabiya.

Continue reading below ↓

Mas kailangan ngayon ni Rabiya ang suporta kesa sa kuda tungkol sa national costume niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan sa mga napili ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang top picks sa Miss Universe 2020 national costumes ay ang outfit nina Miss Indonesia, Miss Nepal, at Miss Peru. Hindi niya nabanggit si Miss Philippines Rabiya Mateo, pero bilib daw si Catriona sa performance nito.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram / Lazada YouTube (Miss Universe 2020)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results