Darren Espanto, na-expose sa COVID patient kaya postponed ang concert

by PEP Troika
May 14, 2021
Darren Espanto, kinumpirma na sa June 19 at 20 ang mga bagong petsa para sa kanyang homecoming virtual concert.
PHOTO/S: Andrea Beldua via @darrenespanto Instagram

JERRY OLEA:

Ipinagpaliban ng ABS-CBN Events ang homecoming concert ni Darren Espanto na Darren Home Run: The Comeback Concert, na ang streaming sana ay sa Mayo 30 (Linggo, 8:00 p.m., Manila time) at Mayo 31 (Lunes, 10:00 a.m., Manila time).

Na-expose kasi si Darren sa isang tao na nagpositibo sa COVID-19, kaya naka-self-quarantine muna siya.

Bahagi ng statement na inilabas ng ABS-CBN ngayong Mayo 14, Biyernes ng hapon, “As a result, the show’s timeline will be adjusted including schedules of rehearsals, pre-production, and promotional activities, to ensure the safety and health of our artist and staff.

“All tickets sold previously will be honored on the new ‘Home Run’ concert schedule, which will be on June 19 (Saturday) at 8 PM (Philippine time) with a re-run on June 20 (Sunday) at 10 AM (Philippine time) via KTX, TFC IPTV, and iWantTFC.”

Sa hiwalay na Instagram post ni Darren, kinumpirma niya ang bagong petsa para sa kanyang virtual concert.

Continue reading below ↓

Darren Espanto concert postponement

Ang halaga ng tiket sa nasabing virtual concert ni Darren ay PHP699 sa Pilipinas, o US$14.99 sa ibang bansa.

GORGY RULA:

Kailangan pa rin talagang mag-ingat.

Pero curious ako dito sa concert ni Darren kung anong bago mapapanood sa kanya ngayong ang laki ng iginanda ng katawan niya.

Papunta na siya sa hunk na parang asiwa kung matinis pa rin ang boses kapag bumirit. May nabago kaya sa boses niya ngayong binatang-binata na siya?

Continue reading below ↓

Parang hindi na siya babagay kay Cassy Legaspi na ang bagets pa rin ng image at may Joaquin Domagoso nang ka-loveteam.

Samantala, curious din ako kung tuloy pa rin ang kaso ni Darren kay JK Labajo dahil walang plano ang "Buwan" singer na maglabas ng public apology.

Magtatagpo kaya sila sa korte?

NOEL FERRER:

Guest ko nga dapat si Darren today sa aking LEVEL UP program, pero we have to postpone it to a later date, and had a good episode with Spokespersons instead.

Inaabangan talaga ang concert na ito na dapat homecoming show ni Darren after niyang maglagi sa Canada simula ng pandemya.

This is reminiscent of what happened to our Songbird Regine Velasquez also sa Valentine concert niyang Freedom na nagkaroon din ng COVID scare.

But after two weeks naganap din ito. Hopefully, COVID-free si Darren.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto, kinumpirma na sa June 19 at 20 ang mga bagong petsa para sa kanyang homecoming virtual concert.
PHOTO/S: Andrea Beldua via @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results