CONFIRMED: John Lloyd Cruz, balik-showbiz sa ilalim ng Crown Artist Management ni Maja Salvador

by PEP Troika
May 15, 2021
Sigurado na ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz matapos niyang pumirma ng kontrata with Crown Artist Management na pag-aari ni Maja Salvador
PHOTO/S: courtesy of Crown Artist Management

JERRY OLEA

Mayo 15, Sabado ng 5:55 pm nang matanggap ko ang email mula sa Crown Artist Management na pinagrereynahan ni Her Majasty Maja Salvador.

Lahad nito, “Good Day!

“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM). As long time friends in and out of the industry, Maja and JLC will now be helping each other in this stage of their careers.

“CAM will now be in charge of all his inquiries after his long hiatus. We are sure that a lot of his fans are anticipating this, so the time has already come. THE JOHN LLOYD CRUZ is back!”

Bago ang kumpirmasyonga ito, tatlong araw na may pa-video clips si Maja sa Instagram. Ang pa-hashtag niya, #TheCAMbackisreal.

Bongga ang photo shoot kaugnay dito na ginamitan ng eroplano, with matching pa-champagne and red carpet—fit for a king.

Continue reading below ↓

John Lloyd Cruz

John Lloyd Cruz showbiz comeback

Continue reading below ↓

May iba pa bang nagbabalik na “hari” na dapat pagkalooban ng ganitong pagpapahalaga maliban kay John Lloyd?

NOEL FERRER

Isa ako sa nasiyahan nang mapabalita ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa ating industriya.

Siya, para akin ang pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon!

Alam kong natapos na niya ang pelikulang Servando Magdamag sa panulat ng aming guro na si Ricky Lee, at sa direksyon ng premyado ring si Lav Diaz.

After what happened to him during his sabbatical, isang mas sensitibong tao at aktor ang maaasahan natin kay JLC.

I am really happy that JLC is back to doing what he does best, at nandito lang tayo para suportahan siya!

John Lloyd Cruz

Continue reading below ↓

JLC

GORGY RULA

Matagal nang naipahiwatig sa PEP Troika na ima-manage na ng CAM si JLC, pero hindi pa sila sumasagot kung ilang taon ang pinirmahan ng aktor.

So far, ang Servando Magdamag ang tinapos ni John Lloyd sa Bicol, at meron pa raw siyang isang gagawin. Pero wala pang katiyakan kung matutuloy ba ang sitcom niya sa TV5.

Continue reading below ↓

Iyan ang aabangan natin sa plano ng Crown Artist Management kay Lloydie.

Bukod kay John Lloyd, meron pa raw ibang talents na ipapakilala ang CAM.

Abangan natin iyan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sigurado na ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz matapos niyang pumirma ng kontrata with Crown Artist Management na pag-aari ni Maja Salvador
PHOTO/S: courtesy of Crown Artist Management
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results