Alden, Jasmine, at Tom nag-script reading na para sa The World Between Us

by PEP Troika
May 15, 2021
Kabilang sina (clockwise from top left) Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez sa script reading na ginanap ngayong Sabado ng hapon, May 15, para sa GMA-7 teleserye na The World Between Us.
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom script reading of The World Between Us

JERRY OLEA: Nag-script reading sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez nitong Mayo 15, Sabado, para sa Kapuso primetime series na The World Between Us.

Pinost ito ng GMA Network senior program manager na si Anthony Pastorpide nitong Sabado night sa Facebook.

Nasa script reading din ang co-stars na sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose, pati si Direk Dominic Zapata.

Ayon kay Pastorpide, nagkaroon na ng script reading sessions before ang cast. Nasa final preparations na sila sa safety protocols para sa umpisa ng lock-in shooting sa Mayo 18, Martes.

Kinumpirma ni Pastorpide na kasama rin sa cast ng The World Between Us si Glydel Mercado, pero nilinaw niyang wala sa cast si Cherie Gil.

May lumutang kasing tsismis noon na kinukuha si Cherie para sa seryeng ito.

NOEL FERRER

I knew about this project from Anthony Pastorpide mismo na tumawag sa akin for one of my artists. He knew that I was the easiest to talk to. I know na masinop siya sa trabaho at mabilis ang aming kasunduan.

Continue reading below ↓

Yes. Alden-Jasmine-Tom. Sounds exciting. I wonder what happened if Anthony had his way on a premium plan.

Sabi niya, next time, sa tamang panahon, mangyayari rin iyan!!! If only people pushed for premium really!

Good luck on this project!

GORGY RULA

Guest role lang ang partisipasyon diyan ni Glydel Mercado. Pero ilang araw rin siya riyan dahil halos isang linggo ang gagamitin sa quarantine at RT-PCR test pati ang antigen.

Dito raw muna sa soap magpo-focus si Alden dahil medyo matatagalan pang simulan ang pelikula nila ni Bea Alonzo na A Moment To Remember.

Ang dinig ko, bandang August pa sila magsisimula dahil mahirap pa raw talagang mag-shoot ngayon. May kahigpitan pa sa safety and health protocols.

Sana, by that time, humuhupa na ang COVID cases at magbubukas na ang mga sinehan.

At malay natin, baka Kapuso na by that time si Bea!

Abangan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina (clockwise from top left) Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez sa script reading na ginanap ngayong Sabado ng hapon, May 15, para sa GMA-7 teleserye na The World Between Us.
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom script reading of The World Between Us
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results