"Erotic performer" Lloyd Agustin may tell-all interview kay Jessica Soho

by PEP Troika
May 16, 2021
Ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho (L) ang latest na nag-interview kay Lloyd Agustin tungkol sa pagiging online sex worker nito. Sabi ni Lloyd, "Naramdaman ko po iyong respect ni Miss Jessica kahit pumasok ako sa ganitong trabaho. Nag-thank you pa po siya sa dulo ng interview kasi, lahat po ng questions niya, sinagot ko."
PHOTO/S: @lloydaaronagustin on Instagram

JERRY OLEA

Sobrang nag-enjoy si Lloyd Agustin sa zoom interview with Mr. Fu noong Mayo 13, 2021, Huwebes ng hapon.

"Masaya po yung usapan namin ni Mr. Fu. Sakto lang po ang harot,” sabi ng Tiktok influencer na si Lloyd nitong Mayo 15, Sabado ng gabi, via Facebook Messenger.

Mapapanood ang virtual harutan nina Lloyd at Mr. Fu sa Mayo 21, Biyernes, sa YouTube channel at Facebook page ng WTFu.

Mula nung lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rebelasyon ni Lloyd tungkol sa pagiging online sex worker, naging abala siya sa mas marami pang interviews.

Mga dalawang oras matapos ang talastasan with Mr. Fu, sumalang naman si Lloyd sa Zoom interview with Jessica Soho para sa TV program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

"Smooth po iyong flow ng interview ko with Miss Jessica. Kumportable po ako sa kanya," lahad ng 23-anyos na si Lloyd.

"Sabi po ni Miss Jessica, ang tapang ko and strong personality kasi di ako nahihiya na magsalita tungkol sa mga ganitong bagay.

Continue reading below ↓

"Naramdaman ko po iyong respect ni Miss Jessica kahit pumasok ako sa ganitong trabaho. Nag-thank you pa po siya sa dulo ng interview kasi, lahat po ng questions niya, sinagot ko."

Matutunghayan ang interbyu ni Jessica kay Lloyd sa KMJS ngayong Mayo 16, Linggo ng gabi, sa GMA 7.

Take note na 23M na ang followers ng Facebook page ng KMJS, kaya ito na ang most followed Filipino TV program sa nasabing social media platform.

Siyanga pala, aminado si Lloyd na gusto niyang mag-artista. Sa zoom interview noong Mayo 9, Linggo, inusisa si Lloyd ng kilalang vlogger-publicist na si Byx Almacen kung tatanggapin niya if ever ang project na lubhang mapangahas.

“Oo naman, absolutely. Isa iyon sa mga dreams ko simula pa noong bata ako, iyong makapag-star sa isang movie. Mag-act, ganyan,” nakangiting tugon ni Lloyd.

"Feeling ko, I have what it takes."

If ever, sinong artista ang gusto niyang makapareha sa isang daring movie? Natigilan muna si Lloyd at tila tinimbang-timbang na mabuti ang sagot, "Hmmnn, ako kasi, very flexible ako. Actually, feeling ko, kahit sino. Kahit sinong i-partner sa akin, I would be able to work with them, professionally.”

May crush ba siya sa local showbiz?

"Sa showbiz, isa sa mga crush ko…pero feeling ko, yung crush ko, kasi, hindi naman siya gumagawa ng daring movies, pero ang crush ko sa showbiz ay si Bela Padilla. Hindi naman siya ganoon."

So kung romantic-comedy, si Bela ang gusto niyang makapareha?

"Yes, siya talaga!" napapangiting bulalas ni Lloyd.

NOEL FERRER

Kani-kanyang paraan ng pagpasok sa showbiz at heto nga ang paraan ni Lloyd.

Mula sa pagiging Tiktok influencer, pinasimulan niya ang pagbebenta ng private videos noong Abril 20.

Naengganyo tuloy ang kaibigan niyang BidaMan finalist na si Jervy de los Reyes na sundan ang kanyang mga yapak.

Post ng Facebook page ng KMJS nitong Sabado ng gabi, “KONTROBERSYAL NGAYON, KILALANG CONTENT CREATOR NA SI LLOYD AGUSTIN, LANTARANG PINASOK ANG PAGBEBENTA NG MGA PRIBADO NIYANG VIDEO. BAKIT NGA BA PARAMI NANG PARAMI NGAYON ANG MGA KABATAANG PUMAPASOK SA GANITONG KALAKARAN?”

Bahagi ng pahayag ni Lloyd kay Jessica, “When I do something, I go for it one hundred percent. So nung pinasok ko yung pagiging erotic performer, tinodo ko na. Kaya hindi ako nagtatago under an alias or pseudonym.

Continue reading below ↓

"I’ve been considering this for a very long time. Before, ang parang nagho-hold back lang sa akin yung fear of judgment ng mga tao.

"Gusto ko kasi na bago bago ako mag-25, financially stable at financially secure ako. Gusto kong marating yung point na hindi ko kailangang mag-worry sa monthly bills o kung ano yung kakainin namin sa susunod na araw.

"Alam naman natin na sa Pilipinas, mababa ang minimum wage. Mahirap talagang yumaman.

"Naisip ko lang na kung kaya naman na mas pabilisin ang pagpasok ng pera at ng pag-akyat ng economic status namin, bakit hindi?

"Naiintindihan ko kung saan nanggagaling yung mga taong nagsasabing hindi ito tama o immoral o indecent ito.

"Pero, for me, if other people think na hindi siya tama, wag niyong gayahin. I’m not encouraging anyone na gayahin ako or gawin din yung ginagawa ko."

Paalala pa ng KMJS, ito’y SENSITIBONG PAKSA PERO NAPAPANAHONG PAG-USAPAN.

Continue reading below ↓

Inaasahan natin na makabuluhan ang pagtalakay ng KMJS sa usaping ito. Iba talaga ang nagagawa ng pandemya.

Ito na ang alam ni Lloyd na paraan para mag-survive. Well, maraming ganyan ngayon.

Bago tayong magpakawala ng mga salita at panghuhusga, intindihin natin kung saan sila nanggagaling sa paggawa ng ganito. Let us see kung sana hahantong ito.

GORGY RULA

Meron nang mahigit 170K followers si Lloyd sa kanyang Tiktok account at mahigit 2M likes na siya.

Ang mga huling posts niya ay merong halos sampung libong likes, at awra-awra na lang siya.

Wala na siya masyadong naibabahaging magagandang opinyon. Matalino naman kasi siya at okay naman ang mga pananaw niya at obserbasyon, kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.

Sana nga, pagkatapos mapag-usapan itong bagong raket niya, balik na siya sa magagandang impluwensya dahil maayos siyang magsalita.

Naturingan ka pa namang Tiktok influencer, kaya sana, magagandang impluwensiya na ang maibabahagi niya sa mga sumusubaybay sa kanya lalo na sa mga kaedad niya.

Continue reading below ↓

Base kasi sa mga naipu-post niya, parang ang taas talaga ng ambisyon ni Lloyd. Siguro nga, lahat ay gagawin niya para lang maabot ang matagal na niyang pinapangarap.

Minsan naman ay kalma lang siguro at sa panahon ngayon ay makuntento na tayo sa kung ano ang kayang abutin ng ating pangarap.

Huwag na masyadong ma-pressure. Nakakatakot din kung sobra tayong maghangad. Sa tingin ko okay na mabigyan ng talk show si Lloyd kesa sa mag-artista.

Siguro, kung isasapelikula na ang kuwento ng buhay ng namayapang si Christine Dacera, bagay siyang gumanap na si Valentine Rosales.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho (L) ang latest na nag-interview kay Lloyd Agustin tungkol sa pagiging online sex worker nito. Sabi ni Lloyd, "Naramdaman ko po iyong respect ni Miss Jessica kahit pumasok ako sa ganitong trabaho. Nag-thank you pa po siya sa dulo ng interview kasi, lahat po ng questions niya, sinagot ko."
PHOTO/S: @lloydaaronagustin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results