Lorna Tolentino, zero vaccine since birth pero magpapabakuna ng anti-COVID-19

by PEP Troika
May 17, 2021
FPJ's Ang Probinsyano star na si Lorna Tolentino, ipinaliwanag kung bakit never siyang nagpabakuna noon. Ano ang posisyon niya tungkol sa COVID-19 vaccine?
PHOTO/S: Lorna Tolentino Facebook

GORGY RULA

Pati sa pagbabakuna sa COVID-19, may hanash?

Tila may panunumbat pa ang dating sa akin ng tinuran ng ating Pangulong Rodrigo Duterte at pati ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Sal Panelo sa mga tumutuligsa sa ating Pangulo at sa China, pero nagpapabakuna naman daw ng Sinovac.

Pati ba sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay may isyu at may sinasabi ang bawat isa?

Sa totoo lang, ang concern lang ng lahat ay maiwasan na ang pagkakaroon ng COVID-19.

Kung malaki ang maitutulong ng pagpapabakuna, sana lahat ay mabakunahan na.

Ang concern ngayon ng magaling na aktres na si Lorna Tolentino ay kung paano siya makapagpapabakuna.

Hindi raw niya maintindihan ang nararamdaman kung magpaparehistro na ba siya for vaccination, dahil kung sakali, ngayon pa lang niya mae-experience ang mabakunahan.

"Zero vaccine ako since birth," text niya sa akin.

"Hindi kasi ako pinabakunahan ng nanay ko pati ang brother ko, dahil na-trauma sa eldest sister ko na nagka-polio after ma-vaccine sa anti-polio.

Continue reading below ↓

"Kaya hindi na ako nagpa-vaccine kahit flu shot at iba pa," dagdag niyang text sa PEP Troika.

Pero iba raw itong sa COVID, kaya kailangan na raw niyang magpabakuna.

"Nagkaka-anxiety ako pag biglang merong nag-positive. Saka kailangan talaga ang COVID vaccine para makatulong din sa pagkawala ng COVID," dagdag niyang text sa akin.

Medyo takot daw siya kapag naiisip niyang ipapa-schedule na siya for vaccination, pero kailangan niyang gawin kahit first time niyang ma-experience ang mabakunahan.

Sana, bago raw siya bumalik sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ay inoculated na siya.

Sa ngayon ay OA raw siya sa pag-take ng vitamins o supplements para kahit paano ay may panlaban sa posibleng pagkahawa sa nakakatakot na virus na ito.

JERRY OLEA

Naka-face mask si Lorna sa Facebook post niya noong Abril 30 kaugnay sa isa niyang adhikain.

Post ng Grand Slam Actress, "Embracing the Musa Fabric which is made of banana fiber of The Musa Advocacy in Davao del Norte with its Musa Ambassadress for Manila Ms. Anne Feo.

Continue reading below ↓

"I hope that my support in this project will paint a smile in the faces of the Persons Deprived of Liberty (PDL) in the maximim security of the jail institutions/ Indigenous Women/Lumad/Muslims in Davao del Norte, Philippines

"MUSA FABRIC, PROUDLY DAVAO DEL NORTE, MADE IN THE PHILIPPINES."

Dalangin ko na magkaroon ng sapat na lakas at tibay ng loob para makapagpabukana si LT, at maging ligtas sa COVID!

NOEL FERRER

Nang marinig ko ang pahayag na iyan ni PRRD, nanliit ako.

Kasi, kailangan ba nating makonsensiya na Chinese vaccine ang tinanggap natin, e, wala namang choice?

Ang sagot tuloy sa akin ng dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo ay ito, “Wala tayong utang na loob sa China. Sa kanila galing ang Covid.

"Ang unang namatay ng COVID sa labas ng China ay isang Chinese national na pumunta rito sa Pinas. Kaya obligasyon ng China na magbahagi ng vaccines."

Yun na! Ibayong ingat na lang talaga tayo!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FPJ's Ang Probinsyano star na si Lorna Tolentino, ipinaliwanag kung bakit never siyang nagpabakuna noon. Ano ang posisyon niya tungkol sa COVID-19 vaccine?
PHOTO/S: Lorna Tolentino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results