Olivia Culpo deadma sa pamba-bash sa kanyang Miss Universe 2020 hosting

by PEP Troika
May 18, 2021
Miss Universe 2012 Olivia Culpo remains silent over negative comments about her Miss Universe 2020 hosting stint.
PHOTO/S: @oliviaculpo on Instagram

GORGY RULA

As of May 18, Tuesday, wala pang kasunod na post si Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa kanyang Instagram account.

Ang huling post ni Olivia ay noong Linggo, Mayo 16 (U.S. time) kung saan ipinost niya ang mga kuha sa final rehearsal ng Miss Universe 2020 kasama ang mga kandidata sa stage.

Continue reading below ↓

Noong huling check ko ay mahigit 2,000 ang comments sa post na yun na karamihan ay pamimintas sa hosting niya.

May ilang nag-post na sinasabing proud sila sa Miss Universe 2012, pero sinasagot ito ng ilang netizens ng “Proud what? She doesn’t have energy at all.”

Meron ding nag-respond ng “Hahaha proud of being a mess on stage hosting like a stoned.”

Kung anu-anong panlalait ang inabot doon ng dating beauty queen, pero wala pa siyang paliwanag o sagot sa ginawa niyang hosting sa katatapos lang na Miss Universe 2020.

Kapansin-pansin ding karamihan sa mga nam-bash sa kanya sa Instagram ay mga Pinoy.

May post na straight Tagalog na nilalait siya, ang iba naman ay dinudugtungan ng ‘kaloka!”

Meron pang nag-Bisaya na baka puwedeng kumain daw muna siya bago isinalang sa kanyang hosting job.

Pero halos iisa ang komento ng karamihang nam-bash sa kanya sa kanyang Instagram account: “worst co-host ever!” o “worst hosting!”

Continue reading below ↓

Sa tingin ninyo, mga ka-Troiks, kailangan pa silang sagutin ni Olivia o deadma na lang at wala na rin siyang energy na patulan ang mga ito?

JERRY OLEA

Hindi kailangang maging patola si Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa mga nanlait sa paghu-host niya sa 69th Miss Universe pageant.

E, ano kung walang “Ghana” si Olivia sa nasabing timpalak?!

Kilala si Olivia bilang social media personality—4.8M followers sa Instagram, 229.3K followers sa Twitter, 79.6K subscribers sa YouTube.

Bilang fashion influencer ay nakipag-collab siya sa ilang kilalang brand.

Nag-date sila ni Nick Jonas noong 2013 hanggang 2015.

Na-link siya kay Tim Tebow (na napangasawa ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters noong Enero 20, 2020).

On-off ang relasyon nila ng football player na si Danny Amendola mula Pebrero 2016 hanggang Abril 2019.

Mula summer 2019 ay nakaka-date naman niya ang football player na si Christian McCaffrey.

Nag-cameo si Olivia sa pelikulang The Other Woman (2014) na napapanood sa Netflix.

Continue reading below ↓

Kabilang pa sa movies niya ang American Satan (2017), I Feel Pretty (2018), Reprisal (2018), The Swing of Things (2020), at Venus As A Boy (TBA kung kailan ipapalabas).

Siyanga pala, nag-post si Rabiya Mateo sa Instagram nitong Mayo 18, Martes ng umaga, kasama ang mga kaibigan sa litrato.

Ani Rabiya, “Lotlot and friends. Never a dull moment with these people. #teamphilippines”

Maingay pa rin kaya ang homecoming kay “Lotlot”?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Walang dapat i-explain si Olivia Culpo. I’m sure, bago siya kunin para doon ay alam na nila ang style niya!

Nabasa ko ang ibang comments. OK sana kung constructive, pero yung iba, mapanira talaga.

Kapag ganoon, your comments reflect on you na talaga. Ingat na lang para hindi rin masabing sore losers tayo.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2012 Olivia Culpo remains silent over negative comments about her Miss Universe 2020 hosting stint.
PHOTO/S: @oliviaculpo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results