Enzo Pineda, Paulo Angeles, Cristina Gonzales bagong dagdag sa cast ng Ang Probinsyano

by PEP Troika
May 18, 2021
(Clockwise) Paulo Angeles, Christian Vasquez, Cristina Gonzales, and Enzo Pineda are the latest addition to the cast of the long-running primetime series FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Number 1 pa rin sa Netflix Philippines ang pelikulang Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban. Ito lamang ang palabas na Pinoy sa top 10 ng Netflix Philippines at this writing, Mayo 18, Martes ng tanghali.

Pangalawa ang American psychological thriller film na The Woman in the Window (2021), kung saan sakdal husay as usual si Amy Adams.

Pangatlo ang South Korean TV series na Vincenzo (2021) ni Song Joong-ki. Hindi pa ito naliligwak sa Top 10 mula nang mag-streaming noong Pebrero.

Samantala, may mga bagong cast members ang FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Lalong maiipit si Cardo Dalisay (Coco Martin) sa panganib dahil madadagdagan ang mga miyembro ng grupong Black Ops na maghahanap sa kanya.

Handa nang makipagbakbakan sina Alvin Cuevas (Enzo Pineda) at Jim de Castro (Paulo Angeles) upang siguraduhing matutunton nila ang kinaroroonan ni Cardo, na patuloy pa ring nagtatago mula sa mga kalaban habang bihag si Lia (Jane De Leon).

Continue reading below ↓

Delikado na rin ang lagay ng mga kasamahan ni Cardo sa Task Force Agila sa kanilang hideout matapos magdesisyon sina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino) na baliktarin sila at isuplong ang kinaroroonan nila sa awtoridad.

Mahanap kaya ng Task Force Agila si Cardo bago siya mapasakamay ng kalaban?Bukod kina Enzo at Paulo, tampok na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano sina Cristina Gonzales, Simon Ibarra, William Lorenzo, Christian Vazquez, at Aya Fernandez.

Napapanood din ang FPJ’s Ang Probinsyano sa CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

NOEL FERRER

Nabalitaan ng PEP Troika na ang susunod na taping cycle ng FPJ’s Ang Probinsyano ay halos two months ang ni-reserve na lock-in.

Ratsada talaga sila sa pagte-tape ng mga episode leading up to their supposed finale!

Continue reading below ↓

Interesting kung paano nila pagtatahiin lahat ng mga istoryang nabuksan, at paano kaya nila tatapusin ang kuwento ni Cardo Dalisay?

Dagdag na tanong: ano na ang mangyayari sa mga artistang ito after ng FPJ’s Ang Probinsyano?

GORGY RULA

Puspusan na ang paghahanda ng FPJ’s Ang Probinsyano sa kanilang 8th cycle ng lock-in taping.

Sa pagkakaalam ko, hanggang ending na iyan. Wala namang kinu-confirm sa kanila kung ending na nga raw ang kukunan.

Kung totoong sa September na ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano, ang bongga ng First Yaya na ito ang katapat sa pagtatapos ng napakahabang teleserye ni Coco Martin.

Ang saya ng mga taga-First Yaya na consistent na mataas ang rating, na hindi bumababa sa 20% ang rating.

Kaya matatagalan pa ang kuwento nina Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), at tuluy-tuloy pa ang taping nila.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Paulo Angeles, Christian Vasquez, Cristina Gonzales, and Enzo Pineda are the latest addition to the cast of the long-running primetime series FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results