Watch Now

Rabiya Mateo, sa July pa babalik ng Pilipinas pagkatapos mabigo sa Miss Universe 2020

by PEP Troika
May 19, 2021
May offers kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na pasukin ang showbiz. Pero pagtutuunan daw ito ng pansin ng kampo ni Rabiya pagkatapos ng kanyang reign.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

GORGY RULA

Interesado si Rabiya Mateo na pasukin ang pag-aartista kapag mabigyan ng magandang offer.

Ayon sa creative director ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na si Jonas Gaffud, may mga offer kay Rabiya pero hindi muna nila ito pinag-uusapan dahil naka-focus pa silang lahat sa Miss Universe.

Ngayong tapos na ang Miss Universe, medyo magtatagal muna si Rabiya sa Amerika para makapagbakasyon. Baka bandang July pa raw babalik ng bansa ang Ilongga beauty queen.

Kung decided na si Rabiya mag-showbiz, tatapusin daw muna nito ang kanyang reign.

Pagdesisyunan pa raw ng MUPO kung September o October ang susunod na Miss Universe Philippines.

Pagkatapos ma-relinquish ni Rabiya ang kanyang crown, doon na raw niya haharapin ang possible offers sa showbiz.

Tinanong na rin ng PEP Troika si Jonas kung anong klaseng Miss Universe Philippines ang hahanapin nila. Bilang isa sa organizers ng MUPO, ano ang natutunan nila sa nakaraang laban ni Rabiya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lesson, will have to really teach the girl na huwag masyado mag-social media, hahaha!” Viber message ni Jonas sa PEP Troika.

NOEL FERRER

True. Medyo triggered talaga si Rabiya sa mga reaksiyon at hanash sa social media.

Well, learning never stops, marami pa rin namang puwedeng gawin sa platform ng Miss Universe Philippines lalo pa’t pandemya.

I guess may debriefing and planning naman sila ng puwede pang gawin ni Rabiya.

Sana, aside from pagiging artista, magamit din niya ang pagiging teacher niya at ang education being her advocacy.

The Universe may not be hers, but who knows, the World, or Intercontinental or the Galaxy may be?

Arriba Rabiya pa rin!!!

JERRY OLEA

May sindak factor ang pralala na 100+ ang katuwang na fashion designers ni Rabiya sa kanyang Miss Universe journey, kung saan hanggang Top 21 lamang siya out of 74 candidates.

Andiyan din ang paandar na sa mga kandidata ng 69th Miss U, si Rabiya ang may pinakamaraming followers sa Instagram bago ganapin ang finale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Just the same, isa pa rin siya sa Thank You Girls. Hindi nakatulong sa kanya ang eklavu chenelyn ni Mario Maurer. Nawalan ng bisa ang agimat mula kay Pia Wurtzbach.

Ano kayang klase ng pelikula ang bagay kay Rabiya, if ever?

Iyong tipong Saan Ako Nagkamali? (1995, Kris Aquino), Gumising Ka… Maruja (1978, Susan Roces), o Kung Mangarap Ka’t Magising (1977, Hilda Koronel)? Pangarap na Ginto (1990, Dina Bonnevie, Dawn Zulueta), Paano Ba Ang Mangarap? (1983, Vilma Santos), o Mangarap Ka (1995, Mark Anthony Fernandez, Claudine Barretto)? Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko (1994, Charlene Gonzalez), Mga Reynang Walang Trono (1976, Amalia Fuentes, Vilma Santos), Babangon Ako’t Dudurugin Kita (1989, Sharon Cuneta) o Kaya Kong Abutin Ang Langit (1984, Maricel Soriano)?

Sana, andiyan pa rin ang masigasig na supporters ni Rabiyan kapag sumabak siya sa bagong kabanata ng kanyang buhay at career!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May offers kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na pasukin ang showbiz. Pero pagtutuunan daw ito ng pansin ng kampo ni Rabiya pagkatapos ng kanyang reign.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results