Sunshine Guimary hindi gumamit ng plaster sa steamy bed scene: "Talagang walang takip."

by PEP Troika
May 20, 2021
Sa sobrang tindi raw ng love scenes ni Sunshine Guimary sa pelikulang Kaka, nagbabala siya sa mga manonood na ang content nito ay hindi para sa mga bata. Leading men ni Sunshine sa pelikula sina Jerald Napoles (upper right) at Ion Perez (lower right).
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram / Screengrab from Kaka trailer

GORGY RULA

Hindi pambata ang pelikulang Kaka ni Sunshine Guimary. Kaya nagbigay ng mensahe ang bagong sexy star na huwag sana itong panoorin ng mga bata.

"May worry lang ako sa part na ano… alam mo yung mga bata. Kasi, lahat ng mga bata, alam na nila ang galawan ng ano, di ba?” pahayag ni Sunshine nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Martes, Mayo 18.

Mabuti sana kung sa sinehan ito mapapanood, e, digital na magaling magkalkal diyan ang mga kabataan.

Matindi raw kasi ang love scenes na ginawa ni Sunshine G.

Ayaw lang niyang sabihin kung sino sa kanyang leading men ang sinasabi niyang may matindi siyang love scene na hindi na raw siya nakapag-plaster.

Idinaan na lang daw niya sa ilang shots ng alak para magawa niya ang mapangahas na eksenang yun.

"Dito sa Kaka, pati sa puwet, kita. Yung bed scene, as in total na bed scene na bed scene, yung walang tape o talagang walang takip na ganyan," pakli niya.

Continue reading below ↓

Kaya, ang mensahe niya para sa mga kabataan: "Yung below 18, advice ko lang, ha? Baka magkasala pa ako sa advice na ‘to.

"Basta iwas-iwas na lang sa mga bata, yun na lang siguro.

"Kasi, nung napanood ko, dyusko! Malala siya talaga!”

Mahuhusgahan natin ito sa Mayo 28 na siyang playdate ng Kaka sa Vivamax, KTX, at iba pang streaming platform.

JERRY OLEA

Batay sa trailer ng Kaka, mahihinuha agad na for adults only ang pagbukaka ni "Braless Goddess" Sunshine Guimary sa kanyang launching movie.

Halos 177K views na ang official trailer ng Kaka mula nang in-upload ito noong Abril 25, 2021 sa YouTube channel ng Viva Films.

Ang tanong: kakabugin kaya at kakalusin ng Kaka ni Sunshine ang Death of A Girlfriend na launching movie ni AJ Raval?

Iyong official trailer ng Death of A Girlfriend ay naka-1.5M views na sa YouTube channel ng Viva Films mula nang in-upload noong Marso 27. Noong Abril 30 nag-umpisa ang streaming nito sa VivaMax at iba pang platforms.

Continue reading below ↓

Samantala, ang official trailer ng pelikulang Silab ay naka-378K views na mula nang in-upload noong Abril 23 sa YouTube channel ng 3:16 Media Network.

Sa trailer pa lang ng Silab ay bumulaga na ang kahubdan nina Cloe Baretto at Marco Gomez. Au naturel! Naka-birthday suit!

Wala pa akong balita kung saan at kailan magpapalagablab ang Silab.

NOEL FERRER

From Cinemalaya best birector sa pelikula niyang Astig, heto ang kaibigan nating si GB Sampedro sharing his naughty side via the movie Kaka.

Alam mo iyan, Gorgy, na una mong nakatrabaho si Direk GB bilang artista/talent na may sexy gyrating talent.

But one can expect very good visual storytelling with him lalo pa’t gusto niya at may kalayaan siyang gawin ang project.

Let’s see how Kaka fares with the audience, at kung yung sensuality ni Direk GB ay nakapaloob sa kanyang bagong obra!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa sobrang tindi raw ng love scenes ni Sunshine Guimary sa pelikulang Kaka, nagbabala siya sa mga manonood na ang content nito ay hindi para sa mga bata. Leading men ni Sunshine sa pelikula sina Jerald Napoles (upper right) at Ion Perez (lower right).
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram / Screengrab from Kaka trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results