GORGY RULA
Ibinahagi ni Lani Misalucha sa virtual presscon nitong Mayo 21, Biyernes, ang tunay nilang kalagayan ngayon ng kanyang asawa na si Noli Misalucha.
Hindi pa masasabing magaling na talaga sila pagkatapos nilang ma-diagnose ng bacterial meningitis na naging dahilan kung bakit hindi natapos ni Lani ang Season 3 ng The Clash noong nakaraang taon.
Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin sila dala ng karamdamang ito.
Sinabi ni Lani na talagang nabibingi na ang asawa niya, at siya naman ay wala na ring naririnig sa kanan niyang tenga.
“Scratches lang naririnig ng right ear ko. It’s so difficult to listen to sound,” pakli ng Asia’s Nightingale.
Apektado ang trabaho nila na kahit ang pagda-drive ay hindi na nila magagawa. Masasabing semi-disabled na raw silang mag-asawa.
“Siyempre, since hindi balanced ang hearing namin, meron din kaming problem sa equilibrium namin. So, hanggang ngayon, nahihilo kami.
“Talagang dumating sa point na ayoko nang kumanta, kasi hindi ko na nadidinig yung sound properly.
“There was even a point na ang boses ko, hindi ko na nadidinig nang tama.
“I’m not feeling well, emotionally and physically.
"But you know, just like what everybody is saying, we have to go on. Our lives has to go on,” dagdag na pahayag ni Lani.
Sa kabila nito, tuloy ang laban para kay Lani kahit mahirap pa rin sa kalagayan niya.
Tuloy ang digital concert nila ni Martin Nievera na pinamagatang New Day.
Iti-tape iyon sa Solaire, at mapapanood sa KTX, iWant TFC, at iWwnt IPTV sa June 5, Saturday ng 8:00 p.m., at sa June 6, Sunday, 11:00 at 8:00 p.m.
Sabi ni Martin, perfect ang title ng concert nila para kay Lani.
Ani Martin, “Sa lahat na dinaanan ni Lani lately, I really think that she’s waiting for things to get better. Life to get better. Her voice to get better. Her ears to get better.
“Everything is happening in life. We’re trying to find the way to stay positive, I mean you know, the old meaning of positive.”
Dagdag na pahayag niya, “We’re always hoping for that new day. We’re all waiting for that beautiful day to come. You know… smiling again without our mouth’s covered.
“Definitely we’re all counting every single moment, every single minute of our lives that somehow we would one day wake up to this new day that all of us will be able go out without any inhibitions.
“Definitely, that is one beautiful concept in our minds and in our hearts that one day will be a brand new daw again.”
JERRY OLEA
More and more ang mga virtual concert sa KTX, iWant TFC, at iba pang streaming platforms. Maraming pagpipilian!
Pangungunahan ni Maestro Ryan Cayabyab ang benefit concert na Musika Para Sa Kinabukasan sa Hunyo 5, Sabado ng 7:00 pm. P500 ang halaga ng digital benefit concert para sa Dagatan at Balete Family Far, Schools.
Magpapakitang-gilas si Darren Espanto sa comeback concert niyang Home Run sa Hunyo 19 ng 8:00 p.m., at Hunyo 20 ng 10:00 a.m. (Manila time). Ang halaga ng tiket ay P699 sa Pilipinas, o US$14.99 sa labas ng bansa.
Ang unang major concert ni Jayda na Jayda in Concert ay nakatakda sa Hunyo 26 ng 8:00 p.m., at Hunyo 27 ng 10:00 a.m. (Manila time).
Ang halaga ng tiket ay P499, o US$10.99. Ang VIP ticket na P799 ay may access sa VIP party via Zoom.
Pasabog ang Back in the Zone concert ng SB19 sa Hulyo 18. Kaabang-abang ang mga pasiklab nina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin.
Ikinakasa na rin ng KTX ang Life Begins @ 40: 40 Years of Joey Albert’s Music. Ididirek ito ni Paolo Valenciano.
Abangan din natin ang bagong series sa YouTube channel ng TBA Studios, ang Sing Out Loud na magtatampok sa indie OPM artists.
NOEL FERRER
Sa panahong kailangan ng pang-aliw at content na nakaka-inspire, salamat sa mga ganitong palabas sa KTX at iba pang digital playforms na nagbibigay sa atin ng nakaka-inspire na mga panoorin.
Suportahan ho natin ang concerts, pelikula, kahit online webinars na nakakatulong talaga.
Aside from creating jobs, in a way, they help in healing us!!! Iyan ang creative outlet ng ating soul — sining!!!