Gameboys first anniversary ipagdiriwang sa pamamagitan ng World Gameboys Day

by PEP Troika
May 22, 2021
Maraming inihandang sorpresa sa pagdiriwang ng first anniversary ng Gameboys, ang kauna-unahang Pinoy BL series, ngayong May 22.

JERRY OLEA

Nakakaluha ang opening ng World Gameboys Day ngayong Mayo 22, 2021, Sabado ng 8:00 p.m., sa Facebook page at YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Ipagdiriwang dito ang unang anibersaryo ng Pinoy BL series na Gameboys, sa pangunguna siyempre ng mga bidang sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

“So excited about #WorldGameboysDay, among the many big surprises is something I've been working on that is really 3 dreams-come-true for me. See you!” Facebook post ni Elijah nitong Sabado ng madaling-araw.

Gameboys anniversary via World Gameboys day

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Direk Perci Intalan via Messenger, “Noong una, e-numan lang talaga ito dapat pero we wanted a show na maraming surprises, that fans and even new viewers will enjoy watching.

“So ayun, si Jun [Lana] na mismo ang sumulat ng script, at dumami nang dumami ang parts ng show.

“May talk, may game, may documentary part, may mga kantahan at sayawan. Maraming magandang balita na dito lang namin ia-announce. At hindi lahat sa dulo ang announcement. Merong midway.

“Virtual variety show ito. GMA Supershow ang peg!”

Ang mag-asawang sina Direk Perci at Direk Jun ang magkatuwang bilang prime movers ng The IdeaFirst Company.

Samantala, gaganap si JC Alcantara bilang Tawag Ng Tanghalan Season 4 Grand Champion na si JM Yosures sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 11.

JC Alcantara in Hello Stranger

Continue reading below ↓

Si JC ang katambal ni Tony Labrusca sa Pinoy BL series na Hello Stranger.

Tatlong Pinoy BL series pa lamang ang streaming sa Netflix—Gameboys: Level-Up Edition, Hello Stranger, at Gaya sa Pelikula.

Isinapelikula ang Hello Stranger na bale Valentine presentation ng Black Sheep.

Na-shoot na ang Season 2 ng Gameboys, at inaasam nating i-announce sa World Gameboys Day kung kailan at saan ang streaming nito.

NOEL FERRER

Buti na lang may hukbo talaga ng fans ang Gameboys at na-iconize nila ang tambalang EliKoy (Elijah + Kokoy), o CaiReel (Cairo + Gavreel, characters nila sa serye).

I am also curious, uso pa ba ang BL after nagkaroon ng proliferation nito?

Mag-mushroom man ang iba pang BL, may headstart na talaga ang Gameboys.

At parang pandemya, tingnan natin kung ma-overwhelm tayo sa surge ng fans sa kanilang panibagong season!!!

GORGY RULA

Kasama ang Gameboys atGaya sa Pelikula sa pinaka-hit na BL series sa buong Asia.

Continue reading below ↓

Karamihan dito ay mga Thai BL series siyempre, pero hindi rin nagpahuli ang Gameboys na nagbukas at nagpauso ng mga BL series dito sa atin sa panahon ng pandemya.

Ang lamang nitong Gameboys, magagaling ang mga artista lalo na ang lead actors na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Maganda at nabigyan ng magandang break ang mga magagaling na batang artista kagaya ng dalawang ito.

Ewan kung nagkasawaan na, dahil pagkatapos mag-hit ang iba pang BL series, wala nang sumunod. Maaaring halos nagkakapareho lang ang kuwento at hindi naman talaga magaganda ang karamihan.

Ang idinadaing naman ng isang producer na naka-text ko kagabi ay ang pagsulputan ng soft-porn movies.

Huwag naman daw sanang mauso ito, pero kapansin-pansin ang sunud-sunod na ginagawa ng Viva. At ewan kung meron pang ibang sexy movies na baka bumalik na ang bomba films dahil hindi na dumadaan ang digital content sa MTRCB.

Ano kaya ang mas type ng mga manonood sa digital? BL series o mala-soft porn na pelikula?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming inihandang sorpresa sa pagdiriwang ng first anniversary ng Gameboys, ang kauna-unahang Pinoy BL series, ngayong May 22.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results