Gameboys The Movie unang ipalalabas bago ang Season 2

by PEP Troika
May 23, 2021
Nasorpresa ang Gameboys fans nang ianunisyong mauuna ang movie version ng BL series na ito, tampok sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, bago ipalabas ang Season 2 nito.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Mag-i-streaming ang Gameboys The Movie sa Hulyo 30, 2021 sa KTX.

Ibinunyag iyan sa first anniversary celebration ng Pinoy BL series na Gameboys — ang World Gameboys Day — nitong Mayo 22, Sabado ng gabi, sa YouTube channel at Facebook page ng The IdeaFirst Company.

Opo! Mauuna ang “movie cut” kesa sa Season 2 ng Gameboys na may walong episodes.

Ibig sabihin, ang mga eksena sa pelikula ay expanded sa second season ng serye para mas may nuances.

Sa trailer ng pelikula, agaw-eksena ang character actress na si Angie Castrence bilang Tita Susan… ang bagong bubog sa pag-iibigan nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Nasa Gameboys The Movie rin si Susan Africa, at markado rin ang kanyang papel. Kasama rin sa cast sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto.

Tagline ng trailer, “Parting is such sweet sorrow.”

Elijah Canlas and Kokoy de Santos in Gameboys

Continue reading below ↓

Dialogue iyan ng trese (13) anyos na si Juliet Capulet sa tragedy ni William Shakespeare na Romeo and Juliet.

Take note na sa Pinoy BL series na Oh, Mando! na nag-streaming noong Nobyembre 2020 sa iWant TFC, ang karakter ni Kokoy na si Mando ay gumanap na Romeo sa Tagalog version ng dulang Romeo and Juliet.

Si Krisha (Barbie Imperial) ang katambal ni Mando sa school play na iyon.

Siyanga pala, ipapalabas ang season 1 ng Gameboys sa Heart of Asia channel umpisa sa Hunyo 13.

“Ibang cut na naman iyon, seven episodes lang at may commercial,” sabi ni Direk Perci Intalan, ang katuwang ni Direk Jun Lana sa pagpapalakad ng The IdeaFirst Company na producer ng Gameboys.

Pinukaw ni Kokoy ang ating pansin sa pelikulang Fuccbois, na entry sa 15th Cinemalaya filmfest (Agosto 2-13, 2019). Tampok din sa Fuccbois sina Royce Cabrera, Ricky Davao, at Yayo Aguila.

Huling pelikula na bida si Elijah ay ang He Who Is Without Sin, na entry sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (Oktubre 31-Disyembre 13, 2020). Co-star dito ni Elijah si Enzo Pineda.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Maganda ang trailer ng Gameboys The Movie. Malaking bagay talaga kapag magagaling ang mga artista.

At doon sa trailer, ang ganda ng bahay sa Cavite na pinagsyutingan nila. Malapit iyon sa Tagaytay.

Gameboys Elijah Canlas and Kokoy de Santos kissing scene

Nagsyuting din sila sa isang beach sa Batangas, kung saan mukhang pinaghandaan nina Elijah at Kokoy ang pagta-topless.

Continue reading below ↓

Nakakatulong sa ganda ng pelikula ang magagandang visuals, kaya swak ang bahay at dalampasigan.

Gameboys The Movie

Maganda ang pagkaplano ng The IdeaFirst Company para lalong subaybayan ang sikat na Pinoy BL series na ito. Isinabay sa first anniversary celebration ang announcement ng pelikula at Season 2.

Hindi sila nagmadali, pinaganda muna at pinlano nang husto, para maayos din ang promo.

Continue reading below ↓

Congratulations sa lahat na bumubuo ng Gameboys, lalo na kina Kokoy at Elijah!

NOEL FERRER

Itong Gameboys ang proyektong nag-level up ang kina Kokoy de Santos at Elijah Canlas bilang pandemic actors.

After a year, pareho pa rin ang konteksto natin—may pandemya pa rin.

Malamang, hindi dededmahin ng seryeng ito ang mga hamon at paghihirap ng mga tao habang nasa lockdown pa rin!

Sana, as we go to important parts of nation building—tulad ng registration ngayon at eleksyon next year—maipakita rin sana na ang characters nina Kokoy at Elijah ay sangkot, mulat at puwedeng manindigan, kaya hindi lang ito personal love kundi love din of country.

Good luck sa Gameboys The Movie!

MORE PEP TROIKA STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasorpresa ang Gameboys fans nang ianunisyong mauuna ang movie version ng BL series na ito, tampok sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, bago ipalabas ang Season 2 nito.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results