Watch Now

Barbie Forteza at Jak Roberto, gustong mag-level up sa acting

by PEP Troika
May 23, 2021
Barnie Forteza on relationship with boyfriend Jak Roberto during the time of pandemic: “Iba pa rin siyempre pag magkasama kayo. Lalo na ako, clingy ako. Gusto ko, laging naka-cuddle. Pero dahil kampante naman kami and very secured kami sa isa’t isa, very minor adjustment lang siya.”
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram

GORGY RULA

Isang espresso machine ang iniregalo ni Jak Roberto kay Barbie Forteza nang ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang 4th anniversary.

Itinuturing na isa sa challenges sa kanilang relasyon itong pandemya dahil hindi sila basta-basta makalabas para magkita.

“Iba pa rin siyempre pag magkasama kayo. Lalo na ako, clingy ako. Gusto ko, laging naka-cuddle.

“Pero dahil kampante naman kami and very secured kami sa isa’t isa, very minor adjustment lang siya,” pahayag ni Barbie sa isang intimate virtual mediacon noong Sabado, May 22, para sa promo ng guesting nila ni Jak sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Naka-quarantine ngayon si Jak dahil sasalang siya sa lock-in taping para sa isang bagong drama series. Hindi muna niya sinabi kung anong serye ito.

Gusto ni Barbie ang role niya sa Heartful Café na may pagkakontrabida.

Mas gusto raw niya ngayon ang mga kakaibang role dahil tapos na siya sa pa-sweet o teenybopper roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa siya puwedeng magpaka-daring pero gusto raw niya ay gradual ang ilang pagbabago sa mga susunod na projects na gagawin niya.

Ayon Kapuso Primetime Princess, “I want a more sophisticated role. More sophisticated, mas edgy, mature, pero I never said daring. I never said I’m ready for a more daring role.

“Unti-unti, gradual dapat ang pag-level up.”

Kung ano man ang gusto nilang mabago sa kanilang image, nandoon ang suportahan nilang magkasintahan.

Kagaya ni Jak na open sa possible project na mas daring, na kahit may frontal nudity ay okay lang daw sa kanya, basta maganda lang ang project.

Nabanggit niya kay Barbie na gusto sana niyang magpa-audition noon sa Cinemalaya movie na Fuccbois, pero hindi lang daw pumuwede sa schedule niya.

Yung ganung tipo ng project na kahit mapapahubad siya ay okay lang sa kanya dahil matino naman ang pelikula.

Sabi ni Jak, “Kung ano talaga ang hinihingi sa isang eksena, ibigay natin. Pero, yun nga, depende siguro sa istorya at kung sino ang magdidirek, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang GMA naman, laging naka-filter iyan at naka-support kung ano ang puwede nating gawin.”

“Ready ka na ba dun?” buweltang tanong ni Barbie kay Jak.

Hindi naman daw pakikialaman ni Barbie kung ano ang desisyon ni Jak sa kanyang career.

Sabi niya, “Hindi naman niya kailangan ang permission ko. Career niya iyan.

“Siya ang bahala diyan. Ako, support lang ako all the way.

“Support ako all the way kay Jak. Para hindi naman tayo mapahiya.

“Siguro, hindi ko isasama yung mga magulang ko!” natatawa niyang sagot sa tanong namin kung papanoorin ba niya ang isang pelikulang may frontal nudity si Jak.

“For me, wala naman akong pinipili… lalo na ngayon, nagagawan naman ng paraan ng mga prosthetics na ganyan,” hirit naman ni Jak na nagkaideya sa Fan Girl ni Paulo Avelino na gumamit ng prosthetics.

Natatawang singit ni Barbie, “Actually, ang pinuproblema ko kung papano siya imu-mold. Parang dapat aprubahan kung ano ang magmu-mold nun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kapuso Primetime Princess si Barbie dahil rumatsada ang primetime shows na pinagbidahan niya.

Dapat mag-level up si Jak mula sa pagiging Pambansang Pandesal.

Kinilala na ang husay ni Barbie sa ilang pelikula, pero wala pa siyang napapatunayan sa takilya.

Akting ang pambenta ni Paulo Avelino sa Fan Girl kaya kahit huwad ang kanyang pagpo-frontal ay wagi pa rin siyang best actor sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020, maging sa 4th Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na ipinalabas noong Enero ay totohanan ang pagbubuyangyang nina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Miko Pasamonte, at ilang ekstra.

Sa forthcoming films na Lockdown at Silab ay tunay rin ang private part na masisilayan sa mga bidang sina Paolo Gumabao at Marco Gomez, respectively.

NOEL FERRER

Tama ka diyan, Tito Jerry, level up sa acting ang kailangan ni Jak at sana, ma-inspire siya by process of osmosis ng husay at pagiging sensitibo ni Barbie sa pagganap ng roles nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Besides, Barbie really has won acting awards na kaya there is something to be learned from this young actress!

Sana rin, magkaroon sila ng premium as a couple para may mga endorsement ding pumasok.

Basta, ang tema sa relasyon at sa career nina Barbie at Jak ay Level Up!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barnie Forteza on relationship with boyfriend Jak Roberto during the time of pandemic: “Iba pa rin siyempre pag magkasama kayo. Lalo na ako, clingy ako. Gusto ko, laging naka-cuddle. Pero dahil kampante naman kami and very secured kami sa isa’t isa, very minor adjustment lang siya.”
PHOTO/S: @barbieforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results