Mga luma at bagong palabas na dapat abangan sa GMA-7

by PEP Troika
May 23, 2021
Magbabalik sa ere ang Kapuso drama series na Innamorata tampok sina Adrian Alandy at Max Collins (kaliwa), samantalang sinimulan na ang taping ng The World Between Us kung saan bida sina Tom Rodriguez at Alden Richards (kanan).
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Ire-replay ang teledramang Innamorata umpisa Mayo 24, Lunes ng 3:25 p.m., sa GMA-7.

Ang nasabing romance-fantasy series ay pinagbidahan ni Max Collins, at unang umere noong Pebrero-Hunyo 2014 sa GMA Network.

Ang “innamorata” ay salitang Italyano na ang kahulugan sa English ay “my love.”

Nasa cast din ng Innamorata sina Adrian Alandy, Dion Ignacio, Jackie Rice, at Gwen Zamora.

Supporting cast members dito sina Pinky Amador, Michael de Mesa, Rita Avila, Renz Fernandez, Lovely Rivero, at Luz Fernandez.

Innamorata

Continue reading below ↓

Sa Hunyo 7 mag-uumpisa sa GMA Telebabad ang rerun ng Endless Love, na pinagtambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Una itong umere noong Hunyo-Oktubre 2010, at co-stars dito ng DongYan sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Gabby Eigenmann, Janice de Belen, at Marco Alcaraz.

Dingdong Dantes and Marian Rivera in Endless Love

Continue reading below ↓

Ito ba ang papalit sa Owe My Love nina Lovi Poe, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, at Ai-Ai delas Alas?

Iyon kasing Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco ay four weeks pa sa ere.

Nasasabik na siyempre tayo sa cultural drama series na Legal Wives, na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali, with Ms. Cherie Gil in a very special role.

Pina-plug na ito ng GMA-7.

Legal Wives

Continue reading below ↓

Para sa afternoon block, pina-plug na rin ng Kapuso Network ang Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Claire Castro, Mike Tan, at Gina Alajar, maging ang nakakaintrigang Ang Dalawang Ikaw nina Rita Daniela at Ken Chan.

Of course, marami pa tayong aabangang drama series mula sa GMA.

Nasa lock-in taping na ang upcoming GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas, kung saan gaganap na magkakapatid sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith da Silva.

Kasama sa cast nito sina Jason Abalos at Albert Martinez, with Monti Puno Parungao as director.

Las Hermanas

Continue reading below ↓

Thea Tolentino, Faith Da Silva, and Yasmien Kurdi

Rumaratsada na rin sa lock-in taping ang The World Between Us sa pangunguna nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez na mukhang bad boy ang hitsura sa serye.

Iikot ang kuwento ng The World Between Us sa isang lalaking maprinsipyo na susubukin ang katatagan matapos siyang i-betray ng mga taong itinuring niyang pamilya.

Kasama sa cast nito sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

Tom Rodriguez and Alden Richards in The World Between Us

Continue reading below ↓

Tom Rodriguez and Alden Richards

Kabilang pa sa Kapuso programs na inaabangan natin ay ang I Left My Heart in Sorsogon nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis; To Have and To Hold nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino; Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Mark Herras, at Jackie Rice; at Lolong nina Ruru Madrid, Arra San Agustin, at Shaira Diaz.

GORGY RULA

Excited ako sa Legal Wives, dahil bukod sa nahaluan ito ng kontrobersiya, curious ako kung paano nila mailalahad ang kuwento ng kultura ng mga kapatid nating Muslim.

Magaling naman diyan si Direk Zig Dulay. (Totoo kayang nagkaroon sila ng conflict ni Cherie?)

Sa pagkakaalam ko, kasisimula lang nila sa pangatlong cycle ng taping nito, at medyo naantala dahil sa di na pagtuloy ni Cherie Gil.

Continue reading below ↓

So far, ang nasagap ko lang ay naayos naman daw ang script at wala na silang nakuhang kapalit na gaganap sa iniwang role ni Madam Cherie. Hindi lang nilinaw sa akin kung tinanggal na talaga ang karakter o ibabalik pa nila.

Kailangan na nilang isara ang unang season nito dahil nakatakda na raw itong iere sa susunod na buwan.

Samantala, isa rin sa masuwerteng Kapuso actress ay si Thea Tolentino na hindi rin nawawalan ng project.

Originally, si Bea Binene dapat ang kasama nina Yasmien Kurdi at Faith da Silva sa Las Hermanas. Hindi ko lang tiyak kung dahil sa hindi na-renew na kontrata kaya pinalitan na si Bea ni Thea.

Sayang din kung dedeadmahin na ng GMA-7 si Bea. Sana, mabigyan pa rin siya ng programa kahit wala na siyang kontrata.

So far, sinusuwerte naman ang mga programang sinasalihan niya.

NOEL FERRER

Mix of replays and new contents ang programming ngayon sa local TV. Ibig sabihin, hindi pa rin regular ang appointed viewing.

Continue reading below ↓

Kasi, panahon ng pandemya at puwedeng palampasin ang mga episode at ngayo’y puwede nang panoorin sa digital online platforms.

Ingat pa rin sa safety and health protocols sa mga taping, at ingat pa rin sa cash flow. Kasi, uncertain pa rin ang ekonomiya.

Ang advantage ng GMA-7 ay may prangkisa sila kaya nasa kanila ang malaking advertising revenue. Sila talaga ang kumikita compared to their rival networks.

So, to whom much is given, much is expected too! Kung gugustuhin nila, ngayon sila puwedeng umalagwa bilang market leader at creator of trailblazing content.

Let’s wait and see!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbabalik sa ere ang Kapuso drama series na Innamorata tampok sina Adrian Alandy at Max Collins (kaliwa), samantalang sinimulan na ang taping ng The World Between Us kung saan bida sina Tom Rodriguez at Alden Richards (kanan).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results