Martin del Rosario, Epy Quizon sumabak na sa lock-in taping ng Voltes V: Legacy

by PEP Troika
May 24, 2021
Nag-check-in na sa isang hotel sa Quezon City sina Direk Mark Reyes (center left) ang litrato nila nina Martin del Rosario, Epy Quizon, Carlo Gonzalez, at Darling Torres para sa lock-in taping ng Voltes V: Legacy. Nagdala pa ang director ng Voltes V action figure bilang "lucky charm."
PHOTO/S: @direkmark Instagram

JERRY OLEA

Ang hirap mag-shooting ng project na action-fantasy kung saan maraming special effects, lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla ay nakadalawang araw lang ng taping bago nadeklara ang lockdown noong Marso 2020.

Nobyembre 2020 ito nag-lock in shooting sa Tanay, Rizal, at nag-premiere nitong Mayo 1, 2021, Sabado, sa GMA-7.

Last year pa nag-training sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa Lolong. Hopefully, matuloy na ang taping nila next month.

Hulyo 2019 napabalita na si Jane de Leon ang magbibida sa bagong Darna movie, kapalit ni Liza Soberano. Dahil sa pandemya at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, na-shelve ang proyekto. Disyembre 2020 napabalita na gagawin na itong TV series.

Enero 2021 nakumpirmang kasama na muna si Jane sa FPJ’s Ang Probinsyano. Ang pralala noon ay Marso 2021 ilalatag ang plano sa Darna: The TV series. Anong petsa na?!

Oktubre 2019 nakumpirma na si Matteo Guidicelli ang kapalit ni James Reid sa Viva movie na Pedro Penduko. Hanggang ngayon ay wala pa tayong update kung ano na ang nangyari rito.

Continue reading below ↓

Enero 1, 2020 naglabas ng teaser ang GMA Network kaugnay sa Voltes V: Legacy.

Enero 14, 2021 nagpasiklab ng bagong teaser ang Voltes V: Legacy. Ini-reveal kapagkuwan ang cast ng pinakaaabangang action sci-fi fantasy series.

Ngayon ay na ang paghahanda ng bumubuo ng Voltes V: Legacy para sa first leg ng kanilang lock-in taping.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check-in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Mayo 21, Biyernes, upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang taping.

Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez).

Ani Direk Mark, "We start our hotel quarantine today. In a few days, we'll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”

Iikot ang kuwento ng Voltes V: Legacy sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho), kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

Continue reading below ↓

Let’s volt in!!!

Voltes V: Legacy lock-in taping

NOEL FERRER

Para sa Voltes V: Legacy, Darna The TV Series, at Pedro Penduko, ito lang ang masasabi ko… GOOD LUCK at INGAT!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Forte talaga ng GMA-7 ang fantasy. Ang gagaling pa ng special effects na gawa nina Direk Rico Gutierrez at Direk Mark Reyes.

Si Direk Rico ang direktor ng Agimat ng Agila, at pinuri siya nang husto ni Senator Bong Revilla. Ang daming positibong feedback na nakakarating sa kanya, dahil nagandahan sila sa kanyang weekly series.

Kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagpaparating ng mensahe na sana ay merong season 2 at gawin na raw sanang every Saturday at Sunday.

"Nasa GMA-7 na iyan. Sana," pakli ni Senator Bong. Na-enjoy ni Senator Bong ang grupo ng Agimat ng Agila na napaka-cooperative at walang problema sa lock-in taping.

Naka-16.2% ang Agimat ng Agila noong nakaraang Sabado, May 22, ayon sa AGB Nielsen.

Mahirap nga raw gawin itong Voltes V: Legacy na madugo rin (at magastos siyempre) ang special effects. Pero malaking tulong ito sa mga bagong artistang ilulunsad dito ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Si Radson Flores na guest sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show noong Linggo, Mayo 23, ay pinu-promote na ang Voltes V: Legacy.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-check-in na sa isang hotel sa Quezon City sina Direk Mark Reyes (center left) ang litrato nila nina Martin del Rosario, Epy Quizon, Carlo Gonzalez, at Darling Torres para sa lock-in taping ng Voltes V: Legacy. Nagdala pa ang director ng Voltes V action figure bilang "lucky charm."
PHOTO/S: @direkmark Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results