First Yaya hindi na ie-extend pagkatapos ng one season

by PEP Troika
May 24, 2021
The sexy ladies of First Yaya: (from left) Cai Cortez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Sanya Lopez, Thia Thomalla, and Analyn Barro.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayong Lunes, Mayo 24, ang last taping day ng First Yaya na naka-lock in sa isang resort/hotel malapit sa Maynila.

Kahit maganda ang feedback sa Kapuso primetime series na ito at consistent na mataas ang rating, okay na raw ang season one nito at hindi na ie-extend.

Sabi ng ilang taga-produksiyon, mahirap daw talagang mag-extend ng isang drama series sa panahon ng pandemya. Kaya kapag naka-lock in taping, tinutuluy-tuloy na hanggang ending at wala nang balikan.

Pero memorable kay Sanya Lopez, pati sa buong cast ng First Yaya, ang drama series na ito dahil nabuo ang magandang samahan.

Wagi ang ipinost nila sa Instagram kamakailan na kuha sa tinutuluyan nilang hotel kung saan naka-swimsuit ang ilan sa female cast members.

“Para po kaming family na sa set, e. Lahat kami, superclose.

“Parang ayaw na namin maghiwa-hiwalay. Lalo na si Ate Kakai [Bautista] na tiyang namin at leader namin.

Continue reading below ↓

“Kaya pagkatapos nitong lock-in taping namin, we make it a point na video call kami lagi,” pahayag ni Sanya sa PEP Troika na ipinadala via Kapuso PR Girl kamakailan.

Ngayon pa lang ay marami na ang nanghuhula kung ano ang ending ng First Yaya.

May presidential wedding kayang magaganap? From First Yaya to First Lady na kaya si Yaya Melody?

NOEL FERRER

Talaga? Tapos na agad ito? Magandang senyales iyan, ha, na may definite ending ang mga teleserye para ang pinapaboran ay ang istorya at hindi lang ang mga artista.

Ngayong malaya na si Sanya Lopez, sana ay marami pa siyang mga proyektong maghahasa ng kanyang acting capabilities.

Kasi, meron siyang talent talaga, at nakakataba ng puso na nakagawa siya ng Successful Pandemic Teleserye as opposed to projects na dadaan lang.

Yun ngang iniwan niyang teleserye na Lolong, hindi pa nakakausad. Tapos, heto’t tapos na siya sa My First Yaya.

Continue reading below ↓

Hindi kaya maisipan ng management na ibalik si Sanya sa show nila ni Ruru para mas nadagdag na may premium?

Basta, onward up lang Sanya! We wish you all the best!

JERRY OLEA

Paano na si Shaira Diaz kung ibabalik si Sanya sa Lolong? Hindi naman siguro.

Mas OK pa kung mag-shoot na muna si Sanya ng second season ng Agimat ng Agila with Senator Bong Revilla.

I wonder kung masusundan ni Sanya ang mga yapak ni Jodi Sta. Maria. Bumongga ang career ni Jodi pagkatapos pumapel bilang Maya, na yaya ng anak ni Ser Chief (Richard Yap) sa Kapamilya morning series na Be Careful With My Heart (Hulyo 2012-Nobyembre 2014).

Take note na Maya ang pangalan ng karakter ni Sanya sa Agimat ng Agila.

Ang kasunod na ginampanan ni Jodi after Be Careful With My Heart ay ang karakter ni Amor Powers sa remake ng Pangako sa ‘Yo (Mayo 25, 2015 hanggang Pebrero 12, 2016).

Continue reading below ↓

Marapat lang na after First Yaya ay mabigyan si Sanya ng project na lalong magpapakinang sa kanyang bituin!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The sexy ladies of First Yaya: (from left) Cai Cortez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Sanya Lopez, Thia Thomalla, and Analyn Barro.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results