Carla Abellana at Tom Rodriguez, hiwalay muna ng apat na buwan bago ang kanilang kasal

by PEP Troika
May 26, 2021
Tom Rodriguez, Carla Abellana relationship
Carla Abellana on being apart from fiance Tom Rodriguez before their wedding in October: "It’s going to be the longest time we’ll be apart, which is more or less four months. Ahh, nagkataon pa na kung kailan preparing kami to get married, di ba, wedding preps and all. But thankfully, we have work. We are very grateful that we both have work. Magkahiwalay man kami ng show, we are so thankful."
PHOTO/S: Screen grab from Carla Abellana on YouTube

JERRY OLEA

“Hiwalay” muna sina Tom Rodriguez at Carla Abellana nang humigit-kumulang apat na buwan bago ang kanilang kasal sa Oktubre 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel ng Tagaytay Midlands.

Nasa lock-in taping na si Tom ng Kapuso primetime series na The World Between Us kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith umpisa noong Mayo 18, Martes.

Si Carla naman ay isang buwang magte-taping na Kapuso drama series na To Have and To Hold sa Bataan.

“I’m a bit sad because... ahh, Tom also has a new show, not that I’m sad he has a new show—but I’m sad because we won’t be seeing each other in the next couple of months,” pahayag ni Carla sa vlog na in-upload noong Mayo 21, Biyernes, sa kanyang eponymous YouTube channel.

“So, even if may break in between lock-in taping... unfortunately, ang mga break namin, hindi nagtugma. Hindi common.

“Meaning, the time he will be back from lock-in taping, ako, nasa lock-in taping pa rin. And vice versa.

Continue reading below ↓

“So, unfortunately, it’s going to be like that until September. It’s going to be the longest time we’ll be apart, which is more or less four months.

“Ahh, nagkataon pa na kung kailan preparing kami to get married, di ba, wedding preps and all.

“But thankfully, we have work. We are very grateful that we both have work. Magkahiwalay man kami ng show, we are so thankful.

“Kasi, at least, we get to continue to put food on our table, support our families, of course.

“And at the same time, siyempre, prepare na rin financially not just for the wedding but for our dream home na rin.

“So, OK iyan. Tiis-tiis na lang muna. Hindi muna magkikita at magsasama nang ilang buwan.

“Pero for sure, e, worth it naman iyan. Because ang importante, ikakasal naman kami, di ba, at the end of our shows.

“So, yeah, wish us luck!” nakangiting bulalas. ng Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, streaming na sa Netflix umpisa Mayo 28, Biyernes, ang Kapuso drama series na Love of My Life. Tinampukan iyon nina Carla, Tom, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Coney Reyes.

Sa Hunyo 3, Huwebes, naman mag-uumpisa ang Netflix streaming ng mga pelikulang So It’s You (2014, Carla Abellana at Tom Rodriguez),
Maledicto (2019, Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith), at Cara x Jagger (2019, Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid).

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang laking sakripisyo talaga at may maisasantabi ka kapag nasa lock-in taping.

Kaya ang suwerte ng ibang artistang nakapag-ipon dahil puwede silang tumanggi kung takot pa silang lumabas para magtrabaho.

Ang kasunduan ngayon ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ay hindi sila puwedeng magsabay ng lock-in taping. Hindi sila mapakali sa oras ng trabaho na iiwan lang nila sa yaya ang dalawa nilang anak.

Kaya madalas, si Glydel na lang nagpaparaya at hindi na muna tumatanggap ng trabaho habang may show pa si Tonton. Madalas pa naman silang kinukuha sa mga drama series na pangmatagalan.

Pero itong sa kaso nina Tom at Carla, mabuti na ring pansamantala muna sila silang maghiwalay para may excitement pagdating sa araw ng kanilang kasal.

Keri namang mag-follow up sa suppliers online habang nasa lock-in taping sila.

NOEL FERRER

Ramdam natin ang hirap magtrabaho ngayong new normal.

Talagang malaking sakripisyo, at kung tutuusin, para kang OFW.

Continue reading below ↓

Tapos, dahil may panganib nga na sakit, wala nang dagdag ito na hazzard pay? I’m speaking not just for Carla and Tom, but for everyone risking themselves sa pagtatrabaho sa gitna na lockdown.

Sana lang, maplano pa rin nang maayos nina Tom at Carla ang kasal kahit hindi sila magkita nang personal.

Sana talaga, makapag-ipon sila ng malaki-laking pera para sabihin nilang worth it ang sakripisyong ito sa pagbuo nila ng bagong buhay at bahay.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on being apart from fiance Tom Rodriguez before their wedding in October: "It’s going to be the longest time we’ll be apart, which is more or less four months. Ahh, nagkataon pa na kung kailan preparing kami to get married, di ba, wedding preps and all. But thankfully, we have work. We are very grateful that we both have work. Magkahiwalay man kami ng show, we are so thankful."
PHOTO/S: Screen grab from Carla Abellana on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results