Maja, JayR, DJ Loonyo, at Kayla mangha-hunting ng susunod na P-pop sensations

by PEP Troika
May 26, 2021
Sina Maja Salvador, DJ Loonyo, Jay-R, at Kayla Rivera ang headhunters ng bagong reality search na PoPinoy. Makakasama nilang hosts sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.
PHOTO/S: PoPinoy

GORGY RULA

Magsisimula na ang P-Pop reality search na PoPinoy sa Hunyo 13, Linggo, alas otso ng gabi, sa TV5.

Iho-host ito nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros. Headhunters o judges sina Maja Salvador, JayR, DJ Loonyo, at Kayla Rivera.

Sabi ni Maja sa mediacon ng programa ngayong Miyerkules, Mayo 26, magagamit niya rito ang pagiging talent manager bilang nagsisimula nang mag-handle ng talents ang Crown Artist Management.

Ani Maja, "May ganun po. Mas uunahin lang yung pagiging headhunter pa rin.

"Tapos kunwari, gusto ko ang nag-audition pero yung tatlong headhunters ay medyo, 'Ahh, hindi talaga.' So, rerespetuhin ko po yun. May mga ganyan.

"Parang lahat, dapat mag-agree kami, iisa lang ang decision na gagawin namin."

Malaking challenge ito sa kanilang headhunters, o mentors at judges na rin, na makatuklas ng bagong P-Pop group gaya ng sikat ngayong all-male group na SB19.

Malay natin, baka may bagong pasisikatin ang talent-reality search na ito.

Continue reading below ↓

"Nothing is guaranteed," pakli ni JayR. "Pero maganda sa technology ngayon, maraming avenue ng mga artists na puwedeng umangat sa career nila. Social media, may mga ibang platforms, di ba?

"Ngayon, we’re creating another platform for them to be able to become famous and pursue their dreams, and sa tingin ko, malaki ang chance nilang sumikat.

"Kasi, lahat ng ingredients, nandito sa PoPinoy—from the headhunters, from the hosts to the production, to the concept of the show, it’s all jumbled up together na pabor sa mga artists natin."

Ang PoPinoy ay collaboration ng Cignal TV sa TNT at Archangel Media. Ang mapipiling all-male at all-female group ay gagamitin sa campaigns ng TNT at sa kanilang online show na ihu-host ni Darren Espanto.

Bago ang pilot episode nito sa Hunyo 13, magkakaroon muna ng isang primer na isang documentary show, ang Idols of Pinoy Pop: Manila Sound to KPop, na ihu-host ni Lourd de Veyra. Mapapanood ito sa Hunyo 6, Linggo, alas otso ng gabi.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Okay naman na may bagong talent show na POPinoy. Hindi tayo nauubusan ng talents na mga Pinoy.

At coping mechanism din ito ngayong pandemic. Bukod dun, magagamit din ang premyo pantawid sa challenging nating buhay.

Pero aminin natin, sa talents shows ngayon, sa mga nananalo, may sapat bang venues at platform para sila ay pasikatin at magmarka? Di nga ba’t kakaunti pa lang ang live shows at events at ang daming entertainers na walang trabaho?

Sana, may paglagyan ang mga sasali at mananalo rito. Kasi, ultimo mga jury nito ay nagkukumahog din ng paglalagyan na trabaho.

Dapat outstanding at namumukod-tangi ka talaga para maging breakthrough artist ng pandemya, di ba?

JERRY OLEA

Sa kabila ng pandemya, sumikat ang grupong SB19, maging si DJ Loonyo.

Pero napakarami ang nanatiling TH na magluningning.

Iyong season 3 ng The Clash ay rumatsada last year mula Oktubre hanggang Disyembre. Sa tulong ng All-Out Sundays, nahahasa lalo at nakikilala ang kampeon ditong si Jessica Villarubin.

Continue reading below ↓

Iyon kayang mga magwawagi sa PoPinoy ay pwedeng mag-guest sa ASAP Natin ‘To ng TV5 at A2Z, maging sa Eat Bulaga! kung saan hosts sina Maine at Paolo?

Ang SB19, welcome sa mga Kapuso at Kapamilya.

Sapat ba ang star power ng hosts at judges ng PoPinoy upang umarangkada ang programa sa ratings? Your guess is as good as it gets.

Good career move ba para kay DJ Loonyo na maging hurado sa PoPinoy? Hindi kasi muna sinagot ni DJ Loonyo kung part pa rin ba siya ng All-Out Sundays ngayong nasa PoPinoy na siya.

Sabi ni DJ Loonyo, "Pinag-uusapan po ng mga handler ko kung ano ang mangyayari. For sure, kung ano man yung desisyon po ay isi-share namin sa inyo.

"For now, hindi pa po kami puwedeng magsabi kung ano ang decision for that."

Para kay DJ Loonyo at sa PoPinoy… good luck!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Maja Salvador, DJ Loonyo, Jay-R, at Kayla Rivera ang headhunters ng bagong reality search na PoPinoy. Makakasama nilang hosts sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.
PHOTO/S: PoPinoy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results