Centerstage, Your Face Sounds Familiar ultimate bakbakan

by PEP Troika
May 27, 2021
Sino sa kanila ang mag-uuwi ng exciting prizes ng Centerstage ng GMA Network at Your Face Sounds Familiar ng GMA Network?
PHOTO/S: Centerstage / Your Face Sounds Familiar

JERRY OLEA

Ultimate bakbakan na ng Centerstage at Your Face Sounds Familiar Season 3 sa Mayo 30, Linggo ng gabi.

Pasiklaban ang Bida Kids na sina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca, at Oxy Dolorito sa grand finals ng Centerstage sa Linggo ng 7:40 p.m., pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA Network.

Kaabang-abang ang performance ng Top 4 kasama ang host ng programa, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Ang judges ng Centerstage ay sina Aicelle Santos, Mel Villena, at Pops Fernandez.

Samantala, matapos magkabugan for twelve (12) weeks, gaganapin ang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar Season 3 this weekend.

Sina Christian Bables, CJ Navato, Geneva Cruz, iDolls, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, at Vivoree Esclito mismo ang pipili ng kanilang gagayahing music icon.

Sino kaya ang magkakamit ng premyong tropeyo, brand new house and lot, at tumataginting na PHP1M? Sa Grand Showdown, 50% ng final score ng contestants ay magmumula sa pinagsamang puntos mula sa jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta mula Week 1 hanggang Week 12.

Continue reading below ↓

Ang natitirang 50% ay base sa text votes mula sa mga manonood. Magbubukas ang botohan sa Mayo 30, Linggo ng gabi, pagkatapos ng lahat ng performances.

Para bumoto, i-text lang ang VOTE NAME OF CELEBRITY PERFORMER at i-send sa 2366 para sa Globe, TM, Smart at Talk N Text, at Sun Cellular subscribers. Isang boto lamang kada isang sim.

Alamin kung sino ang susunod kina Melai Cantiveros-Francisco at Denise Laurel bilang Filipino Grand Winners ng Your Face Sounds Familiar, na nagkaroon na rin ng pambatang edisyon kung saan nanalo sina Awra Briguela at TNT Boys.

Panoorin ang Your Face Sounds Familiar Season 3: The Grand Showdown LIVE mula sa ABS-CBN Studio 10 sa Mayo 29, Sabado ng 8:00 p.m., at Mayo 30, Linggo ng 7:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Ang host ng Your Face Sounds Familiar Season 3 ay si Luis Manzano, with Jed Madela and Nyoy Volante as mentors.

Continue reading below ↓

Magpe-perform sa grand showdown ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

NOEL FERRER

Nasubaybayan ko ang kumpetisyon sa Your Face Sounds Familiar ngayong season.

It seems like the best bets are sina Klarisse, CJ and iDolls (Matty Juniosa, Lucas Garcia, at Enzo Almario).

Si Klarisse ang pinakamaraming panalo para sa kanyang panggagaya kina Jaya (Week 3), Minnie Riperton (Week 5), Sharon Cuneta (Week 9), at Aretha Franklin (Week 11).

Nanalo si Christian bilang Mike Hanopol (Week 10), si CJ bilang Justin Bieber (Week 4), si Geneva bilang Liza Minnelli (Week 12), ang iDolls bilang Rod Stewart, Bryan Adams, at Sting (Week 7).

Nanalo naman si Lie bilang Elizabeth Ramsey (Week 8) at si Vivoree bilang Rihanna (Week 6).

Tunghayan natin ang grand showdown kasama ng pag-appear ng mga jury with Ogie and Gary live, at si Mega Shawie from the USA! Kita-kits sa Sunday!

GORGY RULA

Medyo mahirap sa mga taga-Centerstage ang ginagawa nilang may virtual stage, pero nairaraos naman.

Continue reading below ↓

Bukod sa judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos-Zambrano, at Mel Villena, meron pang audience participaption na virtual din ang pagpili ng kanilang winner.

Karamihan ay Music students o bahagi ng ilang chorale ang sumasali sa kanilang virtual audience.

Challenging ito sa production dahil mga bata ang involved. Kaya mabuti na lang at patapos na ito.

Aalamin ko pa kung puwedeng makasali sa All-Out Sundays ang mapipiling champion dahil mga minor pa kasi sila.

Sayang din kasi kung wala nang gagawin ang magiging champion pagkatapos ng competition. Dapat ay tuluy-tuloy ang kanilang career pagkatapos nilang manalo.

Dahil nasa pandemya tayo, mahihirapan pang magiging regular sila sa All-Out Sundays. Magla-live na ang All-Out Sundays sa Hunyo 13, kaya abangan natin kung makakanta roon ang first ever champion ng Centerstage.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino sa kanila ang mag-uuwi ng exciting prizes ng Centerstage ng GMA Network at Your Face Sounds Familiar ng GMA Network?
PHOTO/S: Centerstage / Your Face Sounds Familiar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results