DJ Loonyo, mas pinili ang PoPinoy over All-Out Sundays

by PEP Troika
May 27, 2021
DJ Loonyo: "Nag-decide na po ako na pasukin ang PoPinoy, kasi magandang opportunity rin po yun. And as headhunter, magagamit din po yung knowledge ko as dancer to help and influence."

GORGY RULA

Maingat ang sagot ni DJ Loonyo nang tinanong siya sa virtual mediacon ng PoPinoy noong Miyerkules, Mayo 26, kung kasali pa rin ba siya sa All-Out Sundays ngayong may programa siya sa TV5.

Pag-uusapan pa raw ng handler niya, pero wala muna siyang sagot tungkol diyan.

Tinanggap ng dancer-choreographer ang alok na maging isa sa headhunters sa PoPinoy kasama sina Maja Salvador, JayR, at Kayla Rivera.

Ngayon, napag-alamang wala na siya sa All-Out Sundays.

Hindi raw madali para kay DJ Loonyo na tanggaping wala na siya sa AOS. Iba raw kasi ang samahan nila sa naturang Sunday noontime variety show ng GMA-7.

"Hindi po naging madaling desisyon, kasi importante rin po sa akin ang AOS at malaki ang utang na loob ko sa kanila," saad ni DJ Loonyo sa kanyang pahayag na itinext ng kanyang manager sa PEP Troika.

Sa AOS kasi ay hindi lang siya sumasayaw kundi tumutulong din siya sa choreography sa "Cypher" segment ng programa.

Continue reading below ↓

"Nag-decide na po ako na pasukin ang PoPinoy, kasi magandang opportunity rin po yun. And as headhunter, magagamit din po yung knowledge ko as dancer to help and influence," dagdag niyang pahayag.

Siyempre, mami-miss ni DJ Loonyo ang regular na pagsasayaw niya tuwing Linggo sa AOS. Pero simula June 13, Linggo ng gabi, ay mapapanood na siya as headhunter sa PoPinoy.

Ang PoPinoy ay collaboration ng Cignal TV sa TNT at Archangel Media. Eere ito sa TV5.

Iniisip ng magaling na dancer na temporary lang ang pamamayagpag ng career niya rito, dahil kung puwede na siyang makabalik ng China ay babalikan daw niya ang trabaho niya roon.

May commitment pa si DJ Loonyo sa pinagtatrabahuan niya sa China kung saan choreographer siya sa isang dance studio, at ginawa raw siyang CEO ng Chinese owner ng naturang dance studio.

Parang naka-leave lang pala siya, at kailangan niyang balikan kapag okay na raw ang lahat pagkatapos ng pandemya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Iyan ang risk ni DJ Loonyo. Pero siguro, umaasa siyang maging successful at lumaki ang programang PoPinoy.

Hindi malayong mas malaki ang TF niya rito compared sa AOS, na aminin nating mas stable at mas wide ang reach.

Oo naman, huwag siyang umasa na kunin pa siya ng AOS kung tumanggap na siya ng regular show sa TV5. Tulad na lang ni JayR na habang gumagawa ng show sa TV5 ay hindi mo aasahang tutuntong sa ASAP na minsan niyang naging tahanan.

It’s really a matter of choice, hindi ko alam kung bakit hindi ito masagot nang diretso ni DJ Loonyo. Sa puntong ito, you can’t have the best of both worlds, di ba?

JERRY OLEA

Tinimbang sana nang husto ni DJ Loonyo ang mga bagay-bagay bago niya ipinagpalit ang All-Out Sundays (GMA 7) sa PoPinoy (TV5).

Pagdating ng panahon, nawa’y matanto ni DJ Loonyo kung tumpak ang kanyang pasya. Good luck!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo: "Nag-decide na po ako na pasukin ang PoPinoy, kasi magandang opportunity rin po yun. And as headhunter, magagamit din po yung knowledge ko as dancer to help and influence."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results