Manilyn Reynes nangungulila pa rin sa yumaong ama

by PEP Troika
May 28, 2021
Manilyn Reynes on the passing of her father: "Hindi basta-basta mawawala yung pakiramdam, yung lungkot, palagi kang babalik-balikan. Tatraydurin ka nga, e, sabi nga nila."
PHOTO/S: Zoom / Instagram

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay dumadating pa rin ang lungkot kay Manilyn Reynes kapag naalaala niya ang kanyang namayapang ama na si Nelson Reynes.

Mahirap daw talaga ang mamatayan ng mahal sa buhay lalo na ngayong pandemya. Nasa Cebu noon ang kanyang ama, kaya hindi sila kaagad nakapunta roon.

Mabuti at napayagan silang magbiyahe, kaya kumpleto sila hanggang nailibing ang kanyang ama.

“Medyo may lungkot lang din po dahil bukod sa pagkawala, hindi lang namin siya talaga nahawakan o nayakap.

“Alam ko ang pinagdadaanan ng mga tao ngayon, na to think nga ang kay Daddy was not COVID, hindi ba?” pahayag ni Manilyn sa nakaraang mediacon ng season ender ng Pepito Manaloto.

Medyo garalgal na ang boses ni Manilyn nang sinabi nitong gusto sana niyang yakapin ang katawan ng ama pero hindi niya nagawa.

Kaya naiisip daw niyang mas mahirap pa sa ibang taong namatayan na COVID ang dahilan.

Saad niya, “We’re also for the people na mga nawalan ng mahal sa buhay na COVID talaga ang naging dahilan. How much more mo na hindi mo talaga mahawakan?

Continue reading below ↓

“We were there, nasa tabi kami, pero hindi namin mahawakan o mayakap.

“We were also scared, kasi nasa hospital nga kami."

Dagdag pa ni Manilyn, “Sinabi na rin namin sa kanya na mahirap. Hindi basta-basta mawawala yung pakiramdam, yung lungkot, palagi kang babalik-balikan. Tatraydurin ka nga, e, sabi nga nila."

Singit ni Michael V, “Can you imagine yung naranasan ng iba, yung pandemic na biglaan talaga? Yun ang masakit sa loob talaga.”

Napatango si Mane sa sinabi ni Bitoy, dahil nandiyan pa rin daw ang lungkot. Talagang nami-miss pa rin daw ng actress-singer ang kanyang ama.

“Oo, yung akala mo nga, hala, ngiti-ngiti, pero pag mag-isa ka na naman, ayan, babalik na naman,” pakli ni Mane.

Bukas, Mayo 29, Sabado ng 6:15 p.m., ay matatapos na ang Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento.

Thankful si Manilyn dahil may ilang offers na dumarating sa kanya kaya tuloy pa rin ang trabaho niya.

Bahagi pa rin daw siya sa prequel ng Pepito Manaloto, ang Unang Kuwento dahil sila ni Bitoy ang nagna-narrate doon.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sa season finale ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento, naimbitahan si Elsa (Manilyn Reynes) bilang feature baker sa Central Luzon Food Trade Expo sa Pampanga.

Inanyayahan naman si Pepito (Michael V.) ng Philippine Embassy sa Korea upang magsalita sa isang business conference.

Habang naghahanda sina Elsa at Pepito sa kani-kanyang event, nagkaproblema ang kanilang buong household dahil sa TV crew na nakasubaybay sa kanila.

Kinausap si Pepito ng producer ng TV reality show tungkol sa kanilang buhay. Gusto na nitong ikasa ang bagong season ng kanilang programa.

Ano ang magiging pasya ni Pepito? Move on or move forward?

Noong Marso ay nagdiwang ang Pepito Manaloto ng ikalabing-isang anibersaryo nito.

Maliban sa mag-asawang Elsa at Pepito, tampok sa sitcom ang dalawang anak nila na sina Clarissa (Angel Satsumi) at Chito (Jake Vargas).

Katuwang ng pamilya Manaloto sa kanilang journey sina Patrick (John Feir), Tommy (Ronnie Henares), Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez), Robert (Arthur Solinap), Deedee (Jessa Zaragoza), at Mimi (Nova Villa).

Continue reading below ↓

Bahagi rin ng kuwento sina Janice (Chariz Solomon), Roxy (Mikoy Morales), Vincent (Tony Lopena), Berta (Jen Rosendahl), at Mara (Maureen Larrazabal).

Pak na pak ang titulong “Pepito Manaloto” sa GMA-7—may “pito” (seven, siyete) sa first name, at “manalo” (to win, magwagi) sa apelyido!

NOEL FERRER

Suwerte naman si Manilyn at hindi talaga siya nawawalan ng trabaho.

Kaabang-abang ang gagawing prequel ng Pepito Manaloto.

Pero may isa pa akong nami-miss kay Manilyn, ang kanyang pagkanta. Sana, magawa niya ulit iyun soon!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manilyn Reynes on the passing of her father: "Hindi basta-basta mawawala yung pakiramdam, yung lungkot, palagi kang babalik-balikan. Tatraydurin ka nga, e, sabi nga nila."
PHOTO/S: Zoom / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results