Coco Martin, Ate Guy, iba pang artista nabakunahan na

by PEP Troika
May 29, 2021
Coco Martin (in dark shirt), maayos nang nakapagpabakuna sa Barangay Greater Lagro, Novaliches, Quezon City noong Mayo 27

Gorgy Rula

May ilang netizens ang nagkuwestiyon sa isang nag-post sa Facebook account ng LAGRO Home Owners Concerns tungkol sa pagpapabakuna ni Coco Martin sa Brgy. Greater Lagro, Novaliches, Quezon City noong Huwebes, Mayo 27.

Nagtatanong lang naman ang iba kung pumila raw ba si Coco o kung saang category siya napabilang, at kung bakit siya nabakunahan agad.

Continue reading below ↓

Ayon sa source ng PEP Troika, nagtanong daw siya sa taga-Barangay kung ano ang kategorya ng Kapamilya actor.

Ang sabi lang daw sa kanya, may asthma raw si Coco at fatty liver, pero hindi lang daw nila tiyak kung comorbidity na nga raw ito.

Sabi ng aming source, hindi raw nag-cut sa pila si Coco. Inilagay lang daw siya sa linya ng may comorbidity dahil sa sinasabi nilang karamdaman ng aktor.

Nag-text ako sa manager ni Coco na si Biboy Arboleda para linawin ang isyu.

Sagot ni Biboy, “Coco is hypertensive, and has asthma. We followed protocol and his doctors sent records.”

Samantala, ipinagmalaki ng taga-Eastwood City na nakapagbakuna na sa kanila si Nora Aunor noong Biyernes, Mayo 28.

Bahagi ng FB post ng Eastwood City; “LOOK: The one and only Superstar and Walk of Fame inductee Ms. Nora Aunor gets her jab at Eastwood City’s vaccination center.

“Eastwood City is a proud partner of the Quezon City local government in its efforts to vaccinate more QCitizens.”

Continue reading below ↓

Nora Aunor vaccinated

Nora Aunor COVID-19 vaccination

Continue reading below ↓

Sabi ng kaibigan naming si Rodel Fernando na malapit kay Ate Guy, sinunod ng aktres ang tamang proseso mula sa pagpaparehistro hanggang sa pagpila sa mga nagpapabakuna.

Walang kuwestiyon kay Ate Guy dahil nasa A2 category siya, at Sinovac ang itinurok sa kanya.

Hindi raw nagkuwestiyon ang aktres kung anong ibabakuna sa kanya. Kung ano raw ang available na brand ay okay lang sa kanya.

“Pinakiramdaman niya ang katawan niya kahapon kung makaramdam siya ng side effect.

“Medyo nangati lang iyong binakunahan kagabi,” text sa amin ni Rodel.

Isa si Ate Guy sa naniniwalang dapat na mabakunahan na tayo lahat, lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas.

Kamakailan ay may hanash si Pokwang sa kanyang Twitter account na hindi pa rin daw sila nababakunahan sa Antipolo.

Merong paliwanag ang LGU ng Antipolo na inilabas sa kanilang Facebook account. Mas mabuting mabasa sana roon ng komedyante.

Pero ang magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina ay nabakunahan na sa Antipolo, at wala raw silang problema.

Continue reading below ↓

Maaga pa lang ay nagpa-register na sila dahil ang Mommy raw ni Kim ang nakatutok kung puwede nang magparehistro.

“Isang buwan din po kami naghintay. Nagpa-register po kami. Hindi po namin sinabi na artista kami o kung ano man.

“Tinext kami, eto ang schedule ninyo bukas. Nandun kayo sa isang maliit na mall,” kuwento ni Jerald, nang nakapanayam namin ang magkasintahan sa DZRH noong Biyernes, Mayo 28, para sa promo ng pelikula nilang Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

“Yung Mommy ko talaga, alam na nagla-lock in shoots kami.

“Kinabahan din ang nanay ko para sa aming dalawa na hindi pa kami nagpapabakuna, ganyan.

“So, nakita ng Mommy ko na open na yung registration dun sa @antipolobantaycovid,” dugtong naman ni Kim.

“Pagpasok dun namin sa mall, tiningnan po nila ang schedule, bawal po kasi talaga ang walk-in. Istrikto sila, e.

“Gusto lang po naming masunod iyung proseso. Hindi rin po kami namimili kung ano iyung bakuna. Basta gusto lang po naming mabakunahan.

Continue reading below ↓

“Okay naman po,” dagdag na kuwento ni Jerald.

Okay naman daw at Astra Zeneca ang itinurok sa kanila.

Medyo matagal-tagal pa ang hihintayin para sa second dose. Pero okay raw at wala raw silang naramdamang side effects.

JERRY OLEA

Kaugnay sa vaccination sa Antipolo City, may post ang joint Facebook account nina Jun-Andeng Ynares noong Mayo 27, Huwebes.

Ni-repost iyon ng Facebook page na Antipolo City Government ngayong Mayo 29, Sabado ng tanghali.

Si Andeng Bautista-Ynares ang kasalukuyang mayor ng Antipolo.

Ang FB post kaugnay sa pagbabakuna sa Antipolo:

“Sa ngayon ay nasa DOH priority groups A1 (Medical Frontliners), A2 (senior citizens) at A3 (adults na may Sakit o Comorbidities) pa rin po tayo sa buong bansa.

“KUNG matagal man bago po kayo makatanggap ng text (confirmation), ito po ay dahil sa KAKULANGAN sa BAKUNA (dahil priority po ng DOH at IATF na unahin ang Metro Manila/NCR)... o kaya ay hindi po kayo kabilang sa A1, A2 at A3.

Continue reading below ↓

“Ibig po sabihin, kung sakaling matagal na po kayong nakapagpa-register, kung wala namang delivery ng bakuna mula DOH (dahil inuuna nila ang Metro Manila/NCR)... o kaya ay hindi po kayo classified as A1, A2 o A3, wala din po tayong text (confirmation) na matatanggap muna at walang vaccination na magaganap.

“Sa mga A1, A2 at A3 na 18 years old pataas na hindi pa po nakapagpa-register para sa bakuna, habang naghihintay ng next batch ng delivery mula sa DOH, mag-register po tayo (online COVID-19 vaccine registration).”

Dinetalye sa nasabing FB post ang steps para sa sa vaccine registration.

Reminder sa FB post, “Kahit na may QR code account na ay kailangan pa rin ng bukod na vaccine registration gamit ang login details nito.

“Maaari po kayong lumapit sa mga vaccine registration help desks sa inyong barangay, 4 na pampublikong ospital at vaccination centers (SM Masinag, SM Cherry, Robinsons Place Antipolo, iMall Antipolo, Fatima Covered Court-Brgy. San Isidro)…”

Continue reading below ↓

Sa mga gustong maging updated kaugnay sa Covid-19 at pagpapabakuna sa bansa, may updates araw-araw ang Facebook page ng Department of Health (Philippines).

Siyanga pala, nag-post ang Quezon City Government sa Facebook page nito ngayong Sabado ng gabi kaugnay sa pagtulong ni Arjo Atayde sa aktobidades ng LGU kontra Covid:

“Patuloy sa pag-aksyon ang konseho ng Distrito Uno para suportahan ang ating QCitizens ngayong panahon ng pandemya kasama si Arjo Atayde.

“Inikot ni Arjo, Councilor TJ Calalay, Councilor Doray Delarmente, Councilor Bernard Herrera, Councilor Mayen Juico, Councilor Jun Ferrer at Councilor Ollie Belmonte ang 25 barangay ng District 1 upang mamigay ng grocery bags, face masks, face shields at alcohol.”

Arjo Atayde helps QC LGU kontra Covid program

Continue reading below ↓

Arjo Atayde helps QC LGU kontra Covid program

Arjo Atayde helps QC LGU kontra Covid program

Continue reading below ↓

Arjo Atayde helps QC LGU kontra Covid program

NOEL FERRER

Regarding Coco, I’m sure he won’t jump the line lalo pa’t alam niyang pupulaan siya ng mga tao kung gagawin niya iyun.

He must really have comorbidities at responsable si Coco sa ganyan.

With the long lock-in taping sked ng FPJ’s Ang Probinsyano, mabuting proteksyon itong bakunang ito kay Coco sa haharaping taping ng finale ng long running at widely followed na teleserye.

Continue reading below ↓

Buti na rin lang at after ng A3 na may comorbidities, kasama na sa A4 na susunod na grupo ng babakunahan ang media workers.

Isa lang concern sa pagpapalista para sa bakuna, ok naman na gawing online ito—pero kailangang saluhin din ng LGU ang mga walang access sa teknolohiya na aminin nating kasama ang talagang mahihirap. Kailangan sila sa programang assisted booking.

Basta, naniniwala akong kapag bakunado, iyan ang magiging daan para maging close tayong muli.

But everything with caution pa rin. Hindi pa tapos ang pandemya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (in dark shirt), maayos nang nakapagpabakuna sa Barangay Greater Lagro, Novaliches, Quezon City noong Mayo 27
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results