Sunshine Guimary, na-block sa Instagram ng isa sa leading men niya?

by PEP Troika
May 30, 2021
Ion Perez, Sunshine Guimary, Jerald Napoles
Kaninong Instagram account kaya sa mga leading man ni Sunshine Guimary na sina Ion Perez (kaliwa) at Jerald Napoles (kanan) ang diumano'y na-block ang baguhang sexy star?
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

May pa-boobey at butt exposure si Sunshine Guimary sa launching movie niyang Kaka.

Title role si Sunshine bilang Katherine “Kaka” Bataan. Sa kanilang angkan, ang kababaihan ay tila may kakabit na sumpa sa pakikipagtalik—lumiligaya lamang sa sariling sikap.

Streaming na ang Kaka umpisa Mayo 28, Biyernes sa KTX, iWant TFC, TFC IPTV at Vivamax. Tweet ng Vivamax, agad itong nanguna sa nasabing platform.


Continue reading below ↓

Mabangis ang bakbakan at halikan ni Kaka at ng dakilang best friend niyang si Jorge Daco (Jerald Napoles). Understandable na ayaw panoorin ng katipan ni Jerald na si Kim Molina ang pelikula.

Pero walang dapat ipagselos si Vice Ganda kay Sunshine na tinaguriang "Braless Goddess."

Ang karakter kasi ni Ion Perez bilang Levi Sales ay mama’s boy, konserbatibo, at ayaw magpatikim kay Kaka.

Sa beach scene ng pelikula, ipinakitang tadtad ng tattoo ang mga bisig ni Ion. E, ang Wolf-Man na nakatunggali ni Kaka sa kama ay walang ganoong tattoo.

Yung pakikipaglampungan ni Kaka with ex-lover Rick (Josef Elizalde) sa sofa ay scandalicious, at integral iyon sa conflict ng istorya.

Agaw-eksena si Gina Pareño bilang lola ni Kaka na si Lolita, na wagas ang pagiging cougar.

Solid ang suporta ni Rosanna Roces bilang butihing ina ni Kaka na si Kams.

Nagmukhang palamuti sa ilang eksena si Maui Taylor bilang kasambahay na si Babet.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa Kaka sina Andrea del Rosario, Sheree, Giselle Sanchez, Lander Vera-Perez, Jackie Gonzaga, at Juliana Parizcovia Segovia.

Nag-cameo rito sina Ai-Ai de las Alas, Janine Teñoso, Marion Aunor, at Ronnie Liang.

GORGY RULA

Nakapanayam ko sa DZRH si Jerald kasama si Kim Molina noong Biyernes, Mayo 28.

Pero ang pinu-promote nila ay ang pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na streaming na sa June 11.

Iyon kaya ang ipinagtampo ni Sunshine dahil mag-isa lang siyang nagpo-promote ng Kaka?

Kapansin-pansin kasi na hindi man lang naipu-post ng dalawang leading men niya ang pelikulang Kaka.

Totoo kayang na-block si Sunshine sa IG account ng isa sa leading men niya?

Gusto ko sanang alamin kung si Jerald ba o si Ion. Pero ayaw akong sagutin ng sexy actress.

Na-unblock naman daw kaya okey na raw iyon.

Nakiusap si Sunshine na huwag na lang itong palakihin dahil mas gusto niyang ang kaseksihan ng Kaka ang pag-uusapan.

Continue reading below ↓

Keri naman daw niyang mag-promote mag-isa.

NOEL FERRER

Nakita ko nga yung selosan eklat nina Kim at Jerald over Sunshine.

Hindi pa ba sila secure at affirmed at sigurado sa isa’t isa kaya may ganoon pa?

Oh well, sana mas magkaroon ng interes ang mga tao sa Kaka at kay Sunshine dahil sa mga usapang ito.

I wonder, kapag sinabing number 1 content—what does that mean?

Kumita na kaya ito sa digital platform?

Nababawi ba ng mga producer ang cost nila sa online release?

Inaaaral ko pa rin ang return of investment sa ganitong bagong platform sa pelikula... at naghahangad talaga na bumalik na sana tayo sa panonood sa sinehan, at matapos na ang pandemyang ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaninong Instagram account kaya sa mga leading man ni Sunshine Guimary na sina Ion Perez (kaliwa) at Jerald Napoles (kanan) ang diumano'y na-block ang baguhang sexy star?
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results