Bea Alonzo magiging Kapuso na rin ba?

by PEP Troika
May 31, 2021
Kung sakaling matuloy ang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7, marami nang Kapuso ang excited sa posibilidad na mag-reunite sila ng kanyang perennial leading man na si John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: PEP.ph

NOEL FERRER

With our friend Atty Annette Gozon-Valdes reposting about John Lloyd Cruz’s appearance on GMA-7, gaano katotoo ang usap-usapan na ang classmate kong si Bea Alonzo ay magiging Kapuso na rin?

Malaking factor nito ang usapan sa Kapamilya network na wala raw paramdam si Bea sa mga kaibigan nito sa ABS-CBN. And rightfully so, Bea has her new manager to handle business decisions.

What we know is that naka-commit siyang gawin ang pelikula with Alden Richards with Viva-APT-GMA as co-producers.

Balitang hindi naman nila minamadali ang pelikula dahil si Alden ay nasa lock-in shoot pa ng bago niyang teleserye na The World Between Us.

Si Classmate Bea naman ay busy sa kanyang endorsement at vlog shoots na umaani ng maraming views and followers.

So, if Bea is set on being a Kapuso (which I think is very possible kasi doon naman siya magpo-promo ng Bea-Alden film if ever), it’s not far-fetched na gumawa rin siya ng projects sa Kapuso network.

Continue reading below ↓

Excited ako, if ever, kung doon pa mismo sa Kapuso network sila magre-reunite ng kanyang screen partner na si JLC.

Kung saan man yun, o kung sila na mismo ang magpo-produce—at kaya rin nila, haexcited akong magkasama muli sa isang project ang mga kaibigan nating Bea at JLC!

GORGY RULA

May Janine Gutierrez at Sunshine Dizon na pasabog ang Kapamilya network na lumipat sa kanila mula sa Kapuso network.

Inaabangan kung matutuloy rin ba ang paglipat ni Lovi Poe. Pero mukhang mananatili siyang Kapuso.

Inaabangan na lang ang pagbabalik nila mula Amerika para makumpirma kung may renewal siya sa Kapuso network.

Mas okay sanang pantapat si Bea Alonzo na lilipat sa GMA-7. Pero wala pa raw talagang napagkasunduan.

Iyon din ang hangad ng karamihan ng mga taga-GMA-7. Sana, matuloy ang pagiging Kapuso ni Bea.

Nakakadagdag pa itong John Lloyd Cruz. Kaya abangan na lang natin iyan.

May narinig pa kaming napipintong paglipat ni Ejay Falcon sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Pero, “hindi pa” ang sagot sa akin ng manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.

Marami pang balitang aabangan natin sa GMA-7 ngayong nangangalahati na ang taon.

Mas marami pa kasing projects, mga bagong drama series na binubuo na nila para sa last quarter ng taong 2021.

JERRY OLEA

Last year pa ibinalita ng ABS-CBN na magtatambal muli sina Bea at John Lloyd sa pelikulang No Goodbyes, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ibinunyag ito sa line-up ng 2021 movies ng ABS-CBN sa Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special noong Disyembre 20, Linggo ng gabi.

Sa takbo ng mga pangyayari, posible pa ba iyong maganap this year?

Naulinigan din natin ang posibilidad na magtambal sina Bea at John Lloyd sa isang family sitcom sa TV5.

Naku, exciting kung parehong magiging Kapuso sina Bea at John Lloyd!

Kabilang sa mga pelikula ng ABS-CBN na nag-streaming na ngayong 2021 ang Princess DayaRees nina Maymay Entrata at Edward Barber; Hello Stranger The Movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara; Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban; at Momshies! Ang Soul Mo’y Akin nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros.

Continue reading below ↓

Mag-i-streaming kaya bago matapos ang taon ang mga pelikulang bida sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Vice Ganda at Ivana Alawi, at Kim Chiu?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung sakaling matuloy ang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7, marami nang Kapuso ang excited sa posibilidad na mag-reunite sila ng kanyang perennial leading man na si John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results