DongYan mapapanood muli sa replay ng Endless Love; Kathryn Bernardo, mapapanood din ulit sa GMA-7

by PEP Troika
Jun 1, 2021
Makalipas ang maraming taon, masisilayan muli ang onscreen love team ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera via replay ng Endless Love, kung saan gumanap si Kathryn Bernardo bilang young Marian.
PHOTO/S: Endless Love / GMA-7

JERRY OLEA

Mapapanood muli si Kathryn Bernardo sa Kapuso Network!

Gumanap si Kathryn bilang young Jenny (Marian Rivera) sa Kapuso drama series na Endless Love, na umere noong Hunyo 28 hanggang Oktubre 15, 2010 sa GMA Telebabad.

Magre-rerun ang Endless Love umpisa Hunyo 7, 2021, Lunes ng 8:50 p.m., sa GMA-7.

Take note na gumanap din si Kathryn bilang young Anna/Victoria (Gretchen Barretto) sa Kapamilya teleseryeng Magkaribal, na umere noong Hunyo 28 hanggang Nobyembre 5, 2010 sa ABS-CBN.

Opo! Parehong araw nag-umpisang umere ang Endless Love at Magkaribal, kung saan tampok si Kathryn!

At any rate, nasa cast din ng Endless Love sina Kristoffer Martin (young Johnny/Dingdong Dantes), Lucho Ayala (young Jojo/Gabby Eigenmann), at Joyce Ching (young Shirley/Nadine Samonte).

Young Kathryn Bernardo and Kristoffer Martin in GMA-7 adaptation of Endless Love

Continue reading below ↓

Kasama rin sa Endless Love sina Dennis Trillo, Sandy Andolong, Tirso Cruz III, Janice de Belen, Kuh Ledesma, at Marco Alcaraz.

Aba! Si Sandy ay kasama rin sa top-rating First Yaya, kaya magdadalawa ang prime-time series niya umpisa Lunes.

At kapag ipinalabas na ang Legal Wives na bida sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali, magiging dalawa rin ang prime-time series ni Dennis sa GMA 7!

GORGY RULA

Pinakamasaya rito ay ang DongYan fans dahil matagal nang hindi nila napapanood na umaarte sina Marian at Dingdong.

Ang huling teleseryeng pinagtambalan nila ay ang My Beloved, na umere mula Pebrero hanggang Hunyo 2012.

Si Marian ay tila kuntento na muna sa Tadhana at nag-aasikaso pa siya ng mga nasimulan niyang negosyo. Busy rin siya sa pag-aalaga kina Zia at Sixto.

Ang huling narinig ko kay Dingdong ay November pa raw siya puwedeng sumalang sa lock-in taping.

Pero abang-abang din muna tayo at, baka maiba ang ihip ng hangin, mabalitaan nating tatakbo siya sa 2022 election.

Continue reading below ↓

May mga kumukumbinsi pa rin kasing tumakbo si Dingdong. Pero wala pang sagot diyan ang GMA Primetime King.

May ilang ikinakasa nang taping na drama series at ang iba ay tsini-check na kung tatakbo ba sa eleksyon ang ilang artistang kinukuha.

Kasi, kung may political plans, di na muna kukunin.

Marian Rivera and Dingdong Dantes in Endless Love

Continue reading below ↓

Samantala, marami na ang nabibitin sa First Yaya dahil napabalita na ang pagtatapos ng taping.

Curious ang lahat kung ano ang ipapalit. Ang The World Between Us ba ni Alden Richards? Kasi, sa pagkakaalam ko, ang Legal Wives ang ipapalit sa Heartful Café.

NOEL FERRER

Grabe, ‘no, hanggang kailan kaya magkakaroon ng replay episodes ng mga teleserye? Hanggang hindi pa nawawala ang COVID-19.

Hangga’t yung mga shooting protocols ay nagdadagdag pa sa cost ng production. Hangga’t hikahos pa rin ang ating industriya.

Ang hudyat na back-to-normal na tayo ay kung wala nang replays. Kung marami nang back-to-work at usual rate na. At tuluy-tuloy na ang fresh episodes na suportado ng tao kaya marami na ulit advertisement.

Mukhang matagal pa ba yun? Sana, soon? Sana, all!

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makalipas ang maraming taon, masisilayan muli ang onscreen love team ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera via replay ng Endless Love, kung saan gumanap si Kathryn Bernardo bilang young Marian.
PHOTO/S: Endless Love / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results