Game show ni Vice, serye ni Erich eere na sa Kapamilya Channel; Janine at Sunshine bahagi ng Kapamilya special ID

by PEP Troika
Jun 1, 2021
Tuloy na tuloy ang pag-ere ng bagong game show ni Vice Ganda (upper left) na Everybody Sing, pati na ang teleserye ni Erich Gonzales (upper right) na La Vida Lena. Napanood na rin ang dating mga Kapuso na sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon sa Kapamilya special ID. Co-stars sina Janine at Sunshine sa Marry Me, Marry You.

JERRY OLEA

Noong Mayo 5, Miyerkules, ang unang anibersaryo ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN o broadcast giant sa free TV.

Sa Hunyo 13, Linggo, naman ang unang anibersaryo ng Kapamilya Channel, na tumutukoy sa cable at online platforms. Dito patuloy mapapanood ang shows ng Kapamilya network tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Maalaala Mo Kaya, It’s Showtime, at ASAP Natin ‘To.

Kaabang-abang ang mga handog ng Kapamilya Channel sa pagdiriwang ng unang taon nito sa ere.

Makikanta at makisaya kasama si Vice Ganda simula Hunyo 5, Sabado, sa community singing game show na Everybody Sing.

Dalawampu’t limang (25) players ang magtutulungan at sama-samang kakanta sa iba’t ibang challenges para manalo ng PHP500,000 para sa kanilang pamayanan.

Magpapakilig sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa romcom na Hoy, Love You simula Hunyo 19, Sabado ng 10:00 p.m.

JoRox in Hoy, love you

Continue reading below ↓

Irarampa ni Erich Gonzales ang bagong mukha ng karma sa La Vida Lena simula Hunyo 28, Lunes.

Unang napanood sa iWantTFC ang kuwento ng pagbabagong-anyo ni Magda para maging si Lena, isang babaeng maghihiganti sa mga taong nagdala ng trahedya sa buhay niya.

Tuwing Linggo ng 8:45 p.m., masusubaybayan ang serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na He’s Into Her.

Donny Pangilinan and Belle Mariano for He’s Into Her

WHERE TO WATCH KAPAMILYA CHANNEL

Mapapanood ang lahat ng ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 on SD and channel 167 on HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, and most cable operator-members under Philippine Cable and Telecommunications Association).

Umeere rin dito ang bagong episodes ng Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag, Count Your Lucky Stars, Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan, at We Rise Together.

Isa ang Kapamilya Channel sa platforms kung saan nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Pilipino nasaan man sila.

Napapanood din ang mga programa ng ABS-CBN sa TV5 at A2Z sa free TV, cable, at digital TV boxes, Jeepney TV at CineMo sa cable, sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at sa streaming platforms na iWantTFC, WeTV, at iflix.

KAPAMILYA SPECIAL ID

Siyanga pala, palabas na ang “Feel Good Pilipinas” Special ID ng ABS-CBN umpisa noong Mayo 30, Linggo, sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasali rito sina Janine Gutierrrez at Sunshine Dizon, plus co-stars nila sa Marry Me, Marry You na sina Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, at Vina Morales.

Andiyan din ang main cast ng The Broken Marriage Vow na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla.

The Broken Marriage Vow casts in Kapamilya Summer ID 2021

Continue reading below ↓

Bahagi rin ang mga Kapamilya sa mga programang ASAP Natin ‘To, FPJ’s Ang Probinsyano, G Diaries, He’s Into Her, Huwag Kang Mangamba, Iba ‘Yan!, Init sa Magdamag, It’s Showtime, at Magandang Buhay.

Init sa Magdamag lead stars in Kapamilya Summer ID 2021

Gayundin ang Paano Kita Mapasasalamatan, Your Face Sounds Familiar Season 3, Ang Sa Iyo Ay Akin, Bagong Umaga, PBB Connect, Walang Hanggang Paalam, at La Vida Lena.

Continue reading below ↓

Judy Ann Santos, Boy Abunda, Angel Locsin, Angelica Panganiban in Kapamilya Summer ID 2021

Kasama rin ang mga Kapamilya mula sa Aja! Aja! Tayo sa Jeju, Real Talk: The Heart of the Matter, We Rise Together, TV Patrol, TeleRadyo anchors, at MOR Entertainment MORkada.

Kasama ni KZ Tandingan na umawit ng "Feel Good Pilipinas" sina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla, at Gelo Rivera ng BGYO.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa dami ng online platforms at content ng ABS-CBN ay hindi sila mauubusan ng new materials para sa free TV. Sana lang, pagkapalabas nito sa free TV ay tangkilikin pa rin ito ng mga manonood.

It’s good to know na yung Hoy, Love You nina Joross at Roxanne ay magte-tape na ng second season ngayong June. Parang timing lang ang paglabas nito sa free TV, kasi nagtapos naman ang Pepito Manaloto.

At this time, ang hinihintay mula sa GMA-7 ay kung matutuloy ang sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

Sa panahon ng pandemya, importante pa rin talaga na may panggagalingan ng tuwa at saya!

GORGY RULA

Nakikiisa kami sa patuloy na pakikipaglaban ng Kapamilya Channel sa lahat na pinagdaanan nila. Kaya relate na relate sila sa kanilang Special ID.

Napanood ko ang ibang series nila sa iWant TV, na mapapanood na rin sa Kapamilya channel. Isa na rito ang Hoy, Love You nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

Continue reading below ↓

Ilang episodes din ang napanood ko at parang si Joross lang ang nagdala ng buong seryeng ito.

Pero aliw naman, at tama lang na mapanood ito sa free TV. Nasilip ko rin sa ilang kaibigan nating staff ng ABS-CBN na sinasabing nakakabalik na sa trabaho ang ilang natanggal noon.

Sana nga, tuluy-tuloy na ito at magiging normal na ang trabaho nila kahit nasa gitna ng pandemya. Inaasahang maiiba ang lahat pagsapit ng Hunyo 2022. Sana.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy na tuloy ang pag-ere ng bagong game show ni Vice Ganda (upper left) na Everybody Sing, pati na ang teleserye ni Erich Gonzales (upper right) na La Vida Lena. Napanood na rin ang dating mga Kapuso na sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon sa Kapamilya special ID. Co-stars sina Janine at Sunshine sa Marry Me, Marry You.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results