Derek Ramsay at Ellen Adarna, all out ang public display of affection sa social media

by PEP Troika
Jun 1, 2021
Derek Ramsay on #mombod photo of Elen Adarna: “My fiancée is a beautiful sexy woman. She has every right to express herself in the way she wants."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Noon pa man ay hindi apektado ang magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa bashers na hindi pa rin tumitigil sa pagbibigay ng komento sa mga ipinu-post nila sa social media.

Ang daming nawindang sa mapangahas na post ni Ellen, at sinundan ng papuwet ni Derek.

Nang nakatsikahan ng ka-partner ko sa DZRH na si Morly Alinio si Derek via text, binanggit ng aktor na nakikita niya kung gaano ka-proud si Ellen sa katawan nito pagkatapos manganak.

Sabi ni Derek na itinext niya kay Morly, “My fiancée is a beautiful sexy woman. She has every right to express herself in the way she wants.

“I think the picture is decent, a sexy photo. She put in so much work after her pregnancy to get that body.”

Kaya kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi nila ito pinagtalunan at never daw ito naging isyu sa kanilang relasyon.

“Walang makakasira sa relasyon namin,” dagdag pang text ni Derek.

Continue reading below ↓

Ang isa pa sanang gustong paghandaan ni Derek ay ang nalalapit na kaarawan ng anak niyang si Austin at ng anak ni Ellen na si Elias.

Magkasunod pala ang birthday ng dalawang bagets—sa June 27 ang third birthday ni Elias, at si Austin naman ay 18 na sa June 28.

Continue reading below ↓

Hindi pa alam ni Derek kung pagsasabayin ang celebration.

Baka may plano naman ang ama ni Elias na si John Lloyd Cruz, at depende rin kung ano ang gustong celebration ni Austin sa kanyang kaarawan.

Pero nakikita namang masaya silang apat at nagkakasundo ang kani-kanyang anak.

NOEL FERRER

Kitang-kita talaga na TODO at ALL OUT ang public display of affection nina Derek at Ellen, na parang isinisigaw na “In love kami, so...” at “If you have it, flaunt it!”

Looking forward to a real happy ending for this beautiful couple.

JERRY OLEA

Kahit andiyan na ang bagong showbiz nymphets na sina AJ Raval at Sunshine Guimary, iba pa rin ang alindog ni Ellen. Hot momma!

Noon pa nagpasilip ng wetpaks si Derek sa Instagram. What else is new?

Praktikal kung magdyu-joint celebration ang stepbrothers-to-be na sina Elias at Austin.

OK din lang kung kani-kanya sila ng pagdiriwang, dahil hindi naman problema ng parents nila ang panggastos.

Continue reading below ↓

Huwag na nating problemahin ito. Huwag na natin itong idagdag sa mga iisipin natin, lalo pa’t fluctuating pa rin ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayang magiliw.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on #mombod photo of Elen Adarna: “My fiancée is a beautiful sexy woman. She has every right to express herself in the way she wants."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results