First look sa bonggang set ng Voltes V: Legacy; Heartful Café, may bagong timeslot sa GMA-7

by PEP Troika
Jun 2, 2021
Proud na ikinuwento ni Direk Mark Reyes na sinlaki ng basketball court ang Boazanian Skull Ship (left) para sa Voltes V: Legacy, at may ginagawang isa pang mas malaking set para sa Camp Big Falcon. Tuloy naman ang kilig sa pagitan nina David Licauco at Julie Anne San Jose (right) sa Heartful Café.
PHOTO/S: GMA-7

JERRY OLEA

Sa GTV (dating GMA News TV) dapat ipapalabas ang seryeng Heartful Café. Pero dahil nagandahan ang mga Kapuso bossing sa rom-com series nina Julie Anne San Jose at David Licauco, inilipat ito sa GMA Telebabad umpisa Abril 26 bilang kapalit ng second season ng I Can See You anthology.

Ang ganda ng timeslot nito! Kasunod ito ng top-rating series na First Yaya!

Puwede namang gawing earlier ang timeslot ng Owe My Love nina Lovi Poe at Benjamin Alves—maging kasunod ng First Yaya—pero hindi nila iyon ginawa.

Magtatapos na ang Owe My Love sa Hunyo 4, Biyernes ng gabi.

At simula Hunyo 7, Lunes ng gabi, mapapanood na sa GMA Telebabad ang rerun ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera right after First Yaya.

Ibig sabihin, iyong last two weeks ng Heartful Café ay sa later timeslot matutunghayan?

Pina-plug na rin ng GMA na eere ang Legal Wives umpisa ngayong Hunyo. Sa Facebook page ng Legal Wives, kinumpirma na sa Hunyo 21 ang pilot episode ng nasabing cultural drama series na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Continue reading below ↓

Meron ding post ang nasabing FB page four days ago na mapapanood ang Legal Wives pagkatapos ng First Yaya.

Well… abangan natin kung aling timeslot ba talaga ang nakalaan para sa Legal Wives.

GORGY RULA

Ipinakita na ang set ng Voltes V: Legacy dahil nagsisimula na silang mag-tape.

Sa ulat ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras nitong Mayo 31, Lunes, ipinasilip na ang set ng Boazanian Skull Ship.

Ayon sa direktor ng programa na si Mark Reyes, inabot ng isang taon ang konstruksyon nito.

Paliwanag ni Direk Mark, "There are separate studios. The one for the Skull Ship— siguro ang laki niya is siguro two basketball courts.

"Yung laki naman ng Camp Big Falcon would be three to four basketball courts.

"Ganoon kalaki yung set—massive. When we saw it, even us were shocked."

Naisukat na ng cast ang kanilang costume na mahigit isang taon din ang inabot dahil sa masusing disenyo at detalye nito.

Continue reading below ↓

"We have to find a good marriage between the classic Voltes V look and what is acceptable nowadays. Hindi tayo gagawa ng just plain spandex," dagdag pa ni Direk Mark.

Ang Voltes V team ay binubuo nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho. Sina Martin del Rosario at Liezel Lopez naman ang gaganap bilang mga kontrabidang sina Prince Zardoz at Zandra.

Nang ipinakita ang teaser nitong Voltes V: Legacy, pinuri iyon ng mga netizens. Halatang pinaghandaan at ginastusan ng GMA Entertainment TV ang live-action adaptation ng nasabing Japanese anime.

Nito ring Mayo 31, Lunes, ipinalabas sa 24 Oras ang teaser ng Lolong, at ipinakita rin kung paano nila nabuo ang malaking mechanical alligator.

Pinuri rin nang bonggang-bongga ang teaser nito. Ito naman ay kinarir din ng GMA News and Public Affairs

Halos magkasabay silang nagsimulang mag-taping kaya posibleng magkakasabay rin ang airing.

Kaya labanan ito ng malalaking project—ang Voltes V: Legacy ng GMA Entertainment TV, at ang Lolong ng GMA News and Public Affairs. Itong dalawang departamento ng GMA-7 ang maglalaban, hindi na ang katapat na program ng ibang network. Pero mukhang matagal-tagal pa ito.

Continue reading below ↓

Abangan muna natin ang Legal Wives dahil ang ganda rin ng teaser at interesting ang topic na tatalakayin.

Maganda rin kung mata-tackle ng isang drama series ang mga isyu ng lipunan na matagal nang pinag-uusapan. Isa na rito ang kultura ng mga kapatid nating Muslim.

Siyempre, masusing pinag-aralan ng Kapuso executives kung sa anong timeslot ito nararapat.

NOEL FERRER

At least, there are more original and fresh content now from GMA-7. Rightfully so, dahil sila naman talaga ang may semblance of normalcy. Sila ang may franchise at may big pie ng advertising budget.

May they continue churning out good and well-researched and trailblaizing soaps like their previous breakthrough series My Husband’s Lover, Amaya, Bayan Ko, and the Public Affairs Specials.

Ngayong sila ang market leader by circumstance, nag-a-apply sa kanila ang kasabihang, “To whom much is given, much is expected!” All the best, Kapuso!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud na ikinuwento ni Direk Mark Reyes na sinlaki ng basketball court ang Boazanian Skull Ship (left) para sa Voltes V: Legacy, at may ginagawang isa pang mas malaking set para sa Camp Big Falcon. Tuloy naman ang kilig sa pagitan nina David Licauco at Julie Anne San Jose (right) sa Heartful Café.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results