Comedian-TV host at singer-actress in their 20s, bibida sa prequel ng Pepito Manaloto

by PEP Troika
Jun 2, 2021
Sino ang comedian-TV host at singer-actress in their 20s na gaganap bilang young Pepito at young Elsa sa prequel ng Pepito Manaloto?
PHOTO/S: Jay Tablante for PEP.ph / @manilynreynes27 Instagram

JERRY OLEA

Cut-to-cut ang eksenang magkausap sina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V) sa season finale ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento, noong Mayo 29, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Medyo magkaiba ang kulay at pagkailaw kina Mane at Bitoy, at hindi sila pinagsama sa iisang frame.

Simula sa Hunyo 5, Sabado ng 6:15 p.m. sa GMA, babalikan nina Pepito at Elsa ang ilang episodes ng comedy show sa Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo. Ibig sabihin, “best of best” episodes muna ang mapapanood.

Totoo ba na iyong prequel na Pepito Manaloto: Unang Kuwento ay sa Hulyo 17 pa magpa-pilot episode?

Matunog na ang gaganap bilang young Pepito sa prequel ay ang twentysomething comedian-TV host na madalas gumanap bilang sidekick.

Bulung-bulungan din na ang gaganap na young Elsa ay ang twentysomething singer-actress, na nagbida recently sa isang TV series.

Ang comedian-TV host at singer-actress ay parehong produkto ng isang reality show.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Noong huling nag-check ako sa ilang taga-Pepito Manaloto, wala pa silang kinu-confirm dahil nasa audition pa raw ang ibang characters.

Maingat sila rito para hindi malayo sa original na Pepito Manaloto. Pero dapat ay magaling talaga silang umarte na nakukuha ang nuances nina Pepito at Elsa Manaloto na bida sa bagong sitcom na ito.

Sabi naman nina Manilyn at Michael V, may partisipasyon pa rin sila kung saan sila ang nagsasalaysay ng mga nagaganap sa buhay nina Pepito at Elsa.

"Magiging part din kami,” pakli ni Mane sa nakaraang virtual mediacon nila ni Bitoy.

Patuloy ni Manie, "Natutuwa lang kami dahil gusto rin naman namin mapanood ni Bitoy kung paano gaganap yung mga nandun sa Unang Kuwento.

"So, habang waiting-waiting, papanoorin din namin at malalaman din namin kung ano ba talaga ang magiging kasunod.

"It's getting better and nagkakaroon ng preparasyon through Unang Kuwento. “

Sabi naman ni Bitoy, "Isa sa intention ng creative group at ng production na gamitin itong Unang Kuwento as a better experiment to come up with a better plan for the next book."

Continue reading below ↓

Ang maganda lang dito sa pagbuo nila ng Unang Kuwento, may kinu-consider na ilang Kapuso stars na excited dahil gusto talaga nila maging part sa kakaibang sitcom na ito ng GMA-7.

Ang dinig ko, kinukuha ang isang award-winning actress na noon pa man ay type niyang maging part ng Pepito Manaloto. Balak ding kunin ang isang magaling na indie actor na nagkaroon ng programa sa TV5.

Sana matuloy si indie actor sa pagtawid sa GMA-7. Sa galing niya sa pag-arte, dapat magkaroon siya ng maraming programa sa Kapuso network.

NOEL FERRER

May basbas ni Bitoy ang dalawang talents na ito na kinakitaan niya ng kakaibang galing sa comedy at sa pakikisama sa mga katrabaho. Kaya hindi na ako magtataka kung sila ang napiling magbida sa Unang Kuwento.

Tama naman ang move to get the indie actor and the award-winning actress para magmukhang malaki at hybrid ang casting ng bagong chapter na ito ng Pepito Manaloto.

Continue reading below ↓

Kaabang-abang pa rin talaga ito!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang comedian-TV host at singer-actress in their 20s na gaganap bilang young Pepito at young Elsa sa prequel ng Pepito Manaloto?
PHOTO/S: Jay Tablante for PEP.ph / @manilynreynes27 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results