Direk Joel Lamangan arangkada sa paggawa ng gay-themed films

by PEP Troika
Jun 3, 2021
Ilulunsad sina Paolo Gumabao (kaliwa) at Teejay Marquez (kanan) sa kani-kanilang mga pelikulang idinirek ng premyadong si Joel Lamangan (gitna). Si Paolo ang bida sa Lockdown, habang si Teejay ang pangunahing bituin sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Ariba ang mga pelikula ni Direk Joel Lamangan na may gay sensibilities.

Ang Lihis (2013) ang opening film ng 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival bukas, Hunyo 4, Biyernes. Libre ang streaming ng Lihis sa FDCP Channel.

Memorable ang pagtatalik dito sa ilog ng mga karakter nina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Ikinakasa na ang streaming ng Lockdown sa KTX, iWant TFC, Upstream, at RAD. Launching film ito ni Paolo Gumabao bilang isang OFW na napilitang maging online erotic performer.

Maliban kay Paolo, mapangahas ang pagganap dito nina Sean de Guzman, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, at Jeff Carpio bilang mga kasamahan niyang Video Call Boys.

Ang kanilang boss ay si Mama Rene, na sakdal husay na ginampanan ni Jim Pebanco.

Nasa post-production na ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, na launching film ni Teejay Marquez.

“Napakagaling nina Teejay at Edgar Allan sa comedy drama na ito!” bulalas ni Direk Joel nang makausap ko sa cellphone nitong Hunyo 3, Huwebes ng umaga.

Continue reading below ↓

Ang masuwerteng nakatikim kay Teejay sa nasabing movie ay si Sean de Guzman na nagbida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, na si Joel Lamangan din ang nagdirek.

Hindi pa alam kung saan at kailan ipapalabas ang pelikulang Silab, pero abang-abang dito ang mga bading sa pagpapakitang-gilas ng baguhang si Marco Gomez.

Magkaibigan sina Sean at Marco, na magkasama sa all-male group na Clique V. Madalas silang mag-collab sa TikTok.

Katatapos lang ni Direk Joel na mag-shoot bilang artista for two days sa Paete, Laguna para sa pelikulang AbeNida.

Bida rito sina Allen Dizon at Katrina Halili, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Ang papel dito ni Direk Joel ay isang pari.

Allen Dizon and Katrina Halili in Silab

Continue reading below ↓

Katrina Halili and Allen Dizon in AbeNida

Bukas (June 4) na sana ang first shooting day ni Direk Joel sa Angeles City para sa comeback movie ng isang premyadong aktres.

Sakaling ma-postpone indefinitely ang shooting niyon, nakahanda na si Direk Joel sa shooting ng action-comedy film na B.O.T.R. (Bekis On The Run), na pagbibidahan nina Christian Bables at Diego Loyzaga.

Take note na si Christian sana ang bida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa. Hindi pumuwede si Christian dahil abala pa ito noon sa Your Face Sounds Familiar (Season 3). Kasama pa rin si Sean de Guzman sa B.O.T.R.

Siyanga pala, shelved na muna ang NET 25 love drama fantasy series na Love From The Past, na pagbibidahan sana nina Francis Magundayao at Claire Ruiz. Nasa cast din nito sina Lotlot de Leon, Lloyd Samartino, Sean de Guzman, Ron Angeles, at Nella Dizon.

Naudlot ang nasabing series nang pumanaw ang General Auditor ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Glicerio B. Santos Jr. noong Abril 3.

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Joel, “Sa pagpanaw ni Ka Jun, ni-reassess ng INC ang kanilang programming for NET 25. Masyado raw malaki ang magagastos sa produksyon ng Love From The Past kaya shelved na muna ito.”

Siyanga pala, salamat sa INC at kina Ka Eduardo Manalo, Ka GP Santos, at CRV dahil nakasama ako sa “Lingap sa Mamamayan” assistance project.

NOEL FERRER

Bravo, Direk Joel Lamangan! Napaka-prolific niya talaga at ang daming na-accomplish ngayong pandemya.

Kasama rin namin siya sa second month ng Damay At Dangal (Remembering Our Loss) sa Hunyo 9, Miyerkules. Isinasagawa ito every 9th of the month bilang pag-alala sa lahat ng mga yumao ngayong panahon ng pandemya upang mabigyan sila ng marangal na pagpupugay.

Sa mga Pride offerings, magandang balita ang pagsisimula ng mini-series na MMFF 2020 hit na The Boy Foretold By The Stars with Adrian Lindayag and Keann Johnson as lead stars.

Adrian Lindayag and Keann Johnson in The Boy Foretold by the Stars

Continue reading below ↓

Adrian Lindayag and Keann Johnson

Meron nang Agot Isidro sa cast, at makakasama rin ang talent kong Ateneo Student Council President na si Quiel Andrew Quiwa.

Na-delay ang taping ng naturang series dahil sa COVID surge, at heto, tuloy na tuloy na sila this June.

Siyanga pala, hanggang Hunyo 30 ang 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival. Ang closing film nito ay ang T-bird at Ako (1982) na pinagbidahan nina Nora Aunor at Vilma Santos, sa direksiyon ni Danny Zialcita.

“Sama-Sama, Lahat Rarampa!” ang tema ng PelikuLAYA this year, kung saan kabilang pa sa mga pelikulang mag-i-streaming sa FDCP Channel ang Masahista (2005) ni Coco Martin; I Love You. Thank You. (2015) nina Joross Gamboa, Prince Stefan at CJ Reyes; at Ang Huling Cha-Cha Ni Anita (2013) nina Angel Aquino at Therese Malvar.

Ipapalabas din sa online filmfest na ito ang Best. Partee. Ever. (2016) nina JC de Vera at Jordan Herrera; Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko (2017) nina Matt Daclan, Anthony Falcon, at Rocky Salumbides; Miss Bulalacao (2015) nina Russ Ligtas at Chai Fonacier; at Ned’s Project (2016) nina Angeli Bayani at Max Eigenmann.

Continue reading below ↓

Happy Pride Month, everyone!!!

GORGY RULA

Iyon talaga ang ayaw mangyari ni Direk Joel, na matengga siya ngayong pandemya.

Nagpahinga lang siya ng ilang linggo nang nagka-COVID noong Oktubre 2020, at pagkatapos niyon ay ratsada na siya sa trabaho.

Nag-iingat pa rin siya, kahit medyo kampante na dahil fully-vacinated na siya ng Sinovac.

May ilang direktor na tinatapos muna ang bakuna bago sila bumalik sa trabaho. Pero si Direk Joel, tuluy-tuloy.

Dapat nga ay may sisimulan na naman siyang pelikula, pero biglang na-pack up dahil na-expose pala sa isang COVID positive ang bidang artista. Kaya kailangan muna itong i-quarantine.

Kaya may time pang mag-rest muna si Direk Joel.

MORE PEP TROIKA STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilulunsad sina Paolo Gumabao (kaliwa) at Teejay Marquez (kanan) sa kani-kanilang mga pelikulang idinirek ng premyadong si Joel Lamangan (gitna). Si Paolo ang bida sa Lockdown, habang si Teejay ang pangunahing bituin sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results