Watch Now

Love wins para kina Rhap-Erwin, Liza-Ice, Aldred-Mike

by PEP Troika
Jun 3, 2021
May open letter ang singer na si Rhap Salazar para sa "other half" niya na si Erwin Laroya (left). Hindi pa rin nawawala ang pagnanais nina Liza Diño at asawang Ice Seguerra na magkaroon ng baby via surrogacy (center). Ex-PBB housemate na si Aldred Gatchalian, may inspirasyon din sa U.S. (right).
PHOTO/S: Rhap Salazar Facebook / Ice Seguerra Instagram / Mike Morente Instagram

JERRY OLEA

Pebrero 14, 2020 nang magladlad sa Instagram at Twitter ang singer at voice coach na si Rhap Salazar.

Nag-post si Rhap ng litratong may katabing lalaki, na katuwang niya sa pagdiriwang ng pag-ibig. Nakatalikod ang magsing-irog sa litrato.

Abril 6, 2020 nang i-post ni Rhap ang litrato nila ng kanyang kasintahang si Erwin Laroya, kung saan kita ang mukha nito.

Hunyo 30, 2020, nag-post muli si Rhap ng litrato nila kaugnay sa Gay Pride celebration.

Ngayong Hunyo 3, 2021, Huwebes ng gabi, may open letter sa Facebook si Rhap para kay Erwin.

Sabi sa liham ni Rhap: "To my other half,

"God and the world knows how proud I am with this relationship that we have. Gabi gabi ako nagpapasalamat sa Diyos kasi hindi ko na ulit naramdaman ang mapag-isa simula ng nakilala kita.

"Thank you for being patient, accepting and being the stronger Aquarian guy. And also for changing me to someone better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To someone that I want to leave in the past. You’re more than a blessing to me, Erwin.

"Now that we’re celebrating our second year together, I continue praying that He will always protect us. Give us more strength sa lahat ng mga pagsubok, sakit at panghuhusga sa mundong ito.

"That He may give us more inspiration to love one another and spend our lives together with tons of colors. Please keep in your mind and heart that you have me. Always and habambuhay [heart emoji]

"To more years [wine glass toast emoji]

"Happy 2nd Anniversary, Cheek."

NOEL FERRER

Masaya ako at kahit straights o cisgenders ay kaisa natin sa pagdiriwang ng Pride Month.

Nakaka-inspire din ang buhay sa Amerika ng Pinog Big Brother Teen Edition alumnus na si Aldred Gatchalian.

Mayroon siyang non-showbiz na best friend at partner-in-crime na nagngangalang Mike Morente.

Noong June 2019, may IG post si Mike para sa birthday ni Aldred: "Life is hard... I remember when I had reached my lowest point and didn’t know who I was or where I was going.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then you came along and gave me hope. God never allows pain without a purpose. All the obstacles and trials led us to where we are today.

"We have a long way to go, but I couldn’t imagine doing it with anyone but you. Happy birthday Ally!!! I love you."

#SanaAll #LoveWins

GORGY RULA

Maaaring marami pang pagdadaanan ang magkasintahang Rhap at Erwin sa kanilang relasyon.

Kung makikita ninyo sa TikTok, ang daming batang couple na miyembro ng LGBTQIA+. Ini-enjoy na lang nila ang kanilang relasyon at nakikita namang tanggap sila ng kanilang pamilya at ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Pero iba rin ang pagdadaanan ng mga mag-asawa na, kagaya ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra at ni Ice Seguerra.

Nagpapasalamat sila na sobrang naiintindihan ng anak ni Liza na si Amara ang unconventional set-up ng kanilang pamilya.

Pero alam ni Liza na nahihirapan din ang anak niya kapag nakikita nito sa labas ang ibang normal na pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatsikahan namin si Liza sa nakaraang mediacon ng PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival (Hunyo 4-30 sa FDCP Channel).

Ang isa pang idinadaing ni Liza ay ang balak nilang pagkakaroon ng anak ni Ice.

Matagal na nilang binabalak na siya ang tatayong surrogate mother ng egg cells ni Ice at isang sperm donor.

Kung dito raw sa Pilipinas gagawin, lalabas na walang karapatan si Ice sa kanyang anak na ipagbubuntis ni Liza.

Hindi kasi nare-recognize dito ang pag-aasawa ng gay couple kagaya nila ni Ice.

Kaya kung itutuloy nila ito, baka gagawin nila ito sa Amerika, dahil kinikilala roon ang mag-asawang miyembro ng LGBTQIA+.

Paliwanag ni Liza: "Anak po ito ni Ice pero wala po siyang karapatan kasi sa atin ang perception ng pagiging ina is kung sino yung physically nagpaluwal sa bata.

"Pinag-uusapan po namin ‘to lagi, kung paano po namin ito mai-insure yung rights.

"We’re actually planning if I do get pregnant, to give birth in the U.S. Kinikilala po kasi doon ang marriage namin, and Ice will be the father, and we will be recognized nang normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero dito po kasi sa atin, ang daming magiging kumplikasyon because of the situation."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May open letter ang singer na si Rhap Salazar para sa "other half" niya na si Erwin Laroya (left). Hindi pa rin nawawala ang pagnanais nina Liza Diño at asawang Ice Seguerra na magkaroon ng baby via surrogacy (center). Ex-PBB housemate na si Aldred Gatchalian, may inspirasyon din sa U.S. (right).
PHOTO/S: Rhap Salazar Facebook / Ice Seguerra Instagram / Mike Morente Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results