Bianca King at Ralph Wintle ikinasal sa mismong living room nila

by PEP Troika
Jun 4, 2021
Actress Bianca King is now officially Mrs. Ralph Wintle. The couple got married in their own living room in Sydney, Australia.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

“Married in our living room.”

Iyan ang pinakabagong Instagram post ni Bianca King—na Bianca King Wintle na ngayon dahil opisyal na siyang asawa ni Ralph Wintle.

Pero maliban dito ay wala nang ibang detalyeng inilagay si Bianca, na nakabase na ngayon sa Sydney, Australia kasama ang mister niyang si Ralph.

Continue reading below ↓

Si Ralph ay nakababatang kapatid ni Ben Wintle, na asawa ng aking talent na si Iza Calzado.

“Welcome to the family” ang mensahe ni Iza sa bagong bilas na si Bianca, na ang tanging nasagot ay “sup Mrs. Wintle.”

Nagkakilala at nagkamabutihan sina Bianca at Ralph sa kasal nina Iza at Ben noong December 19, 2018 sa Palawan.

Mula sa atin sa PEP Troika, isa na naman itong pandemic wedding na good news despite the worldwide health emergency.

Love wins indeed!!!

JERRY OLEA

Syempre, masaya para kay Bianca ang mga kaibigan niya sa showbiz.

Kabilang sa mga nag-congratulate sa bagong kasal sina Mariel Padilla, Maxene Magalona, Jackielou Blanco, Annette Gozon-Valdes, at IC Mendoza.

Cheers!

GORGY RULA

Wala na tayong update kay Bianca dahil matagal din siyang nagpahinga sa showbiz.

Ang huling balita ko sa kanya ay boyfriend pa niya noon si Julio Villafuerte, na mukhang papasukin na rin ang pulitika. Pero mabuti na ring mas tahimik na siya ngayon.

Continue reading below ↓

Sana, malaman din natin kung dito sila maninirahan o doon sa sosyal na lugar nina Ben Wintle sa Sandbanks sa Poole, UK.

Mas masarap doon at mas tahimik.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bianca King is now officially Mrs. Ralph Wintle. The couple got married in their own living room in Sydney, Australia.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results