Michael V, hindi nag-renew ng exclusive contract sa GMA-7?

by PEP Troika
Jun 4, 2021
Michael V on joining the creative team of Voltes V: Legacy: "I’ve been in talks with them sa production, kay Direk Mark Reyes. Pero wala pa kaming concrete na plano."
PHOTO/S: Jay Tablante for PEP.ph

GORGY RULA

May lumabas na kuwento noong tumanggi raw munang mag-renew ng exclusive contract si Michael V sa GMA-7, dahil gusto muna niyang magpahinga lalo na’t hindi pa natatapos itong pandemic na hinaharap natin.

Kasunod nito ay ang season finale ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento na papalitan ng Ang Unang Kuwento na prequel ng kuwento nina Pepito at Elsa.

Noong nakaraang virtual mediacon nina Michael V at Manilyn Reynes, tinanong ko si Bitoy kung sa GMA-7 pa rin ba siya.

Hindi niya diretsahang sinagot, basta ang hirap daw ngayong mawalan ng trabaho lalo na’t "no work no pay." Kasali pa rin daw sila ni Mane bilang narrator sa Unang Kuwento.

May reliable source ang PEP Troika na nagsabing hindi raw aalis ng GMA-7 si Bitoy. Pero hindi lang tiyak kung nakapirma na ba siya ng panibagong kontrata.

Ang isa pa kasi sa narinig namin ay balak daw niyang gumawa uli ng pelikula kapag maluwag na ang lahat, pagkatapos ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan ay narinig din naming magiging bahagi siya ng production team ng Voltes V: Legacy.

"Hindi pa officially,” pakli ni Bitoy nang tinanong ko siya tungkol dito.

Paliwanag niya: "I’ve been in talks with them sa production, kay Direk Mark Reyes. Pero wala pa kaming concrete na plano.

"Siguro nga dahil parang kung ano man yung magiging participation ko kung sakaling makakapasok tayo diyan, hindi pa rin nade-determine. Hintayin natin. I’ll keep everyone posted… kasi excited talaga ako para diyan."

Napapangiting sabi pa ni Bitoy, "Ako pa. Voltes V pa."

JERRY OLEA

Ayon sa IMDB (Internet Movie Data Base) at Wikipedia, anibersaryo ngayon ng Japanese anime TV series na Chodenji Mashin Borutesu Faibu (literally, Super Electromagnetic Machine Voltes V), na mas kilala bilang Voltes V.

Hunyo 4, 1977 ito unang umere sa TV Asahi. Second installment ito ng Robot Romance Trilogy. Nauna ang Chodenji Robo Combattler V, at pangatlo ang Toshi Daimos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya ang sigaw ng avid fans ng Voltes V ngayong Hunyo 4, Biyernes… "Let’s volt in!"

Hindi man nag-renew ng exclusive contract si Michael V sa GMA-7, pakiwari ko’y mananatili siyang Kapuso.

Nitong Hunyo 3, Huwebes, bago maghating-gabi ay pinost ni Michael V sa Facebook ang litrato nila ni Manilyn Reynes.

Ani Bitoy, “#PitSa REUNITED. Finished taping 2 PRIMER Episodes for Pepito Manaloto: ANG UNANG KUWENTO!"

NOEL FERRER

After going through COVID, maiintindihan natin ang ibayong pag-iingat ni Michael V sa pagtanggap ng trabaho, lalo na if it means getting out of the house.

Grabe ang ginawa niyang shooting place at ang state-of-the-art equipment niya kaya he can afford doing his productions at home.

With content creation as his forte, tapos may first rate-technical pa siya with his hi-tech equpment, Bitoy can never go wrong.

In the end, he can just coordinate with the network and different platforms for distribution. Support natin iyan!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V on joining the creative team of Voltes V: Legacy: "I’ve been in talks with them sa production, kay Direk Mark Reyes. Pero wala pa kaming concrete na plano."
PHOTO/S: Jay Tablante for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results