Gameboys The Movie poster sadyang kinopya ang Pretty Woman

by PEP Troika
Jun 5, 2021
Ang unang poster ng Gameboys The Movie, starring Kokoy de Santos (R) at Elijah Canlas, ay inspired by Pretty Woman (1990), na pinagbidahan nina Richard Gere (L) at Julia Roberts.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Evocative ng poster ng pelikulang Pretty Woman (1990) ang photo shoot nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos kay Raymund Isaac.

Pinost iyon ng The IdeaFirst Company nitong Hunyo 4, 2021, Biyernes ng gabi, sa Facebook at Twitter.

Ang caption, “Love is Pretty all ways. Gameboys The Movie | July 30”

Sa litrato, mala-Julia Roberts si Kokoy, samantalang mala-Richard Gere si Elijah.

Dahil sa Pretty Woman, naging Romantic Queen ng 1990s si Julia. Ang next movie na nagtambal sina Julia at Richard ay ang Runaway Bride (1999).

Ayon kay Direk Perci Intalan, executive producer ng Gameboys, “Series ito ng photo shoots, una lang iyung Pretty Woman. Na-brainstorm namin ito ni Raymund Isaac. Matagal na kasi naming usapan na mag-pictorial siya with the boys. Then naisip namin, may movie na parating, 'tapos Pride Month pa, so ang concept na nabuo is to show that love is love in all ways.

Continue reading below ↓

“Iyong love stories in the romantic movies na nagpa-in love sa atin, magwo-work in any gender. At patunay ito sa EliKoy na lumabas pa rin ang kilig kahit na alam mong sina Richard Gere at Julia Roberts ang original.

"Every Friday may bago kaming ilalabas na pictorial ng EliKoy. Bubuhayin namin iyung Friday 8:00 p.m. habit ng Gameboys!”

Bago ang streaming ng Gameboys The Movie sa Hulyo 30 sa KTX, mapapanood ang first season ng Gameboys umpisa Hunyo 13, Linggo, at 11:00 p.m., sa Heart of Asia.

Ang bersiyon na ito ay iba sa lumabas sa YouTube (original version) at Netflix (level-up edition).

Noong Mayo 22, 2020 nag-umpisa ang streaming ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Itinakdang World Gameboys Day ang Mayo 22, at sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Gameboys ay nagkaroon ng live show sa Facebook at YouTube.

Ang Gameboys ang unang Pinoy BL series, na sinundan ng Sakristan noong Mayo 31, 2020 sa YouTube channel ng VinCentiments.

Noong bisperas ng anibersaryo ng Sakristan, naglabas ang VinCentiments ng artwork sa Facebook kaugnay sa four-episode series na Ang Siokoy at ang Sioke. Pagbibidahan ito nina Clifford Pusing at Mikol Catindig, sa direksiyon ni Vincent L. Asis mula sa panulat ni Darryl Yap.

Si Clifford ang swimmer na katambal ni Henry Villanueva sa Sakristan.

Noong Mayo 31, pinost ng VinCentiments ang litrato ni Clifford bilang merman. Siyempre, iba ang istorya nitong Ang Siokoy at ang Sioke sa two-episode "Fairy Tale Romance" ng My Fantastic Pag-ibig noong Marso 13 at 20 sa GTV.

Ang Siokoy at ang Sioke

Continue reading below ↓

Pinagbidahan iyon nina Alex Diaz (bilang merman) at Yasser Marta, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Sa Hunyo 24, Huwebes, ang unang anibersaryo ng Pinoy BL series na Hello Stranger, na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Ang sequel nitong Hello Stranger The Movie ay extended hanggang Hunyo 30 ang streaming sa KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.

Hello Stranger The Movie. Tony Labrusca, JC Alcantara

Continue reading below ↓

Noong Pebrero 12 nag-umpisa ang streaming nito. Ipagdiriwang kaya ng Black Sheep ang unang anibersaryo ng Hello Stranger? Sakaling may celebration, imbitado kaya si Patrick Quiroz na gumanap bilang Seph? Buwag na ba ang love team nya kay Vivoree Esclito?

GORGY RULA

May mga pelikulang natapos nitong pandemya na mas maganda sanang panoorin sa mga sinehan.

Pero itong movie version ng Gameboys, tingin ko ay mas bagay talaga sa mga streaming platforms. Pang-digital siya talaga, at tamang-tama ring celebration ng first anniversary ng kanilang BL series.

Pinakagusto ko sa lahat na Pinoy BL series ang Gameboys, at magagaling pa ang mga artista.

Pagkatapos nito, mag-move on na dapat sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. M

ay inaabangan akong nakakaaliw na project para kay Kokoy na mapapanood sa GMA 7. Sana may kasunod pang drama series para kay Elijah dahil magaling talaga ang batang ito.

Congratulations sa Gameboys, kina Kokoy at Elijah, Direk Ivan Andrew Payawal lalo na kina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan ng IdeaFirst.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

From Pretty Woman, exciting ang mga parating na mga pictorial ng EliKoy/GavReel. Sana, this mounts up to a major excitement sa ilalabas nilang pelikula sa July 30.

Which prompts me to ask—mababawi kaya nila ang kanilang nagastos sa isang online release? Or umaasa rin ba ang producers na magkakaroon ng panibagong buhay at revenue stream kapag nagbukas na ulit ang mga sinehan pagkatapos ng pandemya?

Maraming production companies (katulad ng IdeaFirst Company) na sumusubok ng mga kakaibang paraan ng pagre-release at pagdi-distribute ng mga pelikula ngayong panahong ito.

Binago ng COVID-19 ang ating pamumuhay, kahit na ang ating paraan ng mga panonood ng mga pelikula.

Ang tanong: Ang mga pelikulang inihahain ba sa atin ay nagbago rin ba? Sana… for the better!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang unang poster ng Gameboys The Movie, starring Kokoy de Santos (R) at Elijah Canlas, ay inspired by Pretty Woman (1990), na pinagbidahan nina Richard Gere (L) at Julia Roberts.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results