Claudine-Mark Anthony movie, na-postpone ang first shooting day

by PEP Troika
Jun 5, 2021
Claudine Barretto cryptic post
Na-delay ang first shooting day ng Deception, ang comeback movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, dahil kinailangan munang magpa-swab test ni Claudine bago ito sumalang sa shoot.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

gorgy rula

Na-postpone ang first shooting day ng comeback movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na may working title na Deception, under Direk Joel Lamangan

Co-production ito ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Nakatsikahan namin si Atty. Topacio sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH noong nakaraang Biyernes, at ikinuwento niyang na-expose daw sa isang COVID-positive si Claudine kaya hindi na itinuloy ang pull-out nila noong Huwebes, June 3.

“Ngayong araw na ito ay nagpa-swab at tomorrow malalaman ang kanyang resulta.

“We’re hoping and praying… and palagay ko naman, hindi naman agad tatablan si Claudine ng COVID, ano?

“Kung negative siya, mag-uumpisa kami sa June 10 or 11,” pahayag ni Atty. Topacio.

Update: As of presstime, ngayong Sabado ng hapon, June 5, nag-text muli si Atty. Topacio at masayang ibinalita na negative daw ang resulta ng COVID test ni Claudine. "We start grinding on June 10," dagdag niya.

Continue reading below ↓

May isang rason pa raw kaya na-delay sila dahil umatras daw ang baguhang sexy singer/actress na si Kara Madrid.

Mahalaga raw ang role na gagampanan ni Kara, at may eksena sila ni Mark Anthony na medyo mapangahas.

Nagbago raw ng isip si Kara, at hindi na raw ito magpapa-sexy.

“May love scene ang character dun kay Mark Anthony. Ang problem is, sabi ni Kara Madrid, she has found God.

“Naging idol pa yata niya si Chin-Chin Gutierrez at gusto pa yatang magmadre.

“Gusto niya, wholesome na lang daw iyong roles. Ayaw na niya maging daring. Ang gusto na niya, Muslim na mata na lang ang labas—mga ganung role ang gusto niya,” lahad ni Atty. Topacio.

Hindi raw alam ni Atty. Topacio kung okay na raw sa Viva na si Sheree Bautista na raw ang ipalit.

Malaki ang kumpiyansa ni Atty. Topacio sa project na ito dahil naniniwala siyang marami pa rin ang interesadong panoorin ang pagbabalik-tambalan nina Mark Anthony at Claudine.

Continue reading below ↓

Maganda raw ang project na isang psychological-drama, at naniniwala siyang kayang-kaya ito ng dalawa dahil magaling pa rin silang artista.

Nagkaroon lang daw sila ng konting problema noon ni Direk Joel, at pati na rin kay Claudine, pero naayos daw lalo nang pumasok na ang Viva sa naturang proyekto.

“Sabi ko naman, wala namang problemang hindi maidadaan sa magandang usapan.

“Nagkausap kami… si Boss Vic ang nag-ayos naman lahat at na-fine tune ang script ni Easy Ferrer,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Sa pa-presscon ni Atty. Topacio para sa comeback movie ni Claudine noong Enero 26, 2021, si Eric Ramos dapat ang scriptwriter. Ang working title ng movie project ay Nang Lumuha Ang Langit.

Nang makausap ko si Direk Joel nitong Hunyo 4, Biyernes, sa cellphone, sinabi niyang iba ang istorya nitong Deception.

“Maganda ang story, bagay kina Claudine at Mark,” sabi ni Direk Joel.

Pinagpayuhan daw ni Atty. Topacio si Claudine na mag-focus na lang muna siya sa movie project, at isantabi ang pag-refile ng kaso kay Raymart Santiago.

Continue reading below ↓

“Sabi ko sa kanya… Clau, i-focus mo muna dito sa comeback movie mo. Ang importante, not only for you, not only for your family, but for your many fans and the movie industry.

“Sayang naman kung made-deprive ang movie industry sa husay na iyung pag-arte. Sabi ko, iba ang Claudine Barretto, alam naman natin iyan.

“Hindi naman dapat makampante si Ginoong Raymart Santiago, dahil ang kaso ay kaso pa rin iyan.

“Kahit matapos iyung pelikula ni Claudine, kaso pa rin iyan. Ilang years from now, kaso pa rin iyan at puwede pa rin naming i-file. Chillax lang siya muna.”

NOEL FERRER

Case dismissed na iyung kaso nila kay Raymart kaya sana, patahimikin na lang itong parte ng buhay nilang ito at mag-move on.

Good luck sa pelikula nina Claudine at Mark Anthony under Direk Joel Lamangan na co-prod ng Viva at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Good vibes na lang sana lahat!

Continue reading below ↓

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-delay ang first shooting day ng Deception, ang comeback movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, dahil kinailangan munang magpa-swab test ni Claudine bago ito sumalang sa shoot.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results