DOT, top priority ang pag-sanitize ng top tourist spots sa Pilipinas

by PEP Troika
Jun 5, 2021
Berna Romulo-puyat
Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, top priority ang ongoing vaccination at sanitation drive sa top tourist spots sa Pilipinas
PHOTO/S: Summit Sandwich Sessions

NOEL FERRER

Napakasaya at informative ng aking panayam kay Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat nitong nakaraang Biyernes, Hunyo 4, sa Level Up program sa Radyo Katipunan.

In-outline ni DOT Sec Berna ang kanyang initiatives para sa nalalabing 12 months niya sa panunungkulan.

Matatandaang itinalaga si Berna kapalit ni Wanda Teo nang magkaroon ng issue ng tourism funds na inilagay sa PTV-4.

Noong Mayo 2018 iyon, at mula noon, nalinya si Berna sa paglilinis… hindi lang ng departamento kundi pati na sa Boracay at ngayo’y pagpapatupad ng health protocols.

Sana raw ay hindi matakot ang mga tao sa kanya at pinapangalagaan naman niya hindi lang ang tourist spots kundi pati ang mismong mga taong nangangasiwa roon.

Pinapabakunahan ni Berna ang hotel workers sa quarantine sites kabilang sa A1 frontliner category. At iyong iba’y sa A4 bilang mga economic frontliners naman.

Gusto niyang ma-assure na ligtas at maayos ang lahat kapag nagbukas na ang tourist sites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta raw pareho ang quarantine classifications ay ok na to travel or iyong may pahintulot na ng mga mayor tulad ng sa Baguio.

Speaking of Baguio, magandang napag-usapan namin ni Berna ang pagsasakatuparan na ng project namin ni Gabe Mercado sa pakikipagtulungan sa DOT na The Sharon Cuneta Baguio Tour.

Kailangan sanang operational na ito dahil ang una at huling pelikula ni Sharon na naipalabas sa mga sinehan ay parehong sa Baguio kinunan—ang Dear Heart (1981) at Kuwaresma (2019).

Looking forward ako na matuloy ito, since si Berna mismo ay isang aminadong Sharon Cuneta fan na kumanta pa ng "To Love Again" ni Mega sa minsang pagsali sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

Maganda talaga ito kung matuloy!

GORGY RULA

Aliw ang post ni Allan K na tila ginagalugad ngayon ang Baguio.

Nakita ko sa post niya na kasama nita sina Ate Gay at Katrina Halili. Hindi ko lang sure kung may raket sila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero winner ang isang post ni Allan K na iwinawagayway ang LGBT flag.

Malaking bagay na napu-post ng mga kilalang celebrities ang mga sikat nating tourist destinations.

May ilang local tourists akong nakatsikahan na nahihirapan pa rin daw silang pumasok sa ilang sikat na lugar na gusto nilang pagbakasyunan dahil sa mga safety protocols.

Sana, dumating ang araw na vaccine ID lang, sapat na para makapasok.

JERRY OLEA

Dalawang taon nang walang Panagbenga flower festival sa Baguio City.

Bago pa mag-pandemic ay ibinasura na ang LABORacay party kung May 1, Labor Day sa Boracay.

Andaming tourist spots na gusto nating puntahan, kaso, hassle ang ibang requirements.

Nakaka-miss ang Minalungao National Park sa Gen. Tinio, Nueva Ecija; ang Panicuason hot spring resort sa Naga City, Camarines Sur; ang Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte!

Inaasam kong ma-explore ang mga talon sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan kahit pa kailangang mag-walkathon nang bonggang-bongga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangarap kong maglunoy muli sa malamig at malinis na tubig ng Taytay Falls na kilala rin bilang Imelda Falls at Majayjay Falls sa Majayjay, Laguna.

Nawa’y dumating ang araw na madali na ang pagbisita sa tourist spots ng ating bansa!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, top priority ang ongoing vaccination at sanitation drive sa top tourist spots sa Pilipinas
PHOTO/S: Summit Sandwich Sessions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results