Mamasapano movie, magre-resume ng shooting sa January 2022

by PEP Troika
Jun 7, 2021
Dismayado si Atty. Ferdinand Topacio, producer ng Mamasapano: Now It Can Be Told, dahil sa negligence ng production staff ng pelikula: “Wala silang hiniling sa akin na humindi ako. Kaya wala silang reason kung bakit hindi nila tuparin ang kanilang obligasyon na tapusin iyong film,” himutok niya.
PHOTO/S: Borracho Films

GORGY RULA

Sa Enero 2022 na magre-resume ng shooting ng Mamasapano: Now It Can Be Told ng Borracho Films.

Ito ang napagdesisyunan ng producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdinand Topacio at ng kanyang production staff.

Mga exterior na kasi ang natitira kung saan kailangan nilang kunan ang madugong massacre sa Mamasapano, na mainit noon at halos natutuyot na ang maisan.

Mahirap na raw kunan iyon ngayong panahon na nagsisimula na ang tag-ulan.

Kaya dismayado si Atty. Topacio dahil hindi raw nakapag-shoot noong panahon ng summer, gawa ng may ibang project na kailangang tapusin ng ibang production staff.

Saad ni Atty. Topacio nang nakapanayam namin sa DZRH noong Hunyo 4, Biyernes ng gabi, “E, paano kami mag-shoot ng June… ang sabi nila, sa June pa sila puwede, kasi may tinapos pa sila.

“Kung nag-shoot sila ng May 15 to May 30 na grabe yung init, mare-replicate yung conditions ng Mamasapano na massacre, tapos na sana ng end of May. E, may sinyut pa sila na iba, e.”

Continue reading below ↓

Sabi ni Atty. Topacio, commitment niya ito sa pamilya ng mga miyembro ng SAF 44 na namatay sa Mamasapano.

Siya ang tumayong abugado sa kanila, kaya naisip niyang gawin itong pelikula, kasama ang ilang partners.

Gusto na raw mag-atrasan ng ibang partners dahil sa sobrang natagalan na ang naturang project.

Tapos na raw ang lahat na interior scenes, at kailangang kunan na raw ang exteriors. Pero paano raw nila ito mabubuo kung nag-uulan na?

Kaya naiisip daw niyang kasuhan ang ilang production staff ng damages dahil sa lumalaki ang expenses kapag tumagal pa ito, at hindi raw siya nagkulang sa lahat na requirements.

“Hindi naman sa nanunumbat ako. Wala naman akong pagkukulang sa kanila. Pagdating sa pera, pagdating sa props, fully funded ang ating proyekto.

“Wala silang hiniling sa akin na humindi ako. Kaya wala silang reason kung bakit hindi nila tuparin ang kanilang obligasyon na tapusin iyong film,” himutok ni Atty. Topacio.

Continue reading below ↓

Nakausap ko ang ilang staff ng project na ito, at may ilang rason pa raw kung bakit na-delay ang shooting.

Pero tinanggap na lang nila ang galit ni Atty. Topacio nang nag-meeting sila noong Sabado, Hunyo 5, at nag-agree silang sa susunod na taon na kukunan ang mga exterior shots ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

Himutok ni Atty. Topacio, “I want to professionalize the industry, at nalulungkot ako na porke’t ako ay bagong producer, wala tayong clout, wala tayong koneksiyon, bagito tayo, ginaganyan naman tayo.

“Hindi naman tama iyan. Paano uunlad ang industriya kung nagkakandaletse-letse porke’t ikaw ay bago, hindi ka na priority?”

JERRY OLEA

Enero 25, 2015 naganap ang Mamasapano Massacre sa Maguindanao.

Kinumpirma ni Atty. Topacio na sa Enero 2022 na magre-resume ang shooting ng Mamasapano movie.

“Yes po, because of adverse weather conditions,” text ni Atty. Topacio sa PEP Troika.

“I am truly very disappointed with some in our production staff who did not give my project priority, just because I’m a new producer.

Continue reading below ↓

“My partners and I are still seriously considering changing some key production people, if only to send a message that we are not to be trifled with.”

Nasa cast ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, JC de Vera, Gerald Santos, L.A. Santos, Allan Paule, Rey “PJ” Abellana, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Juan Rodrigo, Rez Cortez, at Kuya Manzano.

Kasama rin dito sina Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, at Claudine Barretto in a special role. Ang direktor ay si Lawrence Fajardo, at ang scriptwriter ay si Eric Ramos.

NOEL FERRER

So, is this intended sa pagbabalik ng mga sinehan?

Grabe lang, kasi nakatengga ang perang puhunan ng producers kung stop shooting.

Tapos, paano kaya si Edu Manzano? Hindi ba siya tatakbo for the 2022 elections? If not, wala namang problema.

If ever, ipapalabas na lang ang Mamasapano movie after the elections.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dismayado si Atty. Ferdinand Topacio, producer ng Mamasapano: Now It Can Be Told, dahil sa negligence ng production staff ng pelikula: “Wala silang hiniling sa akin na humindi ako. Kaya wala silang reason kung bakit hindi nila tuparin ang kanilang obligasyon na tapusin iyong film,” himutok niya.
PHOTO/S: Borracho Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results