Battle of weekend shows: Everybody, Sing!, Game of the Gens, The Wall, 1,000 Heartbeats

by PEP Troika
Jun 6, 2021
Nag-trending ang Audrey Hepburn look ni Vice Ganda sa June 5 edition ng Everybody, Sing!

JERRY OLEA: Nag-jell na ang tambalan nina Sef Cadayona at Ruru Madrid bilang co-hosts ng Game of the Gens sa ikatlong Sunday nito ngayong Hunyo 6, 2021, sa GTV.

Game of Gens

Inaasahan nating mas swak ang kanilang tandem sa apat pang episodes ng nasabing game show.

Game of Gens

Continue reading below ↓

Sayang at hindi na mae-extend ang kanilang partnership dahil may kani-kanya na silang TV show na isu-shoot ngayong Hunyo.

Finally, uumpisahan na ang taping ng adventure series na Lolong, kung saan co-stars ni Ruru sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Last year pa nag-training for fight scenes sina Ruru at Shaira para sa Lolong.

Ayon sa source ng PEP Troika, kasama rin sa cast ng Lolong ang isang multi-awarded actor na balik-Kapuso.

Si Sef naman, naulinigan nating makakasama ni Pokwang sa sitcom na gagawin nito sa GMA-7!

GORGY RULA

Agree ako na swak ang tandem nina Ruru at Sef sa Game of the Gens. Pero wala pa kaming balita kung mai-extend ito.

Sayang, dahil maganda pa naman ang palaro, at madali itong sundan ng mga manonood.

Sa totoo lang, naaaliw ako sa programming ng mga TV networks sa weekend dahil may game shows at ilang educational shows at mini-series na swak sa mga batang walang pasok.

Continue reading below ↓

Bago mag-Game of the Gens sa GTV, okay rin ang The Wall ng Viva na napapanood sa TV5 tuwing Sabado ng 6:00 pm.

Billy Crawford

Minamani na lang ni Billy Crawford ang hosting at nakakapag-adjust siya sa contestants.

May ilang nagku-comment na medyo OA raw ang mga naglalaro. Pero para sa akin okay lang dahil nakaka-tense talaga kapag inilalaglag na ang bola sa The Wall.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng The Wall, sumunod naman ang Rolling In It Philippines na hinu-host ni Yassi Pressman.

Hindi ko gaanong natutukan ito noong Sabado, Hunyo 5, dahil mas sinusubaybayan ko ang Agimat ng Agila sa GMA-7 na gumaganda na ang takbo ng kuwento.

Sa ilang segments na nasilip ko, medyo may bagot factor ang hosting ni Yassi sa naturang game show.

Pero mas may energy si Yassi kumpara sa style ng hosting ni Olivia Culpo sa nakaraang Miss Universe 2020.

Karamihan sa mga komentong nakakarating sa akin, hindi talaga pang-game show ang hosting ni Yassi Pressman. Mabuti na lang at nakakatawa ang celebrity contestants na sina Jobert Austria, Jason Gainza at Sunshine Guimary.

Medyo late na pumapasok ang game show ni Xian Lim na 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy. 9:00 pm ito nagsisimula, pagkatapos ng teledramang Encounter nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga.

Xian Lim

Continue reading below ↓

Parang hindi aliw sa televiewers ang game show na ito. Ang hirap ng mechanics, pati ang mga katanungan na parang ayaw nila mamigay ng premyo. Kaya madalas, walang naiuuwing panalo ang contestants.

Xian Lim

Karamihan sa komentong nakukuha ko, medyo OA ang hosting ni Xian Lim na madalas saliwa ang jokes. Hindi rin sila swak ni Chad Kinis.

Continue reading below ↓

Samantala, noong Hunyo 5, Sabado ng 8:00 pm din nagsimula ang Everybody, Sing ng Kapamilya Channel, na hinu-host ni Vice Ganda.

Mas nag-trending pa ang Audrey Hepburn look ni Vice Ganda noong gabing iyun. Mistula siyang si Holly Golightly sa Hollywood film na Breakfast at Tiffany’s (1961).

Vice Ganda

Parang may pa-Christmas party lang ang game show na ito. Pero nakakaaliw naman, dahil mahilig kasi talaga sa kantahan ang “songbayanan.”

Continue reading below ↓

Magaan itong panoorin, madaling laruin ng televiewers, at nakakatuwa pa dahil nakuha pa ng community pantry volunteers ang jackpot na PHP500,000 sa pilot episode nito.

Sa totoo lang, nakakaaliw pa rin panoorin ang replay ng Celebrity Bluff na napapanood naman tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.

Sana, ibalik na ito at mga bagong episodes na ang mapapanood kahit hindi na kasali si Jose Manalo bilang bluffer.

Kering-keri na kasing i-host ito ni Eugene Domingo.

NOEL FERRER

Pero ang malaking chunk ng special program sa TV ngayon na talaga namang pinag-usapan ay ang mid-year sale ng Lazada at Shopee na naganap sa GMA-7 na siya talagang wagi sa revenue ngayong weekend.

Kung may Alden Richards at SB19 sa Lazada nitong Sabado night, may Willie Revillame naman at John Lloyd Cruz sa Shopee this Sunday afternoon.

Medyo doon lumamang sa pagka-newsworthy ang Shopee dahil katulad ng pinost ni Annette Gozon-Valdes sa kanyang social media, after 20 years ay nangyari ring tumuntong sa Kapuso network si Lloydie.

Continue reading below ↓

Ano kaya ang kasunod ng appearance na ito ni Lloydie… pelikula ba o teleserye under GMA?

Aabangan natin ito!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending ang Audrey Hepburn look ni Vice Ganda sa June 5 edition ng Everybody, Sing!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results