Dakilang aktor at magandang aktres, itatambal kina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa magkahiwalay na proyekto

by PEP Troika
Jun 7, 2021
Pagkatapos ng matagumpay nilang pagtatambal sa The Lost Recipe, maghihiwalay muna sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa kanilang follow-up projects.
PHOTO/S: The Lost Recipe - GMA

JERRY OLEA

Noong Marso 31 pa nagtapos ang seryeng The Lost Recipe nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa GMA News TV (rebranded sa GTV).

Lost recipe na muna ang MiKel tandem, dahil iba na muna ang kani-kanyang katambal. At least, pareho silang may follow-up project na pagbibidahan.

Niluluto na ang partnership ni Mikee sa isang dakilang actor-TV host. Kaabang-abang ang project na ito.

Ikinakasa na ang drama series ni Kelvin kung saan makakasama niya ang isang magandang aktres.

Kapana-panabik ang istorya nito, tiyak na magpapainit sa rainy days!

NOEL FERRER

Kilala ko bilang magaling na aktor ang ipa-partner kay Mikee.

Nang itanong ko kung dakila siya, tumawa lang.

Pero ang sigurado, masarap siyang kumain at magpakain. Hehehe! Magaling kasing magluto ang pamilya niya.

Doon sa magandang aktres na makakasama ni Kelvin, masaya tayong kahit nalibot na niya ang major networks ay tuluy-tuloy pa rin siya sa trabaho!

Marahil, mabait at magaan siya bilang co-worker kaya hindi sya nababakante.

Continue reading below ↓

Basta in the end, those na magagaling na at mababait pa, ang mga iyan ang mga napagkakalooban ng trabaho na big blessing during this time ng pandemic!

GORGY RULA

Kapag wala kang attitude sa work, at maganda ang record, tiyak na hindi ka mawawalan ng project.

Pawang papuri ang naririnig namin kina Kelvin at Mikee.

Bukod sa lalong gumuguwapo si Kelvin, nababaitan sa kanya ang production staff.

Kung siya na ang napiling leading man ng magandang aktres, lalong makakatulong ito sa bobongga niyang career.

Medyo malaki ang agwat ng kanilang edad, kaya mala-May-December affair kaya ang kuwento?

Tikom kasi ang bibig ng mga taong involved sa magandang project na ito. Kaya abangan na lang natin ang kanilang official announcement.

Excited kami para kay Mikee sa gagawin niyang weekly program. Bigatin ang casting at maganda ang konsepto nito.

Alam ko, ia-announce ito ngayong linggong ito.

Pero iba pa rin sana kung mabibigyan din ng magandang drama series sa GMA-7 ang tambalang MiKel.

Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng matagumpay nilang pagtatambal sa The Lost Recipe, maghihiwalay muna sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa kanilang follow-up projects.
PHOTO/S: The Lost Recipe - GMA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results