Patalbugan ng dalawang female singers, nakaapekto na sa kanilang friendship?

by PEP Troika
6 days ago
First runner-up sa isang contest, nais magpatunay na siya ang karapat-dapat na kampeon?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Labas-litid kung bumirit ang dalawang babaeng mang-aawit tuwing magkakasabay sa production number.

Ultimate showdown ang peg ng dalawa na kabugan nang bonggang-bongga, at hinahayaan na lang sila ng mga kasabayan nila sa kantahan.

Ang totoo, may nanalo na. Nagtagisan ang dalawa sa isang paligsahan. May nagwaging kampeon, may itinanghal na first runner-up.

Pero iyon nga, tila umaapela ang first runner-up sa tuwi-tuwina kapag nagpe-perform sila. Ipinahihiwatig ng first runner-up na siya ang karapat-dapat na winner.

Siyempre, hindi basta-basta magpapataob ang kampeon. Kanya ang titulo at mga papremyo, at dapat lang niyang ipamukha sa first runner-up na the winner takes it all.

Panahon ang huhusga kung sino ang tunay na diva, at kung sino ang divaklong o diva-divahan lang.

GORGY RULA

Hindi na bago iyang nagpapatalbugang singers. Patalbugan ng biritan, na minsan naaapektuhan ang friendship at pati fans ay nakikisali.

Kaya kapag nagkakasabay sila sa isang show, sa kanila na nakatutok ang mga staff.

Continue reading below ↓

Ang feeling kasi ng iba, tila may namumuo nang gap sa dalawa.

Parang gusto talagang patunayan ni runner-up na mas may karapatan siyang magwagi.

Sana, hanggang doon lang ang talbugan nila, wala nang personalan.

NOEL FERRER:

Wow, may ganito palang patalbugan? Parang di ko naman naramdaman.

At bago sila magbangayan, sana’y ma-prove muna nila ang sarili nila sa ating industriya at umalis muna sa category ng pagiging Da Hu!?!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First runner-up sa isang contest, nais magpatunay na siya ang karapat-dapat na kampeon?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results