Kitkat, ariba sa paggi-guest sa Kapuso shows; magiging regular na sa TBATS?

by PEP Troika
Jun 8, 2021
Kitkat: “Sobrang saya po sa TBATS. Para kaming naglalaro, especially noong unang episode na andoon ako."

JERRY OLEA

Ariba ang guestings ni Kitkat sa Kapuso Network, kahit tumatawid siya sa Kapamilya shows.

Panauhin ang sexy comedienne sa MARS Pa More noong Hunyo 1, Martes ng 8:45 a.m., sa GMA-7.

The next day, nag-Magandang Buhay siya sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Nitong Hunyo 6, Linggo ng gabi, nagpakitang-gilas si Kitkat sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

“Sobrang saya po sa TBATS. Para kaming naglalaro, especially noong unang episode na andoon ako,” sabi ni Kitkat nitong Hunyo 8, Martes ng hapon, via Messenger.

“Miss Universe ang ginawa namin. Ha! Ha! Ha! Tawang-tawa sila sa akin. Kasi, hindi raw ako nauubusan ng energy kahit that day, kakabakuna ko lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Noong Wednesday, nag-taping ulit sila sa TBATS pero pero hindi muna ako kasali. Kasi po, may taping ako ng Dear Uge.”

Sa Hunyo 13, Linggo, ipalalabas ang guesting ni Kitkat sa Dear Uge, pagkatapos ng GMA Blockbusters.

Continue reading below ↓

Sa istorya, members ng '80s “It Girls” trio na Bagirls sina Pipay (Manilyn Reynes) at Shonda (Kitkat).

Muli silang magtatagpo sa burol ng kanilang ikatlong miyembro. Isa nang simpleng maybahay si Pipay habang naadik sa pagpaparetoke si Shonda.

Ang dating mag-best friends ay magiging magkaribal nang malaman nilang ipagkakaloob ang kayamanan ng kanilang yumaong kamiyembro sa pinakakarapat-dapat na Bagirl.

Magpapasiklaban sa iba't ibang challenges sina Pipay at Shonda, at maraming mauungkat sa kanilang nakaraan.

Lahad ni Kitkat, “Si Ate Manilyn po talaga ang original ate ko sa showbiz. Magkasama po kami sa unang TV show ko, ang Maid in Heaven, noong August 2004 sa ABS-CBN.

“Ako po yung pinakakontrabida ni Mickey Ferriols doon. Kasama rin po namin sa Maid in Heaven sina Pokwang, Assunta de Rossi, at Cherry Pie Picache.

“Tuluy-tuloy na po ang friendship namin ni Ate Manilyn mula noon. Halos lahat ng mga unang sponsors ko, sa kanya po galing. Hehehe!

Continue reading below ↓

“Noong walang pandemic, once in a while, nagkakasama po kaming mag-bonding ni Ate Mane at Kuya Aljon [Jimenez] and kids, kasama yung isa naming ate-ate, si Miss Marie Yu, iyong sponsor po namin ng clothes.

“Model niya kami dating-dati pa. Kahit wala na yung business nila, tuluy-tuloy ang suporta ni Miss Marie sa amin kaya naging friend namin siya.

“Ang tawag ni Ate Mane sa akin, iyong real nickname ko na Aya. Kasi po, pag pamilya, Aya po ang tawag sa akin.”

Soraya Ray B. Favia ang totoong pangalan ni Kitkat, kaya Aya ang kanyang palayaw.

Pagpapatuloy ni Kitkat, “Sobrang comfortable po ako sa pakikipagtrabaho kay Ate Mane. Wala na pong pag-a-adjust.

“Napag-uusapan namin ni Ate Mane kahit ano mula sa totoong buhay, sa faith namin, sa buhay-buhay. Lahat, napag-uusapan namin.

“Sobrang sulit na araw every time na magkasama kami. Though sa taping ng Dear Uge, hindi kami masyadong nakapagkwentuhan. Kasi, work kami.

Continue reading below ↓

“Pero in-assure niya sa akin, simula noon hanggang ngayon, andiyan siya for me.”

Napag-usapan ba nila ni Manilyn ang dating ka-love team nitong si Janno Gibbs?

“Hahahahahhaha!” tugon ni Kitkat, sabay padala ng litrato kung saan binubuhat siya ng mga bida sa D.O.M. (Dirty Old Musical) na sina John Arcilla, Nonie Buencamino, Robert Sen?a, Michael Williams, at Ricky Davao.

“Kung may problema sa akin, hindi ako kukunin ng mga projects, di po ba?! Hehehhe!” sabi pa ni Kitkat.

Bago ang guesting niya sa Dear Uge sa Sunday, tampok din si Kitkat at ang asawa niya sa Sarap Di Ba sa Hunyo 12, Sabado ng umaga, sa GMA.

“Kami lang po ni hubby ang nag-shoot ng guesting namin sa Sarap Di Ba. Virtual po iyon,” saad ni Kitkat.

“Bumili po ako ng wireless na microphone para kahit cellphone lang ang ginamit namin sa shoot ay maganda ang audio.

“Nag-shoot po kami sa bahay kasama ang 12 dogs ko, saka po sa resto namin na Miyagi Sushi sa Cubao Expo. Authentic Japanese food na affordable po ang specialty ng resto namin.”

Continue reading below ↓

May offer pang TV program kay Kitkat, pero hindi pa naisasara ang deal.

Aniya, “Medyo nag-aalangan pa po ako sa lock-in taping. Kasi, hindi ko maiwan ang business at asawa ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER

Napanood ko ‘yang Dirty Old Musical noong 2016 sa Music Museum, and I was really pleasantly surprised na talented talaga si KitKat!

Kasi, ibang medium iyan—teatro, walang take 2 tulad ng teleserye at pelikula.

Siguro, kung anuman ang namagitang alitan sa kanila ni Janno ay dapat in the past na lang yun. Move on na dapat.

At dahil pareho naman silang may talent, gamitin na lang yun para kumita ngayong pandemya, maghatid ng kaligayahan, at maging outlet ng kanilang pent-up emotions at kahusayan.

Si Janno, may bagong single sa Spotify. Si Kitkat, in demand sa guestings. Let them attract more blessings!

At sana, kapag super-blessed na sila, and they’re both coming from a good place…magkaayos na sila!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kuwela nga si Kitkat nang napanood ko siya sa The Boobay and Tekla Show nitong nakaraang Linggo.

Isa siya sa The Mema Squad, na parang type yata niyang mag-regular na.

May game sila roon noong Linggo na patalbugan ng ginagayang celebrities. Nandoon ang The Clash runner-up na si Jennie Gabriel na ang galing gayahin sina Angel Locsin, Jaya, at Jessa Zaragoza.

Merong nanggaya kay Janno Gibbs kaya todo-kantiyaw si Kitkat na natatawa na lang. Pero nagbitaw ng pahayag si Kitkat na pinatawad na raw niya ang dating co-host sa Happy Time.

Mukhang type naman ng mga taga-TBATS si Kitkat, kaya malamang makakabalik pa siya roon at malay natin, magiging regular din siya, dahil kinakarir niya ang ginagawa niyang pagpapatawa sa naturang comedy show.

Samantala, may mga nagbalita sa PEP Troika na sisibakin na raw ng NET 25 ang Happy Time. Pawang replay episodes na ang umeere ngayon at tatapusin na raw ito.

Continue reading below ↓

Pero pinabulaanan ito ni Anjo Yllana.

Na-lockdown lang daw ang Net 25 dahil may mga nadagdag na COVID cases. Inaayos na raw ang pagbabalik nila.

“Baka sa Philippine Arena pa nga kami, pag mag-resume na kami,” pagbibiro pa ni Anjo.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat: “Sobrang saya po sa TBATS. Para kaming naglalaro, especially noong unang episode na andoon ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results