Sef Cadayona, Mikee Quintos, Pokwang, Kokoy de Santos bibida sa Pepito Manaloto prequel — source

by PEP Troika
6 days ago
Ayon sa source ng PEP Troika, sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang bibida sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento. Sinasabing kasama rin sina Kokoy de Santos at Pokwang sa GMA-7 sitcom.
PHOTO/S: @sefcadayona / @mikee / @itspokwang27 / @kkydsnts Instagram

GORGY RULA

Malapit nang i-announce ng GMA-7 ang buong cast ng bagong sitcom na Pepito Manaloto: Unang Kuwento.

Istorya ito nina young Pepito at young Elsa dahil prequel nga ito ng Pepito Manaloto. Nasa '80s ang setting, kaya abangan natin kung tipong Reply 1988 na K-drama ba ang look nitong Unang Kuwento.

Siyempre, comedy ito kaya dapat matinding komedyante ang kasali sa bagong sitcom na ito.

Wala pang kinukumpirma sa amin ang production staff ng Pepito Manaloto, pero ayon sa nasagap ng PEP Troika, si Sef Cadayona raw ang gaganap na batang Pepito, at si Mikee Quintos naman ang batang si Elsa.

Tingin ko, kering-keri ito ni Sef dahil sanay siya sa comedy gawa ng nasa Bubble Gang siya kasama si Bitoy na ina-idolize niya.

Challenge siguro ito kay Mikee dahil mapapasabak na siya ngayon sa all-out na comedy.

Lalo akong na-excite dahil narinig kong kasali rin dito si Pokwang. Wala lang akong ideya kung anong role ang gagampanan niya.

Continue reading below ↓

Pero kung totoong kasama rito si Pokie, lehitimong Kapuso na nga siya.

Kabilang din si Gladys Reyes sa cast na gustung-gusto niya dahil type niya talaga noon pa na mapabilang sa Pepito Manaloto.

Kasama rin daw si Kokoy de Santos na bagay naman dahil magaling siyang umarte. Sana nga, mabigyan pa si Kokoy ng drama series sa Kapuso network.

Abangan na lang natin ang announcement ng GMA-7 kung sinu-sino na talaga ang final cast sa Unang Kuwento ni Pepito Manaloto.

JERRY OLEA

Wow! Ang tatlong pangunahing artista sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, pawang Kapuso na!

Si Royce Cabrera, napanood natin sa Dear Uge last Sunday, June 6.

Si Ricky Davao, direktor ng teledramang Nagbabagang Luha starring Glaiza de Castro and Rayver Cruz.

At ngayon, si Kokoy de Santos! Siya ba ang gaganap na young Patrick (John Feir) na best friend ni Pepito?

Big break para kay Sef kung siya na nga ang young Pepito sa prequel na Unang Kuwento. Abangan natin kung si Mikee na ang young Elsa, at kung okay ba ang tandem nila ni Sef.

Continue reading below ↓

Goodbye, MiKel! Hello, MiSef na muna?! Syempre pa, kapana-panabik din ang papel dito ni Pokwang! Payanig!

NOEL FERRER

Lahat ay approved sa atin sa PEP Troika kung sakali: Sef Cadayona at Mikee Quintos.

Kailangan lang nila sigurong mag-LEVEL UP in terms of confidence, abilidad at presence. Kaya nila iyan!

Okay din si Kokoy de Santos dahil sa kakaibang husay at angas na pwede niyang dalhin sa proyekto.

At siyempre, okay na okay sa atin si Pokwang na sumali sa nasabing prequel.

This early, marami nang nang-iintriga na sa pagpasok ni Pokwang sa GMA-7 ay ikinukumpara siya kay Ai-Ai de las Alas.

Ang sa atin naman, there is enough room for good actresses and good people like Ai-Ai and Pokwang!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa source ng PEP Troika, sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang bibida sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento. Sinasabing kasama rin sina Kokoy de Santos at Pokwang sa GMA-7 sitcom.
PHOTO/S: @sefcadayona / @mikee / @itspokwang27 / @kkydsnts Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results