Hidilyn Diaz handa nang sumabak sa Tokyo Olympics sa kabila ng challenges sa training

by PEP Troika
5 days ago
Hidilyn Diaz: "Gagawin ang lahat basta makapag-training. Mula sa mga galon ng tubig, naging bag na may laman ng galon ng tubig. Pati gate di pinalampas. ‘Yan ang atletang Pinoy, ‘di sumusuko at madiskarte!"
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nakatakdang lumaban ang Olympic medalist na si Hidilyn Diaz sa 2020 Summer Olympics na nakatakda sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 sa Tokyo, Japan.

“Kakagaling lang namin sa Asian Championship pero tuloy ang laban dahil mandirigma tayo,” pahayag ni Hidilyn na kasalukuyang nasa Malaysia at patuloy na nagsasanay.

Nasungkit ni Hidilyn ang ikaapat na puwesto sa Asian Weightlifting Championship noong Abril sa Tashkent, Uzbekistan.

Nagtala si Hidilyn ng 94kg sa snatch category at 118kg naman sa clean and jerk.

Ito ang nagpaigting ng kanyang kwalipikasyon para mapasama sa Games of the XXXII Olympiad, o Tokyo 2020.

Instagram post ng 30-anyos na weightlifter mula Zamboanga City noong Abril 25: “Akala ko noong una, impossible magkaroon ng laro, impossible makaalis sa Malaysia, impossible na makakaapak ako sa international platform, at impossible na ma-meet ko ang 6th Olympic qualifying competition na required para makapag-qualify ako sa Summer Olympics.

“Kaya naman sobrang thankful thankful ako na nakapag-participate ang #TeamPhilippines despite may pandemic, kahit ang daming fears, worries, doubts and restrictions dahil sa Covid-19 pandemic.

Continue reading below ↓

“Thankful din ako na nabigyan din kami ng opportunity to represent Philippines in international podium, at ganito tayong mga Pinoy, lumalaban at hindi naggi-give up sa buhay at sa pangarap.”

Ipinagpasalamat ni Hidilyn na nakapaglaro siyang muli sa international podium makalipas ang labing-apat na buwan. Maging ang mga pagkakamali niya sa Asian Championship 2020 ay ipinagpasalamat ni Hidilyn dahil marami siyang natutunan doon.

Continue reading below ↓

Pinanghawakan ni Hidilyn ang talata sa Mateo 19:26: “With man this is impossible, but with God, all things are possible.”

Maraming pagsubok na pinagdaanan si Hidilyn at ang kanyang team of coaches simula pa noong Pebrero 2020.

Na-stranded sila sa Malaysia matapos ideklara ng gobyerno nito ang national lockdown dahil sa pandemic.

Nakatakda sanang lumipad patungong Colombia si Hidilyn para lumaban sa Ibero-America Open Championships (Marso 17-23, 2020), isa sa mga Olympic-qualifying competitions. Ngunit nagsara ang borders, na-postpone at nakansela ang mga competition, at pinauwi sa kani-kanyang bansa ang mga atleta.

“Mahirap na part noong nangyari ang lockdown all over the world, di namin alam ang gagawin, kung ano ang next move,” paggunita ni Hidilyn sa panayam sa kanya ng PEP Troika.

“Wala rin kaming kilala dito sa Malaysia, walang connection, di namin alam ang lugar, at ano ang mga bawal at pwede…

“Then siyempre, during this moment, di maiwasan na magka-anxiety, mag-overthink, may takot at na-miss ang pamilya.”

Continue reading below ↓

Dahil hindi makabalik ng Pilipinas, naging challenge para kay Hidilyn ang training.

Dito naging creative ang dalaga, ang kanyang trainor-boyfriend na si Julius Naranjo, at si Coach Gao na Chinese.

Ginamit nila ang mga maluluwag at bakanteng parking lots, mga galon ng tubig, at maging ang mga mabibigat na metal gates sa tinutuluyang condo para magsilbing gym, weights, at monkey bars.

“Gagawin ang lahat basta makapag-training. Mula sa mga galon ng tubig, naging bag na may laman ng galon ng tubig. Pati gate di pinalampas. ‘Yan ang atletang Pinoy, ‘di sumusuko at madiskarte!

“Mahirap ma-lockdown at hindi makapag-training pero kailangang maging proactive at gumawa ng paraan.”

Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang mga coach na nagtutulung-tulong para siguraduhing maayos ang kanyang training at nasa kondisyon ang kanyang katawan para sa 2020 Summer Olympics.

“Sinisiguro din nila na I do not lose sight of our goal. Kaya naman nanatili akong focused at determinado na pagbutihin pa ang training araw-araw kasama ang team ko na kagaya ko ay marami na rin ang naging sakripisyo para maging representative ng ating bansa,” lahad ni Hidilyn.

Continue reading below ↓

Bahagi ng interbyu na ito kay Hidilyn ay courtesy ng Alaxan FR na ineendorso niya, at ibinahagi sa PEP Troika nitong Hunyo 8, Martes.

NOEL FERRER

Ang maganda ngayon ay focused talaga si Hidilyn sa kanyang training para bigyan ang ating bansa ng pag-asang makamit ang ating unang gold sa Olympics.

Kasama sa panalangin natin si Hidilyn Diaz, at ang kanyang mga coaches—si Coach Gao, at si Coach Julius, na kahit boyfriend ni Hidilyn ay istriktong may chastity belt kaya pigil na pigil sa panggigigil bilang sakripisyo sa pagiging busilak para sa winning formula!

All the best, Hidilyn, nasa iyo ang aming suporta at pagmamahal!

GORGY RULA

Ina-update ni Hidilyn ang kanyang supporters at followers sa Instagram kaugnay sa kanyang training.

Post ni Hidilyn sa IG noong Hunyo 1, Martes, “Salamat po sa lahat ng nag-message at nag-alala sa kalagayan namin dito sa Malaysia.

“Extended po ang MCO dito at full lockdown po ulet. Aaminin ko, medyo naapektuhan ako pero buti na lang, nasa Malacca, Malaysia kami at nasa kampong kami, isolated from other people, at malayo sa sentro.

Continue reading below ↓

“Huwag po kayong mag-alala, basta nagte-training pa rin po ako, at kasama ko ang barbel parati, at mga coaches ko. Okay po kami dito.

“Ingat po tayong lahat, nandyan pa rin ang Covid. Huwag magkampante at kung pwede, magpa-vaccine na rin po.”

May paalala rin ang champion weightlifter para sa lahat ng tulad niyang mandirigma—community pantry organizer man o delivery rider—na patuloy lumalaban sa buhay ngayong new normal.

Continue reading below ↓

“Use this pandemic to prepare and become better so you can achieve your dreams. Lalo na sa mga kabataan na nagsisimula pa lang.

“Wag susuko kahit mahirap. Ituloy n’yo ang laban para sa pangarap dahil kayo ang mga bagong mandirigma. Laban lang!”

MORE PEP TROIKA STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz: "Gagawin ang lahat basta makapag-training. Mula sa mga galon ng tubig, naging bag na may laman ng galon ng tubig. Pati gate di pinalampas. ‘Yan ang atletang Pinoy, ‘di sumusuko at madiskarte!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results