Sanya Lopez, naagaw na ang titulong Kapuso Primetime Princess kay Barbie Forteza?

by PEP Troika
6 days ago
Barbie Forteza (right) on "future sister-in-law" Sanya Lopez (left): “Kasi siyempre… nakakausap ko rin naman siya and kilala ko naman siya nang personal. And I can say na talagang nag-grow siya, not just an actress but also as a person. Nag-mature din siya talaga, and I’m very very happy for her.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Live ang 71st anniversary celebration ng GMA-7 sa Hunyo 13, Linggo, sa All-Out Sundays (AOS).

Titipunin dito ang big stars ng Kapuso Network na sina Dingdong Dantes, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Alden Richards, Lovi Poe, Carla Abellana, Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, at Michael V.

Makikisaya pati ang pillars ng GMA News na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho.

Kasama rin ang stars ng iba’t ibang Kapuso shows, at isa rito ay ang top-rated drama series na First Yaya.

First time na magpa-concert sa AOS stage ang bida ng First Yaya na si Sanya Lopez. Isa ito sa aabangan sa naturang musical-comedy-variety program, na tiyak na itotodo ito ni Sanya.

Sa virtual mediacon ng AOS nitong Hunyo 9, Miyerkules ng hapon, hiningan ng reaksiyon si Barbie Forteza sa sinasabi ng iba na kay Sanya na raw ang titulong GMA Primetime Princess dahil sa success ng First Yaya.

Continue reading below ↓

Hawak kasi ni Barbie ang titulong ito dahil halos lahat ng programa niya ay toprater. Hindi lang matanggap ni Barbie na siya ang may karapatang magmana ng titulong GMA Primetime Queen ni Marian Rivera.

Okay na raw si Barbie sa matagal nang bansag sa kanyang GMA Primetime Princess. Pero kung na kay Sanya na ito ngayon, wala raw problema yun sa kanya.

Hindi ito isyu kay Barbie, lalo na’t sobrang happy siya sa na-achieve ng magiging sister-in-law niya kung sakali.

“Okay po, go ahead. Wala pong problema yun. Wala naman pong problema sa akin yun!” natatawa niyang sagot nang tinanong ito sa kanya ni Kuya Mario Bautista.

Masaya raw si Barbie para kay Sanya, lalo na’t ang laki raw ng in-improve nito bilang aktres at pati sa pagkatao nito.

“Grabe ang First Yaya ngayon. I’m so happy and proud of Sanya.

“Grabe talaga yung in-improve… basta, iba yung in-improve ni Sanya as an actress and also as a person.

Continue reading below ↓

“Kasi siyempre… nakakausap ko rin naman siya and kilala ko naman siya nang personal. And I can say na talagang nag-grow siya, not just an actress but also as a person.

“Nag-mature din siya talaga, and I’m very very happy for her,” dagdag na pahayag ni Barbie.

Abangan na lang natin ang pa-concert ni Sanya sa AOS sa Linggo.

Ang partisipasyon naman ni Barbie ay sa isang segment tampok ang all-time favorite OPM dance music.

Ilan sa makakasama niya ay sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Ken Chan, Rita Daniela, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Mavey Legaspi, at Kim de Leon.

Lagi naman daw niyang kinakarir ang mga production numbers na ginagawa niya sa AOS, lalo na sa isa pang dance segment nilang Cypher.

JERRY OLEA

Wala pa sa All-Out Sundays ang mga bagong Kapuso na sina Pokwang, Beauty Gonzalez, at Kokoy de Santos.

Continue reading below ↓

Kabahagi sa pagdiriwang ang mga bituin ng mga upcoming GMA series na Legal Wives, Nagbabagang Luha, Las Hermanas, at The World Between Us.

May moment din sa anniversary celebration ang stars ng Kapuso shows na First Yaya, Bubble Gang, Pepito Manaloto, Daddy’s Gurl, Dear Uge, Catch Me Out Philippines, iBilib, Centerstage, Mars Pa More, Sarap ‘Di Ba, Taste Buddies, Farm To Table, at Eat Bulaga.

"I’m Byerna" ang bagong comedy-fantasy-musical series, na kuwento na Virna (Denice Barbacena).

Kapag naiimbyerna si Virna, nagta-transform siya sa alter-ego niyang si Byerna (Buboy Villar). Mapipilitan si Byerna na maging superhero nang mag-umpisang maghasik ng lagim ang supervillain na si Chillax.

Tampok din sa "I’m Byerna" sina Edgar Allan Guzman, Yasser Marta, Mike “Pekto” Nacua, Tuesday Vargas, at Bb. Kakai Bautista.

NOEL FERRER

May Binibini na talaga si Kakai Bautista, na agaw-eksena bilang Pepita sa First Yaya.

Buti naman at tuluy-tuloy na sa paggawa ng fresh materials at episodes ang GMA-7, at may live presentation din sa studio mismo.

Continue reading below ↓

Sa dami rin ng mga taong inaasahan, I’m sure magiging istrikto at compliant ang GMA sa health protocols at maipapatupad ito nang may karampatang social distancing.

Iniba na talaga ng pandemya ang paraan natin ng mga selebrasyon, tingnan natin kung paano mapapanatili ang saya ng mga Kapuso kahit may mga balakid ang pandemya!!!

Happy 71st Anniversary, Kapuso!!!

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza (right) on "future sister-in-law" Sanya Lopez (left): “Kasi siyempre… nakakausap ko rin naman siya and kilala ko naman siya nang personal. And I can say na talagang nag-grow siya, not just an actress but also as a person. Nag-mature din siya talaga, and I’m very very happy for her.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results