Mga kaganapan sa First Yaya at Ang Probinsyano, patindi nang patindi

by PEP Troika
5 days ago
Sa First Yaya, natuklasan ni Yaya Melody (Sanya Lopez) na si Nina (Cassy Legaspi) ang nakasagasa at nakapatay sa kanyang ama (Buboy Garovillo); sa FPJ's Ang Probinsyano naman, kakampi na kay Cardo (Coco Martin) ang dati niyang kaaway na si Lia (Jane de Leon).
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa Kapuso primetime series na First Yaya, matapos malaman ni Yaya Melody (Sanya Lopez) na si Nina (Cassy Legaspi) ang nakasagasa at nakapatay sa kanyang tatay (Boboy Garrovillo).

Si Nina ang panganay ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), na ipinapa-impeach ni Luis Prado (Gardo Versoza).

May happily ever after pa kaya kina Yaya Melody at President Glenn?

Napapanood ang toprating First Yaya Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GMA 7.

Samantala, magigising na si President Oscar (Rowell Santiago) sa FPJ’s Ang Probinsyano. Mapapasailalim na rin si President Oscar sa kapangyarihan ni Renato (John Arcilla).

Kakampi na kay Cardo (Coco Martin) ang dati niyang kaaway na si Lia (Jane de Leon) para protektahan ang Task Force Agila.

Nakonsensiya si Lia sa pagkakapatay ng Black Ops sa asawa ni Cardo, kaya sinuway niya ang batas.

Pinatuloy ni Lia sina Cardo sa bahay ng pamilya niya para tulungan silang magtago mula sa mga awtoridad at sa mga kalabang tumutugis sa kanila.

Continue reading below ↓

Mas kakailanganin din ngayon ni Cardo ang tulong ni Lia dahil nagsanib-pwersa na ang mga mortal niyang kaaway na sina Lito (Richard Gutierrez) at Lily (Lorna Tolentino).

Nagtala ang FPJ’s Ang Probinsyano ng panibagong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube matapos makakuha ng 156,099 live concurrent viewers ang episode noong Hunyo 8, Martes.

Subaybayan ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

NOEL FERRER

Ang ganda lang na ang mga panoorin natin ngayon ay may pahapyaw na pagsilip sa buhay ng mga pinuno ng ating bansa.

Imagine, sa FPJ’s Ang Probinsyano, may mga nagko-comment na sa wakas, hindi na natutulog sa pansitan ang presidente. At sana, may magandang maidulot ang paggising nito.

Sa First Yaya, impeachment naman ang pinag-uusapan. Yung hindi nagagawa sa tunay na buhay, nagaganap sa teleserye!

Continue reading below ↓

At least, kung minsan, mas maganda pa talaga ang teleserye, nagbibigay ng pag-asa.

Sa buhay natin ngayon, at sa realidad ng ating pangulo, ano kaya ang aasahan natin, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Naka-18.6% ang First Yaya noong Hunyo 9, Miyerkules.

Ang combined ratings naman ng FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood sa A2Z, TV 5, Kapamilya Channel, at Cinemo ay 12%.

Magtatatlong linggo na at matatapos na ang First Yaya, pero parang ending na ang mga eksenang patindi nang patindi ang drama.

Sa pakiwari ko ay mukhang The World Between Us ni Alden Richards ang ipapalit sa First Yaya.

May lumalabas na ngang teaser ng naudlot na halikan nina Alden at Jasmine Curtis.

Tatanggapin na siguro iyon ng ibang fans na hindi pa rin maka-move on sa tambalan nina Alden at Maine.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa First Yaya, natuklasan ni Yaya Melody (Sanya Lopez) na si Nina (Cassy Legaspi) ang nakasagasa at nakapatay sa kanyang ama (Buboy Garovillo); sa FPJ's Ang Probinsyano naman, kakampi na kay Cardo (Coco Martin) ang dati niyang kaaway na si Lia (Jane de Leon).
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results