Julie Anne San Jose nilinaw na walang tensiyon sa pagitan nila ni Alden Richards

by PEP Troika
4 days ago
Julie Anne San Jose on Alden Richards: “I just want to clear it out na wala naman talagang issue between us. For me, wala pong kaso sa akin at all. At the end of the day, I’m just doing my job. Okay naman po kami talaga. I’m on good terms with him."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Break muna si Alden Richards sa lock-in taping ng upcoming Kapuso primetime series na The World Between Us.

Nag-rest muna siya ng ilang araw, at isasalang uli sa swab test para sa All-Out Sundays (AOS) na magla-live sa Hunyo 13, Linggo.

Pagkatapos ng AOS, balik-taping na siya sa The World Between Us. Hindi lang ako sure kung buong season na ang tatapusin nila, pero dito raw muna naka-focus si Alden.

Ang dinig namin, baka bandang October na siya makakabalik ng Eat Bulaga.

Pagkatapos kasi ng The World Between Us, diretso na siya sa pelikula nila ni Bea Alonzo na A Moment to Remember. Sa August naman ang target schedule ng shooting ng movie.

Samantala, sa virtual mediacon ng All-Out Sundays noong Hunyo 8, Miyerkules, tinanong namin si Julie Anne San Jose kung medyo ilag pa rin ba siya kay Alden kapag nagsasama sila sa stage.

Naging isyu kasi noon nang pinagtabi ni Gabbi Garcia sina Alden at Julie Anne sa Sunday musical-comedy-variety show. Nagalit ang ibang fans ng AlDub na ang dating sa kanila ay ibinubugaw ni Gabbi si Julie Anne kay Alden.

Continue reading below ↓

Hindi na isyu ito para kay Julie Anne. Okay raw sila ni Alden, hindi lang sa harap ng camera kundi kahit sa backstage ay nagkakakuwentuhan daw sila.

Ani Julie Anne, “Okay po kami sa All-Out Sundays. Even when we see each other, nakakapag-hi, nakakapag-hello. Nagkakaroon naman ng mga usap-usap.

“I just want to clear it out na wala naman talagang issue between us. For me, wala pong kaso sa akin at all.

“At the end of the day, I’m just doing my job. Okay naman po kami talaga. I’m on good terms with him.

“Saka yung mga issues po before, parang ibaon na natin sa limot yun kasi 2021 na, and that’s not what we need right now.

“All we need right now is to help each other, especially ngayong pandemic na ito.

"Kasi, ang dami nang nangyayari sa mundo, di ba? So, why focus on the negative ones?

“Wala namang kahit anong feeling. Wala namang tension between us.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Medyo segue-segue nga si Alden dahil mula sa set ng teleserye, nag-Lazada Special siya. Tapos heto na nga, ang AOS Live to celebrate GMA’s 71st Anniversary!

Alden is truly blessed! Pero sana nga, magkaroon ng bago at magandang plot twist sa narrative—hindi lang ang kanyang career kundi pati buhay.

Some spice ba to give him a certain edge and character na siya mismo ang organically, spontaneously na ilalabas!

Nothing learned or planned or calculated, because we’ve seen him kwela and funny when he puts down his guard.

As for Julie Anne, more than Heartful Café, I am excited sa gagawin niyang concert soon. Alam natin na iyan ang kanyang core competence.

Sana nga, pumatok na siya overwhelmingly… before time runs out!!!

All the best for Alden and Julie Anne, either together (as in AOS) or separately.

JERRY OLEA

Ika-308 weeksary ng AlDub ngayong Hunyo 10, Huwebes. Meron pa rin silang masusugid na tagahanga… come what may.

Continue reading below ↓

Si David Licauco ang katambal ni Julie Anne sa Kapuso primetime series na Heartful Café. Hanggang doon na lang siguro ang kanilang tambalan.

Kung kailan nalalapit ang pagtatapos ng kanilang serye, saka iniurong ang kanilang tambalan to give way sa rerun ng Endless Love.

Mukhang ang papalit sa Heartful Café ay ang cultural drama series na Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

At iyong The World Between Us nina Alden at Jasmine ang ipapalit sa toprating First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, di ba?

Hindi pa alam ng mga taga-Eat Bulaga! kung kailan ang balik ni Alden sa programa. Nasa GMA Artist Center ang pagpapasya sa usaping iyan.

Siyanga pala, pasok ang virtual reality concert ni Alden na Alden’s Reality sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

Ang nasabing virtual reality concert ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.

Continue reading below ↓

Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Reel Time, Reporter's Notebook, at The Atom Araullo Specials.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on Alden Richards: “I just want to clear it out na wala naman talagang issue between us. For me, wala pong kaso sa akin at all. At the end of the day, I’m just doing my job. Okay naman po kami talaga. I’m on good terms with him."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results